I'm Lost

142 4 4
                                    

“Bagay na bagay sayo ang kwintas, Jyne. Di ako nagkamali ng pagpili.” Bulong ni Juru habang ikinakabit kay Jyne ang bigay nyang kwintas.

“Talaga? Salamat, mahal. Pangako iingatan ko to.” Saglit na natahimik ang dalawa at nagkatinginan.

May naramdamang kakaiba si Juru habang nakatitig ito sa kanyang girlfriend. Kinabahan siya, tila huling beses na nyang makikita si Jyne. Pinagpawisan sya ng malamig at agad na niyakap si Jyne.

“Ju..Juru? Ayos kalang ba? May problema ba?” Nagtatakang tanong ni Jyne.

“Jyne, bigla nalang akong kinabahan. Hindi ko maintindihan. Maaari bang mag-iingat ka palagi mahal?” Dahil hindi nya maintindihan ang nararamdaman minabuti nyang pagsabihan nalang si Jyne.

“Sige na, Juru, umuwi ka na. Madilim na sa labas, baka hinahanap ka na ni Tatay Leo. Wag kang mag-alala, mag-iingat ako. Pangako.”  Kumalas sa pagkakayakap si Jyne at hinalikan si Juru.

Napakalma nito si Juru at nakangiting umalis.

Di kalayuan sa bahay ni Jyne, may tatlong nag-aabang sa walang kaalam-alam na si Juru.

Hinarang ng tatlo si Juru. Agad silang namukaan nito.

“James? Anong ginagawa nyo dito?”

Ngumiti si James at dumukot sa bulsa, naglabas ito ng isang balisong at agad sinaksak sa tagiliran si Juru. Nabigla si Juru, napakapit ito sa kamay ni James at bumagsak sa kalsada.

“San ka galing, Juru?.. Alam mo bang hindi ka na makakabalik dun, kahit kailan!” Bulong ni James sa nakahiga at duguang si Juru.

Nagtakbuhan papalayo ang tatlo matapos bitawan ni James ang kutsilyo.

Iniwanan nila si Juru, duguan at naghihingalo.

 Maya-maya’y nakaramdam ng matinding lamig si Juru.

“Ito na ba ang katapusan ko?” Tanong nito sa sarili habang hinahabol ang hininga, “Hindi ko na ba makikita si Jyne?” at tuluyan na ngang pumikit ang mga mabibigat na mata ni Juru.

***

Binuksan ni Juru ang mga mata. Nasilaw sya sa sikat ng araw na lumulusot sa maliliit na butas ng bubong.

“Bakit ang liwanag?” tanong niya sa sarili.

Maya- maya’y naulit sa isip nya ang mga nangyari.

“Madilim, may tatlong lalaki at SI JAMES! Sinaksak ako ni James!” Napatayo ito sa kama at agad hinawakan ang tagiliran nito.

“Ba..bakit walang sugat? Sigurado akong totoo yun. Naramdaman ko ang pagtusok ng balisong sa tagiliran ko. Anong nangyayari?” Natulala si Juru.

Maya-maya’y may naalala sya.

“Jyne? Baka may masama ring nangyari kay Jyne!” Agad tumakbong papalayo ang binata patungo sa bahay ng kanyang pinakamamahal na babae.

Sarado pa ang bahay. Minabuting sumilip ni Juru sa bintana ng kwarto ni Jyne. Mahimbing na natutulog ang dalaga. Suot pa nito ang kwintas na ibinigay ni Juru.

 Kalmadong lumakad papalayo si Juru. Kinakapa parin niya ang tagilirang walang bahid ng kahit anong sugat.

Biglang pumasok sa isip nya ang kanyang mga magulang at ang nag-iisa nyang kapatid na si Juri.

Bumalik sya sa kanilang bahay.

“Nay? Tay? Juri?” Sabik na paulit-ulit nyang tinawag ang buong pamilya nya. Ngunit  sa pagkabigo nito, walang sumagot kahit isa. Walang nagparamdam kahit isa sa kanila.

Sumilip siya sa labas ng malaking bintana. May nakita syang matandang lalaki na nakaupo sa ilalim ng puno ng mangga sa harap ng tindahan. Kaibigang matalik ito ng ama ni Juru kaya dali-dali itong bumaba ng hagdan at tinungo ang matanda.

