Alamat ng Bading

78 1 2
                                    

PROLOGUE

 

Lalaki at babae lamang ang nilikha ng Diyos, ngunit bakit naglipana saan man sulok ng mundo ang sinasabi nating third sex? Lalung higit na ng mga bakla? Saan sila nagmula? Anung history ng bakla? Panu sila dumami, gayong hindi naman sila nanganganak?

Ang alam ko, ang pagiging bakla ay hindi since birth, ito ay dulot ng environment at experiences. Sa panahon ngayon hindi na gaanong dinidiscriminate ang mga bakla. Marami nang katawagan sa mga bakla, beki, bading, shokla, binabae, chicsilog, gay, darna at diko na alam yung iba pa. Marami ding mga palatuntunin na para lamang sa mga bakla tulad ng gay beauty contest o mas kilalang Miss Gay, meron ding gay boxing, gay wrestling at kung ano-ano pang may gay. Mayroon din silang sariling wika na tinatawag ngayong “Bekimon”. Mas marami ding mga bakla ngayun ang namumuno, mga konsehal, mayor, at malay n’yo in the near future ang pangulo natin ay isang beki. Lagi din bakla ang nangunguna sa pagsayaw, kanta, pag-arte at maging sa academics sa school. An yare!?? Nasa’n na ang mga tunay na babae at lalake? Nagpatalo na sa kasariang likha lamang ng tao? Kaya ba marami nang lalake ang nagiging bading at gusto maging bading dahil angat na ang mga bading ngayun? At bakit ganun, kung sino pa ang gwapo sila pa yung beki? At pati yung gwapong beki nayun may bfn na gwapo din. Hayst! Nagkakaubusan na ngmga lalaki, mga lalaking gwapo. Pa’no na kaming girls sa panget nalang, kasi yung mga gwapo nagkainlaban na sa isa’t isa. Kung sabagay, kung mga panget nga naman ang magiging beki, e di lalung masagwa di’ba? Ang hard! Haha! Ang layo na nang narating ko, haba ng intro te? Anyways, wala na masyadong etchos, eto na ang tunay na istorya.













CHAPTER1

 

Nicole

“Babaero!” PAAAAK!!!!

“Babe, tama na hindi yun totoo.”

Nakakairita! Bakit ba naman kasi dito pa ko dinala ni Trisha, ang dami-dami naman dyang ibang restaurant dito pa kami nagpunta sa merong war birds este love birds na mukang maghihiwalay na. Grabe yung sampal nung babae dun sa boyfriend nya, parang may tattoong kamay sa mukha yung lalake sa lakas ng sampal, parang gusto ko rin gawin yun sa boyfriend ko ngayon. Sobrang nakakasama ng loob, buti nalang nandito si Trisha para icomfort ako kaso ang epic failed naman ng restaurant na napili nya. Niyaya nya kasi ko kumain, pampalubag loob. Pumayag naman ako, libre naman nya eh.

“Bakit kasi dito pa tayo pumunta?” Iritang tanung ko kay trish. “Lipat nalang tayo sa iba, nakakastress lang dito eh.”

“Nikki, anu ka ba, yaan mo nalang sila. Dito nalang tayo, masarap ang pasta nila dito eh.”

Hay… kinukumbinsi talaga ko nitong bestfriend kong may pagkaweirdo ngayun. Kanina pa sya parang may tinatago sakin.

“Ice cream ang gusto ko, mas gusto ko pa sa bahay at dapat binilhan mo nalang ako ng isang galong vanilla ice cream, mas matutuwa pa ko sayo kesa nama--”

“Sige! Saktan mo ko! Suntikin mo ko! Ang kapal talaga ng mukha mo!”

Sa gulat ko sa sigaw nung babae kanina, hindi ko na natapos yung sinasabi ko kay Trish.

“Ay naku Trish, napipikon na talaga ko, lalapitan ko nayung mga yun, kilala mo ko, lalo na ngayong bad mood ako nang dahil sa Mike na yan.”

“Nikki!”

Di na talaga ko nagpapigil pa kay trish, tumayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan ko yung magboyfriend na gumagawa ng eskandalo sa table nila. Huminga ko ng malalim at sinubukan ko pakalmahin ang sarili ko.

“Ahm, miss… mawalang galang lang, nakakaistorbokasi kayo ng ibang tao rito, sa ibang lugar nalang kayo mag-away.” Mahinahong sabi ko dun sa eskandalosang babae.

“Wag ka ngang makialam dito! Regular na customer kami dito. At nakikita mo to?”  Tinuro nya yung lamesa nilang ang dami daming pagkain na akala mo sampung tao ang kakain e dadalwa lang naman sila tapos meron pang cake sa gitna na may nakasulat na I love you with seven candles pa. Hayst! Naalala ko na naman yung mokong kong boyfriend. “Marami kaming order at may pambayad kami kaya pwede naming gawin ang gusto naming gawin.”

Aba’t sasagot pa tong isang to. Humanda sya sakin, nauubusan na talaga ko ng pasensya. I’m totally pissed off.

“You know what miss, if you still continue your love quarrels here with your boyfriend, I’m going to take you out of here whether you like it or not. So back off before I hi—“

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alamat ng BadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon