PAGLILINLANG

47 0 0
                                    

SA KAGUBATAN....

ADHARA: Sa wakas nakaganti na ako kay Reyna Evelyn. Ngunit sino kaya ang pumana sa kanya?? Ikaw ba Edgar??
EDGAR: Hindi ako ang pumana sa kanya..
ADHARA: Kung ganoon sino??
EDGAR: Hindi ko alam...
RUBIA: Adhara nan dto ako upang kumampi sa iyo..
ADHARA: At sino ka naman??
RUBIA: Ako si Sang'gre Rubia ng kaharian ng Diamond...
ADHARA: Kung ganoon halika sumama ka sa akin dahil mayroon tayong gagawin...

SA KAHARIAN NG JADE...

JANNA: Humanda sa akin kung sino ang pumaslang sa akin ina..

Sabay labas ng mahiwagang bato ng Jade...

KAWAL: Mahal na reyna mayroon po kayong bisita..
JANNA: Sino siya??
KAWAL: Ang reyna ng Diamond..
JANNA: Kung ganoon papasukin sya..

Pinapasok nga ng kawal ang reyna ng Diamond kasama si Sang'gre Rubia....

INANG REYNA: Mahal na reyna narito ako upang makiramay sa inyo..
JANNA: Maraming salamat Inang Reyna...
INANG REYNA: Kung siya ay napana ng hindi nakikilalang salarin.. tutulungan ko kayo sa pagkilala kung sino ang pumana sa inyong ina..
JANNA: Kung ganoon salamat. Malaking utang na loob namin sa inyo mahal na Reyna..
INANG REYNA: Para madali ko siyang hanapin kailangan ninyong ibigay sa akin ang mga mahiwagang bato...
JANNA: Ngunit nangako kami kay ina na hindi namin ito ipagkakatiwala sa iba...
INANG REYNA: Kahit sa akin. Ako ang reyna ng Diamond..
JANNA: Hindi naman po sa ganoon. Sige po pumapayag ako sa inyong sinasabi. Ibibigay namin ang mga mahiwagang bato sa inyo...

Ibinigay na nga ni Janna ang mahiwagang bato ng Jade sa Inang reyna sumunod binigay na ni Alexandra ang mahiwagang bato ng Alexandrite kay Inang Reyna. Sumunod naman na ibinigay ni Elen ang mahiwagang bato ng Emerald kay Inang reyna. Sumunod si Perla ngunit kinakabahan siya kaya hindi niya maibigay kay Inang reyna...

PERLA: May nararamdaman ako na hindi maganda ang mangyayari..
JANNA: Huwag kang kabahan Perla sapagkat narito kami at hindi ka namin pababayaan...

Ibinigay na nga ni Perla kay Inang reyna ang mahiwagang bato ng Pearl..

INANG REYNA: Maraming salamat sa inyo mga Sang'gre huwag kayong mag-alala sapagkat saglitan lamang ako..

Umalis na ang Inang reyna sa palasyo...

PERLA: Kinakabahan talaga ako sa mangyayari ngayong hindi natin hawak ang mga mahiwagang bato..
JANNA: Huwag kang mag-alala sapagkat na kay Inang reyna lng naman ang mahiwagang bato..
PERLA: Sana nga Janna...

SA KAGUBATAN...

INANG REYNA: Narito na ako Edgar..
EDGAR: Adhara...

Biglang bumalik na sa dating anyo si Adhara. Hindi pala tunay na Inang reyna ang Inang reyna na nakausap ng mga Sang'gre kundi si Adhara lng pala..

ADHARA: Hahahaha.. nasaakin  na ang apat na mahiwagang bato..


ABANGAN....

TANONG: Sino ang nakalaban ni Reyna Evelyn bago siya mamatay??

Salitang latin nga po pala ginagamit ko. Hindi ko po ginaya yung salita sa encantadia na pinapanood nyo sa TV..

Salamat reader's..

ENCANTADIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon