Kung alam ko lang

110 3 0
                                    

*Trisha’s POV

“10:00pm na san na ba siya?” bulong ko sa sarili ko. maya-maya,

*kriiiiing*

“hello?”

[hello, Trisha? I’m sorry, di ako makakapag-dinner dyan sa Condo mo ngayon. may ginagawa lang eh]

“ah ganun ba? Ano bang ginagawa mo?”

[You don’t need to know. Im sorry]

“ah cge okay lang, I love you”

*toot toot*

Binaba ko na yung phone ko at napabuntong hininga. Milyung-milyong “okay lang” sa milyung-milyong peke niang rason

sanay nako, ang mahalaga boyfriend ko pa din siya

Ang mahalaga di siya nawawala

Mag-isa akong kumakain sa linuto kong pagkain para sana samin ni Dylan. May next time pa naman, next time kase..

“Happy anniversary saten Dy ko. I love you” bulong ko ulit sa sarili ko habang naka-tingin sa mga niluto ko at napabuntong hininga

Ako nga pala si Trisha Villanueva 20 year-old girl na nagmamahal ng totoo at buo sa nag-iisang Dylan Buenaventura

*kinabukasan*

Nagising na ko at naghanda para sa klase ko mamayang 8


Nang nakabihis nako, sakto namang naabutan ko si Dy na nakahawak sa CP niya at pangiti ngiti. (sanay nako..di nako nagseselos. well, slight lang)

“goodmorning Dy nandyan kana pala” sabi ko at pilit na ngumiti

“uh..yep” maikling sagot niya. sabay lagay sa bulsa niya yung CP

Walang sabi-sabi ay kinuha na niya yung bag ko at naglakad na ng hindi ako hinihintay.

Ni-lock ko na yung Condo ko at pumunta na sa parking lot

Nang nakapasok ako sa kotse ni Dy, pinatakbo na niya na parang may hinahabol siya. salita lang ako nang salita para mawala yung kaba ko sa pagpatakbo niya ng kotse.

Tumigil na yung kotse at sa sobrang pagkahinto ay..

*boogsh*

“aray! Anak ng tokwa naman oh. Huhu ang sakit!“

“pfft..” may nagpipigil ng tawa. Sino yun??

Tinignan ko si Dy pero seryoso naman yung mukha niya. sino kaya yun? Tumikhim ako

“salamat pala sa paghatid, ha? bababa nako, ingat ka sa pagmamaneho” –sabi ko na nakahawak sa noo ko

Tumango lang siya at lumabas na ko

Naglakad nako pero as usual gugulatin ko sana siya ng patalon na paharap na may kasamang I love you with matching taas ng dalawang kamay (palagi kong ginagawa yun) kaso…

Patalon palang ako paharap ng pinatakbo na niya yung kotse niya..

May narinig akong tawa at bulungan sa paligid kaya. binaba ko yung kamay ko at bumulong ng….



“I love you Dy ko"

Pumasok na ko sa classroom at nakita ko yung isa kong kaibigan. Di ko alam kung kaibigan ko ba talaga to kase naman kung makapag-flirt sa boyfriend ko parang di niya ko kaibigan eh.

In short? Wala ata akong totoong kaibigan, si Dy lang ang alam ko na totoo

Pero naging cold na ang pakikitungo ni Dy saken. Since 6 months ago?hehe pero pag monthsary may binibigay naman siya pero hindi kami nagda-date. Aalis agad eh, may gagawin daw

Kung alam ko langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon