Five

831 52 7
                                    

***
Kabanata 5

S T E P 2 - DELETE THEIR NUMBER

Nagawa ko nga ba ang first step? Hindi! Kahit ano kasing iwas ko nakikita or nakakasalubong ko sila. Minsan usapan din sila kung gaano ka perfect ang dalawa as a couple. Tama na please? Nasasaktan kaya ako! Hindi pa naman siguro huli para maka-move on ako. May nine step pang natitira at sana talaga magawa ko 'to ng maayos.

"Base on your facial expression hindi mo nagawa ang step one. Tama ba ako babes?" nakangiting sabi saakin ni Jonathan.

Asan na ba kasi si Angel at always nang busy ang babaeng 'yon? No choice tuloy ako at sumama sa lalakeng may amats na 'to!

"Ano naman? May nine steps pa naman." mataray na sabi ko at kinalikot ko na lang ang cell phone ko.

"Hayaan mo na kasi akong tumulong babes, mapapabilis lang 'yan and at the same time sakin ka na patay na patay." sabi niya habang tumatawa kaya nakatikim siya ng batok saakin.

"In your dreams Custodio!"

     "I missed you Aljhane"

"Mag usap naman tayo oh."

"Let me explain."

"Hindi kasi pwede maging tayo."

"Aljhane."

Lahat ng 'yan ay message ni EJ. Gusto kong replyan pero pinipigilan ko dahil masasaktan nanaman ako kapag may ginawa nanaman akong related sa kanya.

"Step two, delete their number. Seriously babes? Delete their number nga daw oh! Wag mo nang paasahin ang sarili mo." Jonathan.

"Hindi ko pinapaasa ang sarili ko."

"Talaga lang huh?" nang-aasar na sabi ni Jonathan kaya inirapan ko na lang siya.

"Shut up Jonathan." naasar na sabi ko at hinampas siya ng libro.

Bwisit talaga 'tong lalake na 'to. Panira ng araw.

"Andyan na si Ma'am Erna!" sigaw ng classmate ko kaya umayos na kami ng upo lahat at tinago ko na din ang phone.

"Good morning class. Nag meeting kami ng mga graduating students. Dahil may tour kayo kasama ang seniors pinag-partner namin kayo dahil may activity bawat area na pupuntahan natin. We decided to group all of you in to four, two senior at dalawa sainyo. Nagkabunutan na kami kanina at i-a-announce ko na lang ang magiging ka group niyo." paliwanag ni Ma'am at masaya namang pumayag ang mga classmates ko.

"Si Evander Jose sana ang makapartner ko."

"Evander sana tas 'yung girlfriend niya sa iba."

"Ma'am ipartner niyo ako kay Jose!"

I just rolled my eyes at tinuloy ang ginagawa kong plan every steps. Sana hindi ko maka partner ang dalawang 'yon.

"Evander Jose, Szasza Cruz, Jonathan Cristobal and last Aljhane Cristobal. So guys andito na din ang mga ka group niyo parang mag meeting kayo." sabi ni Ma'am at umalis na.

Wait!

Evander? Szasza? Jonthan? Watdapak naman oh! NO!

Tatayo sana ako para habulin si Ma'am pero bigla nang pumasok ang mag jowa at seryosong papunta sa pwesto namin ni Jonathan.

   "By the way guys, kindly save our number para kapag nagkahiwalay may contact tayo. Aljahne may number naman ako sa'yo diba?" pahabol ni EJ at tumango na lang ako as an answer.

Sa nagbigay ng steps, sorry hindi ko nanaman nagawa ang step two.

Babawi ako! Promise.

10 ways to forget your ex crush [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon