1

32 0 0
                                    

"Hi, I'm Ashley"

Inabot ko ang kamay ko sa lalaking nasa aking harapan. Kinamayan niya naman ako habang ang isa pa niyang kamay ay nakahawak sa kutsara na isususbo niya na sana. Nakita ko ang pagsalubong ng kilay niya dahil sa pagtataka.

Nasa MCDO ako ngayon sa Baclaran. Kaharap ko ang isang lalaking hindi ko kilala. Hindi to networking kung iyon ang inaakala mo. Galing akong trabaho at ang totoo pauwi na dapat ako kaya lang ang haba ng pila sa sakayan ng van pauwi ng Cavite kaya heto, dumaan muna ako ng McDo para bumili ng pagkain.

Kaya lang May nakita akong gwapong kumakain mag-isa. Mukhang walang kasama kaya nilapitan ko siya at umupo sa harapan niya. Akma na sana siyang susubo ng bigla ko siyang lapitan.

Kung iniisip mong member ako ng prostitution of the Philippines, nagkakamali ka ulit. At kung tingin mo kalandian ang lumapit sa hot na lalaki na mag-isang kumakain sa McDo para samahan siya at sabayan at makipagkilala, aba nagkakamali ka na naman. Ang tawag ko dito, desperation.

Yeah. Desperation. Desperado na akong magkaroon ng love life. Alam mo yung meme ng "forever alone" na nauso dati kasabay ng "like a boss" at "evil laugh" meme. Ako yung living female version nun. Akong ako yun.

Nung una okay lang sakin ang pagiging single. Nakatawid ako ng high school ng walang boyfriend. Okay lang kasi minor pa naman ako. Nung college naman, lahat ng mga dati kong tropa sa high school, stable na sila ng boyfriend nila, yung mga bago kong kaibigan may kanya kanyang existing boyfriend na din. Okay lang ulit kasi priority ko maging top sa klase at ayokong mahati ang oras ko sa pag boyfriend at sa pag-aaral kahit alam ko namang wala din naman akong choice dahil walang nanliligaw sakin.

Nakaraos ako ng college at makapaghanap ng maayos na trabaho sa Manila. Uwian ako mula Cavite . 3 hours biyahe papasok, 3 hours biyahe pauwi. Pakiramdam ko lalo akong nawalan ng buhay. Wala akong katrabaho na taga Cavite din kaya wala akong kasabay. Mag-isa lang. Shems. At dahil sa subsob sa trabaho at halos office-bahay bahay-office na lang ang buhay ko, lalong lumiit ang tsansa na makaranas ako ng love life.

Kaya ito, ako na mismo gumagawa ng paraan para matikman ko naman ang pakiramdam ng may boyfriend. Ayoko namang tumanda mag-isa. Wala naman sigurong sinuman na nagnanais nun.

"Miss hindi ako interesado sa networking," nakangiti at friendly na sagot niya sakin. Lalo tuloy naningkit ang mata niya at lumabas ang magkabilang dimples niya. Sheeeems, tunaaaaaaw - malanding sigaw ng isip ko.

Every single time. Yan talaga laging sinasabi sakin ng mga nilalapitan ko dito. Okay nahuli mo ko. Hindi lang ito ang unang beses na ginawa ko ito. Desperado na talaga ko. Wag niyo na din akong payuhan na "ang love hindi pinipilit, kusang dumadating yan". Yan nga ang isa sa dahilan kung bakit nag-iisa ako ngayon e. Wag mo na din gawing halimbawa si Bossing Vic Sotto at Senator Chiz Escudero na late na din nag-asawa. Lalaki sila, babae ako - so we're not the same.

"Hindi to networking," sagot ko na medyo pabebe ang boses with matching grin pa sa dulo. Yung smirk ng mga harutera. Pinag-aralan ko talaga yan. Pinakinggan kong paulit-ulit ulit yung mga smirk ni Nicki Minaj sa mangilan-ngilang kanta niya at ni-master ko yun, na nagawa ko naman perfectly. 😂

"Sooooo," mahabang pagkakasabi niya.

"Nakikipagkilala lang ako, friends friends. Huehue"

"Aaah" nakangiting sagot niya ulit. Oh my god. Type siguro ako nito at kanina pa nakangiti sakin - sigaw ng mapagassume kong isip. So ito na yun, yung hinihintay kong big break sa love career ko.

"Ashton," pakilala niya.

"Wow, parehas pa tayong Ash, huehue" sinasadya ko talagang harutan yung pagtawa ko . Yung medyo may bali sa dulo. Mas sexy kasi pakinggan.

"Ashley -" nilapat ko ang palad ko sa aking dibdib "- Ashton" at nilipat ko naman sa kanyang broad chest at medyo pinatagal ng mga 2.5 seconds bago binawi. Ang init ng chest niya. 🤤

"Bagay na bagay tayo, huehue. Ash at Ash" sabay pa demure na tawa.

"Uhmmppf"napaubo siya ng isang beses. Kaya inabot ko ang soft drinks niya na agad naman niyang ininom. Sinuntok suntok niya pa ang dibdib niya. Nabulunan yata.

Shems. Napabilis yata ako ng konti. Okay medyo magpapa-gentle muna ko. Baka matakot naman siya sakin.

Biglang nag-ring yung phone niya na nakapatong sa lamesa. "Baby". Yun yung nakalagay na pangalan sa screen na may background pa ng picture ng babae na hindi naman sanggol pero baby ang nakalagay na pangalan.

Wasak.

Tumayo na ako at kinuha yung fries at Mcfloat na binili ko.

"Sorry, ayokong maging third party" maluha luha ko pang sabi sa sarili ko. Sabay dali daling lumabas at pumunta sa paradahan ng UV express.

Ang haba ng pila. Matatagalan na naman ako dito sigurado.

Sinimulan ko ng kainin yung fries ko.

Isa usa kong tinignan yung mga nakapila. May matatanda na kasama ang mga anak nila - so ibig sabihin may asawa sila, ibig sabihin may love life. Yung iba naman magka-holding hands pa - obviously may love life. Yung iba magkaakbay - of couse May love life. Yung iba magkatabi lang pero masayang nakikipag-usap sa isa't isa - siguro magsyota another love life o kaya magkaibigan na nagkaka-develop-an na - love life. Yung magkasamang dalawang babae - nag-uusap tungkol sa kani-kaniyang boyfriend - galing, May love life. Yung iba naman kausap yung mga boyfriend nila sa phone - atleast May love life na. May mga high school pa na magboyfriend. Aba! Aba!

"Edi kayo na!" Napasigaw tuloy ako ng hindi ko namamalayan. Nasobrahan yung pag thinking out loud ko. Bakit kasi ako wala! Bakit ako wala niyan! Ang duga, ang duga-duga talaga. Napansin kong pinagtinginan ako ng mga tao. Kaya lumipat na lng ako sa paradahan ng jeep.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Lord, kelan mo po ba siya ibibigay sakin, ang tagal ko na pong naghihintay."

*******************************

A Very Brief Love StoryWhere stories live. Discover now