“Mang Simon! Nakita nyo po ba sina Tatay?” Hindi sumagot ang matanda. Sa halip ay tinitigan nito si Juru mula ulo hanggang paa.

“Sino ka? Bakit mo hinahanap yung nakatira dyan? Si Mang Leo ba ang hinahanap mo?” Hindi sya nakikilala ni Mang Simon. Mula pagkabata ay dito na nakatira si Juru, ngunit hindi sya makilala ng matalik na kaibigan ng kanyang Tatay?

“Opo, sina Tatay Leo nga po ang hinahanap ko. Nasaan na po kaya sila?”

“Lumipat sila ng bahay nung nakaraang linggo.” Tumalikod ang matanda na tila ayaw nang makipag-usap.

Nalungkot si Juru sa narinig. Maraming tanong ang gumugulo sa kanyang isipan ngayon.

“Wala talagang sugat.” Naglalakad-lakad si Juru habang kinakapa-kapa ang  tagiliran nito.

“Nasaan ka na ba?” May narinig syang pamilyar na boses. Lumingon sya at hinanap ang nagsalita. Nakita nya sa malayo si Jyne, nakatalikod at may kausap sa cellphone.

“Gusto ko syang yakapin!” Sabik na sabik na tumakbo si Juru papunta kay Jyne.

Pero habang lumalapit kay Jyne, nararamdaman nitong tila nauubos ang kanyang puwersa. Unti-unti itong nanghihina, at di magawang tuluyang makalapit sa babaeng mahal.

Huminto si Juru bago pa ito tuluyang bumagsak. “Anong nangyayari?”.

Pero sa kagustuhan nyang yakapin si Jyne. Lumapit parin ito at sa pagkabigla, napaatras ito at napaupo.

“Kuryente! Bakit ako nakuryente?” Napasigaw ito sa sakit ng naramdaman nya ang kuryente na dumaloy mula sa kanyang mga paa nang humakbang ito bago pa man  makalapit kay Jyne.

Nagulat si Jyne sa pagsigaw ni Juru. Napatingin ito sa binatang nakaupo sa likuran nya.

“Jyne! Tulungan mo akong tumayo.” Iniabot ni Juru ang kamay kay Jyne.

 Natakot ito at nagtatakbo papalayo. Tumayo naman si Juru at hinabol ang dalaga habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan nito.

Napansin nyang hindi sya nakakaramdam ng panghihina habang hinahabol nya si Jyne, siguro dahil lumalayo naman ang dalaga.

Maya-maya’y may sumalubong kay Jyne.

“Namumukaan ko sya, si James!” Bumalik sa alaala ni Juru ang mga nangyari sa kanya, ang mukha at mga bulong ni James  bago pa sya tuluyang mawalan ng hininga.

“Huwag mong sasaktan si Jyne!” Kaya naman di sya tumigil sa paghabol.

Ngunit biglang niyakap ni Jyne si James. Dun nagulat at napahinto si Juru.

“ Mas masakit pa sa kuryenteng dumaan sa katawan ko, ang sakit na naramdaman ko, nang makitang may ibang kayakap ang pinakamahalagang babae sa buhay ko.”

“Bakit nya niyakap si James? Ang taong gustong mawala ako sa mundong ito?” Lumapit si Juru ngunit dumistansya din sya upang di makuryente. Sinalubong sya ni James.

“Sino ka ba? Bakit hinahabol mo ang girlfriend ko?” Mabilis na tanong ni James. Lalong nagulat si Juru at nagkamot ng ulo. Lumapit ito kay James at akmang susuntukin ito. Nakailag ang binata ngunit sumuntok muli si Juru. Tinamaan na ito at mabilis na gumanti ng suntok. Nakailag si Juru ngunit nakaramdam nanaman sya ng kuryente kaya napaupo ito sa sakit, lumingon ito at nakitang lumapit pala sa kanya si Jyne upang umawat. Dito na sya tuluyang sinipa ni James habang namimilipit ito sa sakit.

Naawa si Jyne kay Juru kaya inawat nito si James. Hinila nya ito papalayo.

Gustuhin mang pigilan ni Juru ang dalawa, hindi nya ito magawa dahil may pumipigil sa kanya. Misteryosong kuryente, sa tuwing lalapit sya kay Jyne.  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon