Chapter 33 The Code

1.6K 45 0
                                    

Takeshi's POV

Dali dali kong hinanap sila Charles at Christian upang sabihin ang nosolve ko tungkol sa code na ito. Hindi ako pwedeng magkamiali, iyon ang meaning nung riddle na iyon pero ang hindi ko lang maintindihan ay yung BCO. Wala siyang koneksyon sa kung ano man sa code pero hindi dapat ipasawalang bahala ang parteng iyon.

Kung saan saan na ako naghanap pero wala pa din sila. Kailangan ko nang magmadali dahil kung hindi, huli na ang lahat sa amin.

Pumunta ulit akong gym para makasiguro kung wala ba talaga sila doon pero pagdating ko ay naandoon na sila at kakalabas lang ng locker room. Agad akong tumakbo papunta sa kanila ng may nabunggo akong staff ng gym.

"Sorry kuya" pagpapaumanhin ko ngunit tumango lamang siya at lumalis nang tuluyan. Hindi ko na lang ito pinansin at dirediretsong muli kina Charles. Nakita naman nila ako at kinawayan ako pero may pagtataka sa mukha nila. Marahil ay dahil sa mukhang pagod na itsura o at tummatakbo pa ako.

"Dude anong problema? May nangyari bang masama?" tanong ni Christian noong makalapit ako sa kanila.

Itinukod ko muna ang mga kamay ko sa tuhod at naghabol ng hininga bago ko kinuha ang phone ko at ipinakitang muli ang note na nakita ko sa kwarto ni Ayumi.

"Yung part na Benjamin Franklin. Feeling ko ay tungkol ito sa kung anong oras mangyayari ang krimen. Narinig ko sa mga lalaki kanina sa cr na merong isang part sa movie na pinanood nila kung saan yung sa 100 dollar bill, sa likod nun ay may nakalagay na clock at 3:00 ang nakalagay dun. Pero dati kasi, late ng isang oras ang sa kanila kaya 4:00 talaga yun. Ang nasa 100 dollar bill ay si Benjamin Franklin" Paliwanag ko sa kanila.

"Saktong sakto nga. Ang oras ng basketball ay 4:00 ng hapon kaya tugmang tugma talaga ito" pagsang- ayon naman ni Christian sa akin.

"Pero ano yung BCO? Hindi natin masisigurado kung yun nga talaga kung hindi natin masosolve ang BCO" dagdag naman ni Charles.

"Yun ang hindi ko pa alam. Magsesearch na lang ako dahil baka initials ito ng isang tao o kaya naman ng isang bagay. Baka dito matatagpuan o ito ang hint para malaman kung sino ang gagawa o kung paano ito gagawin" sabi ko naman kina Charles na sinang ayunan naman nilang lahat.

"Sige sige. Ako din magsesearch ng makatulong ako sa inyo. Pero bat parang may nakaligtaan tayong importante?" tanong ni Charles.

"Nararamdaman mo din pala iyon. Ganon din ang nangyayari sa akin ngayon. Parag nasa harap na natin yung sagot pero di natin makita." pagsang ayon ni Christian. Tumango din ako sa kanila na pare parehas kami ng nararamdaman.

Tiningnan ko ulit yung kinuhanan kong picture nung note. Hindi ko alam pero parang ma hindi ako napapansin. Nakakainis! Parang nasa harap ko na siya pero bat parang hindi ko mapansin!

Napadako ang tingin ko sa may bandang taas ng note nang may mpansin akong kakaiba.

Biglang parang nalinawagan ako dahil sa nakita ko.

Hindi kaya't mali kami ng pagkakasagot sa note na ito?


A/N: Lame I know :3

Thanks for reading :)

Girl Detective : The Dark LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon