Chapter One

235 9 11
                                    

Pagkalabas ng airport ay dumiretso agad ako sa tahanan ng namayapa kong kapatid.

Their death was so unexpected!

Ilang taon na kaming hindi nagkita dahil ginugol ko ang limang taon na pamumuhay sa Paris.

Kung hindi lang ako nakatanggap ng isang automatic message galing sa kaniya, hindi ko na uungkatin kung bakit nangyari ang aksidente na ikinamatay nito kasama ang asawa.

Ang automatic message ay kaagad din nabura makalipas ang ilang minuto matapos ko iyon basahin. Nakasaad ang mga habilin.

Isang nakakahindik na habilin. That I am so afraid for the outcomes!

Kasama na doon ang paglipat sa guardianship ng  ten months old kong pamangkin.

Pero nagpapasalamat ako dahil may isang pangalan ng tao ang binanggit nito kung saan makakatulong sa akin na protektahan ang magiging tagapagmana ng namayapang Romulo.

Ang aking pamangkin! Hindi man lamang ito nabigyan ng pagkakataon na lumaki mula sa pag-aalaga at aruga ng magulang.

Huminga ako ng malalim bago napagpasyahan na bumaba sa tapat ng isang malaking gate matapos humimpil ng sinasakyang taxi.

Ang tahanan ng mga Romulo. Malaki. Ngunit halata ang lungkot base sa katahimikan ng paligid ng malaking mansyon.

Matapos akong tulungan ng driver para ibaba ang isang luggage na tanging dala ko maliban sa handbag ay umusal ako ng pasasalamat dito.

Ang tangka na pagpindot sa isang button na nasa labas ng gate ay hindi natuloy dahil tuluyan na iyong bumukas.

Isang nagungunot noo na lalaki na may unipormeng pang-guard ang sumilip.

"Magandang umaga ho. Sino po sila?" magalang nitong tanong sa akin. May nakabalatay na pagkalito sa mukha.

Tumikhim ako ng tuluyang rumehistro sa isip ko na nasa Pinas na nga ako. "Margarette po ang pangalan ko. Kapatid ni Adellia."

Gulat ang unang rumehistro sa mukha nito bago niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan ng gate. "Kayo po pala iyan. Pasesnsya na Ma'am Margarette." anito na may bahid na pagkakilanlan sa akin.

Isang tipid na ngiti lamang ang tanging naisagot ko dito dahil hindi ko kayang maging magiliw dahil sa nararamdaman na pagdadalamhati.

Sa totoo lang ay kinakabahan din ako. Hindi ko maintindihan kung bakit. Marahil ay ayaw kong pakampante para sa kaligtasan ng aking pamangkin.

Kailangan ko nang mailayo si Allios sa lalong madaling panahon.

Ngunit bago iyon, kailangan ko munang ayusin ang mga dokumento niya kung saan ako muna ang guardian hanggang sa tumuntong ito sa dalawampu't isang taon.

The process will take a week pero dahil gagamitan ko ng impluwensya ay isang araw lamang.

Isang humahangos na babae ang sumalubong sa akin matapos kong makapasok ng may kataasang gate.

Tahimik ko itong pinanood habang may pagmamadali na lumapit sa akin. Nasa late 30s ang edad. Hindi mukhang pangkaraniwan na kasambahay ang hitsura kaya naman nagtataka akong tinitigan ito. I want to know kung ano ito sa buhay ng mga Romulo. Base sa natanggap kong mensahe mula kay Ate Adellia ay wala itong ibang taong nabanggit na dapat pagkatiwalaan maliban kay Panther dela Merced.

"Hindi ko inaasahan na ngayon ang iyong dating, Margarette." bungad nito ng makalapit.

Ang gulat sa pagkakatawag nito sa aking pangalan ay magaling kong naitago para hindi mahalata sa aking mukha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Marks & Kisses Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon