Umpisa

2 0 0
                                    


Umpisa

Agad akong kumaway sa baba ng makita ko ang camera na nakatutok sa amin. Habang hawak ito ni Nyx at Ellis na itinaas ang kanilang kanang kamay para sabihin na ready na.

Napalunok ako ng matantsa ang taas.

Kahit na sa layo nila sa amin dahil sa taas ng slide na babagsakan namin, ay kita ko ang pag ngisi ng dalawa sa amin.

Hinarap ako ng katabi kong si Ziara para sabihin na ready na.

"Game!" Anila.

Agad akong tumango kahit na kinakabahan na. I wish I can quit here and leave them here dahil sa taas ng aming babagsakan.

"Alright!" Kabado kong tugon.

Sa pag dausdos ng aming katawan sa slide ng pool ay tili na lamang namin ang bumabalot.

Ang pag kiskis ng katawan ko sa slide ay gumawa rin ng ingay.

Nang bumagsak kami ay napahawak na lamang ako sa tenga ko dahil sa ugong na narinig. Halos itaktak ko ang tainga ko dahil sa tubig na naramdamang pumasok rito.

Nagtawanan naman ang mga kasama ko matapos namin bumagsak.

"Isa pa!" Sigaw nilang lahat. Halos mapailing nalang ako dahil sa gusto nilang mangyari. They really want to kill me.

Sa sobrang kaba na naramdaman ko ay natatakot na akong umulit.

Sa taas ba naman ng aakyatin mo para makarating ka sa pinaka taas ay talagang mapapagod ka. Takot pa naman ako sa mataas kaya ayoko ko ng umulit.

Na natili akong nakaupo at ang sila Zarry, Ziara, at Seamus ay nakatayo na dahil ready ng sumabak muli.

"Are you okay?" Natatawang tanong ni Nyx at inilahad sa akin ang kanyang kamay habang ang DSLR niya ay nakasabit sakanyang leeg.

"Yeah." Sagot ko sakanya at tinanggap ang kamay niya para makatayo.

"Ano, kaya pa?" Hagikgik ni Seamus.

Umirap ako sakanya. "Kayo nalang. Ako naman ang kukuha." Pag priprinsita ko at inagaw sa kamay ni Ellis ang hawak na camera.

Agad naman silang tumango at nag aya na para makapag slide muli.

Pamaya maya pa ay natanaw ko na sila sa itaas ng slide. Pumwesto ako at itinapat sa kanan kong mata ang camera para makuhanan ang mga pinsan ko. "We're ready!" Hinihingal na sigaw ni Ziara mula sa itaas at sabay iwinawagayway ang kanyang dalawang kamay.

Nang nag simula na sila ay agad akong kumuha ng mga shots at ni-click ang camera.

"Shit! My precious ear." Maarteng ayon ni Seamus habang kinakalikot ang kanyang tainga matapos silang bumagsak sa tubig. "Ayoko na!"

"Gay, Dude." Natatawang wika ni Zarry.

Nag tawanan naman sila at nag sitayuan na silang lahat para makarating na sa cottage para kumain.

Nang makarating kami ay, agad kong natanaw ang mga parents namin na nag aayos na ng aming pag kain.

"Look! Tignan mo yung mukha ko diyan. Ang epic!" Reklamo ni Seamus habang zinu-zoom ang mukha niya.

Nag tawanan naman silang lahat. "What the fvck, Seamus!" Ani Nyx at hindi parin matapos tapos ang tawa dahil sa mukha ni Seamus.

Sa gitna ng biruan ay nag paalam ako na pupunta lang ng cr. I need to pee.

Sa pag lalakad ko ay agad kong na pansin ang isang puti na monterosport na nag pa-parking sa parking area ng resort.

Hindi ko 'yon pinansin at nag diret-diretso sa papuntang girls bathroom.

Ilang sandali ay bumalik na rin ako.

Malayo pa lang ng marinig ko na ang maingay na kamustahan na nang gagaling sa cottage namin. Agad kong na pansin ang pag dami ng na roon. Masayang nag babatian.

Nang makalapit ako ay agad akong nag mano sa mga bagong dating na tita at tito ko.

Busy sa pag uusap at kamustahan kaya hindi na ako nakipag usap pa sakanila at agad dumiretso sa mga pinsan ko.

"I thought we're going to eat." Wika ko ng makalapit sa kanila.

"Later, Couz. Swimming muna tayo." Si Ziara. Tumango tango naman ako.

Pamaya maya pa ay nag simula na kaming mag lakad sa pool.

"Hey Wyatt!" Sigaw ni Seamus at nag lakad pabalik.

Hindi ko alam kung paano haharap dahil lahat sila ay nag takbuhan na patungo sa tinawag nilang pangalan.

Halos maestatwa ako sa hindi malaman na dahilan. Hindi ko alam kung babalik rin ba ako o mag diretso nalang palakad at mag panggap na walang narinig. Can I just walk and jump in the pool?

Hindi alam ang gagawin.

Why is he here?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When My Love ReturnedWhere stories live. Discover now