May forever ba? (One shot)

148 11 22
                                    

MAY FOREVER BA?



"Bakit late ka nanaman dumating?!" Pasigaw kong tanong kay Rovic.


"Nag-inuman...Kami...Ni...Rocco," Oo nga. Pansin ko'y nangangamoy alak siya ngayon.


"Buiset. Sinabi ko naman sa'yo na layuan mo na 'yung Rocco na 'yun e! Hindi siya magandang impluwensya para sa'yo Rovic!" Sigaw ko. Kanina pa kasi ako naghihintay. It means kinalimutan niya nanaman ang monthsary namin? Ayoko talaga ang araw 'to! Ito ang dahilan kung bakit hindi ako magkaroon ng lovelife e.


Hindi siya sumagot, "Kaibigan...Ko...Siya," Dagdag niya pa.


"Nakalimutan mo bang monthsary natin ngayon?!" Tanong ko sa kanya. Oh Gosh! I don’t want to here your answer!


"Oo!" Sagot niya. H—He just what?!


"Inuna mo pa talaga 'yang Rocco na 'yan e! Pumili ka. Ako? O Siya?" Para kong tanga. Pinagseselosan ko si Rocco. Eh bakit ba? Dahil pakiramdam ko ay binebrain wash siya nung Rocco na 'yun!

"Tumahimik ka nga Sanya! Sawang sawa na ko sa'yo! Tama nga si Rocco! Magbreak na tayo!" sabay iniwan niya ako. Lagi nalang kaming ganito. Magbrebreak tas mag babalikan. May forever ba? Sa amin?


Tinakpan ko ang mukha ko sa sobrang gulat, at umiyak ako. Ang sakit sakit na! Rovic! Lagi mo nalang akong ginaganito!





Ilang buwan na simulang nangyari 'yun. Nakamove-on na ko. At hindi niya na ko binalikan. Siguro ay may gusto siyang iba. Pero wala akong pake. Dahil sino ba naman ako para pigilan siya sa gusto niya?



"Sanya, Tara kumuha tayo ng picture oh! Remembrance natin sa lugar na 'to." Sabi ni Ilene.



"S-Sige," Nakangiti kong sabi saka lumapit sa kanya at nagselfie na kami.


"1, 2, 3, Say keso!" Masaya naming sabi saka tumawa.


"Wow ah. Nakamove-on ka na ba talaga?" Tanong niya.


Tiningnan ko ang buong baguio, "Oo Ilene. Ilang buwan na 'yun nakalipas." Sabi ko sa kanya.


"Ganun? Eh bakit sa ilang buwan na nagbreak kayo, hindi ka pa naghahanap ng ibang boyfriend?" Tanong niya. Bakit nga ba?



Hindi ako nakasagot sa kanyang tanong. "Iniisip mo nanaman ba, na babalikan ka pa niya kaya hindi ka pa naghanap ng boyfriend?" Tanong niya sa akin.


"Siguro?" Hindi ko na pinakinggan ang susunod niyang sasabihin dahil iniwan ko na siya at maglilibot pa ako. Mamimiss ko ang lugar na ito, kaya mas mabuti pa na i-enjoy ko ang lugar kaysa sa isipin ko ang LOVELIFE ko…Dahil pakiramdam ko’y wala na kong pag-asa.


Habang naglalakad, nilabas ko ang cellphone ko para tawagan si Marco.


["Hello Sanya?"]


"H-Hey Marco...Uhmm, asaan ka na ba?"


["Nasa SM baguio, nagugutom na kasi ako e. Bakit namiss mo ko?"]


"W-What?! Asa ka naman. Tss,"


["Sige na. Bye! I love you Sanya, Take care."]


"bye! I love you more" Aray! Nabunggo ang aking noo! Bulag ba 'tong nakabunggo ko? O di kaya ako 'yung bulag? Parang sa pag-ibig lang, May bulag at may manhid.


May forever ba? (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon