29th of September, 20xx
Dear Katrina,
Hi! Kumusta ka na? Masaya ka na ba ngayon?Okay. I don't want to sound like masaya ang nangyari sa past natin. Can we start over, again?
Kilala kita, Katrina. Iniisip mong makapal ang mukha ko 'no? At habang binabasa mo ito, napapa-roll eyes ka na. I know you so much. So much.
Baka nakalimutan na 'ko ng utak mo, dahil sa sakit na dinulot ko sa puso mo. Ako nga pala, for the second time, si Derrick Rivera, nakilala kita noong first year college tayo. 17 years old ako, samantalang ikaw, 16. Ang kinuha kong course, Accountancy. Ikaw naman, Business Ad.
First day of school, hindi mo mahanap ang room mo. Nagpatulong ka sa'kin. Dahil maganda ka at sexy, tinulungan kita.
Nakatitig ka pa nga sakin 'non eh. Nahalata kong may type ka sakin. Panay ang sulyap at kislap ng mata mo habang kausap kita eh.
Matapos kitang ihatid, natatawa ako habang inaalala ang itsura mo. Halata ka eh. Well, it's possible naman na magka-gusto ka sakin. Pogi ako eh.
Hindi lang 'yon ang pagkakataon na nakita kita. Sa cafeteria, wala ng bakanteng upuan. Nakita kita, wala kang kasama sa isang table. Sabi ko sa sarili ko, aba, destiny, madidiskartehan ko si Ms. Sexy.
Aaminin ko, babaero ako, perv rin, kaunti lang. Pero ang nakapagtataka, I respect you a lot. Di man halata sa mukha at kilos ko, gusto kita.
At first, naisip ko it's just normal. Madalas akong magkagusto sa madaming babae eh.
Naging friends tayong dalawa. Hatid-sundo kita saan man magpunta. Tinawanan mo pa nga ako 'nong sinabi ko eh. Kanta kasi, ayon sa'yo.
Aaminin ko, nade-develop na ako sayo. Pero, may girlfriend na ko eh. Dibale, hindi mo naman malalaman 'di ba? Sabi ko noon.
'Di nagtagal, nakilala kita. Maldita ka man sa paningin ng iba, mabait ka pala. Prangka ka man, may ka-sweet-an ka palang tinatago. Pinakita mo sa akin ang mga ugali mong iyon.
Naging tayo, September 29. Sobrang saya mo noon. Nang mga panahong iyon, lagi mong sinasabi kung gaano mo ako kamahal, at pinaparamdam mo saakin kung gaano ako ka-espesyal sa buhay mo.
Ang unang 5 buwan natin ay masaya, sweet, walang away, kumbaga, perfect. Naisip mo, ako na ang forever mo. Ngunit, wala talaga.
Nahuli ako ni Faye, ang tunay na GF ko. Sinugod ka niya, sinabunutan, sinampal. Ako? Nanuod lang. Ang sama ko noh? Tss.
Pinapili mo ako, kung sinong mahal ko. Ikaw o sya. Ang sagot ko, sorry, si Faye. Hinintay kong sampalin mo ako, ngunit sa gulat ko, niyakap mo ako. Sinabi mo pang nabigla lang ako, at magbalikan tayo. Sumunod naman ako.
Matapos ang dalawang buwan, nahuli mo ako. May surprise visit ka kasing alam eh. May dala ka pang cake nun. Nahuli mo kami ni Faye, naghahalikan. Muntik mong nahulog ang cake. Ngunit, ginulat mo ako. Sinabi mong pinilit ako ni Faye, at sinubsob mo sya sa cake.
Pero, mas mahal ko si Faye. Nakikipaghiwalay ako. Ngunit sabi mo, magpapakamatay ka. Kaya ginawa ko ang lahat para magsawa ka.
Sa bawat 'I love you' mo, sumasagot ako ng 'hindi na kita mahal'. Sa bawat text mo ng I miss you, sya namang reply ko ng 'I don't fcking care'. Iniinis kita para sumuko ka na. Pero tuwing sinasabi ko yun, ang sagot mo lang 'pagod lang yan, love you'.
Monthsary natin. Sinurprise mo pa ko. Asa stage ka ng school, may hawak na banner na 'I love you hubby'. Kinikilig lahat ng tao, ang iba, sinasabing ang tanga mo. Tinawag mo ang attention ng lahat.
At ang sinabi ko? Di kita kilala, masyado kang desperada.
At dahil napakatanga mo, sinabi mo na naman na lumabo ang mata ko kaya't 'di kita nakilala. Bakit ka ba nagpapakatanga sakin?
The next week, niyaya mo akong makipagdate. Pumayag ako, makikipagbreak na sana ako. Naaalala mo yun, sigurado. Di kasi kita sinipot. Tumawag si Faye na masakit ulo niya, and she needs me.
Habang nasa bahay ako ni Faye, narinig ko sa balita na may naaksidente. Isang babaeng nagmomotor gamit ang isang scooter, sumalpok ang sasakyan sa puno. Lahat ng sinabing detalye, ikaw ang natutukoy.
Natakot ako. Iniwan ko si Faye at nagmotor papunta sa ospital kung saan ka nakaconfine. Nakita ko ang kuya mo. Minura ako, pinabugbog, at muntik pa akong ipapatay. Pero ayos lang. Kulang pa nga 'yon sa mga ginawa ko sa'yo eh.
Pagkalabas mo ng ospital, nagsorry ako. Ang sinabi mo, hindi ka palengke para hingian ng tawad. Sumosobra na ako, sabi mo. Tao ka lang at may hangganan ang pasensya.
Ang kapal ko talaga. Ang gago ko. Sa lahat ng ginawa ko, ineexpect ko na patatawarin mo ako?
After a year, nabalitaan ko, sa debut mo, may nagpropose sayo. Sinagot mo. Noon ko lang narealize ang lahat.
Ikaw pala talaga ang mahal ko.
Nagpakulong ako sa ideyang di kita mahal, at si Faye ang mahal ko. At napakatanga ko sa pagpili kay Faye. Kasi si Faye, si Faye na pinili ko instead of you, nabuntis pala ng barkada ko. Siya masaya, ako hindi.
Naaalala ko ang mga panahong akin ka.
Ang mga panahong ako ang nagpapangiti sayo.
Kung paano mo ako ngitian.
Kung paano mo ako halikan.
Kung gaano tayo kasaya.
At kung paano mo sabihing mahal mo ako.
Ang mga panahong alam kong hindi na maibabalik.
Dahil, sinayang kita.
Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko, Katrina. Pero gusto kong malaman mo kung gaano ako nagsisisi na pinakawalan kita.
Hay. It's been 7 years. But it's still you. Always. And forever.
Dati naniniwala ka sa forever, dahil nakilala mo ako. Ngayon, naniniwala ako sa forever, dahil forever akong magsisisi sa nagawa ko.
Nabanggit sakin ng barkada ko, may asawa ka na raw. 'Yong sikat na engineer? Tapos may dalawa pa kayong anak, na pinag-aaral nyo ngayon ng asawa mo sa France.
Natupad mo na rin ang pangarap mong makapagpatayo ng isang cake shop, na nai-kwento mo saakin dati. Ako? Heto, I'm now a certified public accountant and currently running an accounting firm.
I have all the money, wealth and fame. But, I won't and never will have you, again.
I hope that you're happy. You've proven to me that you're better off without me. I am so proud of you, Katrina.
It's been a long time, but you're still the one, Katreng.
I wish you happiness and luck. Happy and sad 8 years of being stuck to you, Katrina.
I love you, I still do.
Please forgive me.
Sorry.
(A/N: Uso mag vote and comment 😂😘🙆🙏
Magcomment kayo! Perstaym ko magsulat ng one shot. Thanks for Reading! )