Prologo

545 17 3
                                    

"Pangarap na iyong hinahangad, saluhin ng magkabilang palad. Ang hawak mo sa kaliwang kamay, may halaga man sa iyong buhay; Kailangan mo itong pakawalan pagkat 'to'y di sayo nakalaan"

Marahang binigkas ng matandang manghuhula ang nabasa niya sa palad ng kaharap. Walang labis, walang kulang.

"Hindi ko po gets lola. Pwede po bang wag ninyong tulain?" Kunot ang noong pakiusap ng hinulaan.

Napangiti ang lola. Alam niyang mahirap maintindihan ng isang labintatlong taong gulang ang talinhagang iyon. Pero iyon lang ang pinakita sa kanya ng kapalaran, kaya wala siyang magawa. Sa halip ay nagpayo na lang ito.

"Maaaring hindi pa natin alam ang kahulugan niyan sa ngayon. Pero baka may ibig sabihin pala ito sa hinaharap."

Napansin ng matandang babae ang pagbuntong hininga ng kausap. Iyon ang ayaw niyang mangyari, ang magkimkim ng pasanin ang kahit na sino dahil sa hulang binitawan niya.

"Hija, may mga ambisyon ka ba sa buhay?"

"Opo. Pero parang imposible naman matupad, lola."

"Mangarap ka ng matayog, anak. Dahil kahit gaano man karami at kalawak ang mga mithiin mo, kaya itong maabot ng maseswerte mong mga kamay."

Pinisil ng lola ang parehong palad ng batang babae. Nakabawas sa kaniyang pagaalala ang biglang pagningning ng mga mata nito at unti-unting pag-ngiti.

Bumulong ng panalangin kay Senyor Nazareno ang manghuhula. Nawa ay nabigyan niya ng pagasa ang dalagita, tamang gabay sa gitna ng pait at tamis na naghihintay dito sa di kalayuang hinaharap.

Mga Bulaklak ng Quiapo: MagnoliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon