Pipi at Bulag

12 4 0
                                    


May dalawang tao akong nakilala
Ngala'y Popoy at Maria
Magkaibigan silang matalik
Silang dalawa'y sanggang dikit

Ngunit ako'y may napansin
Sa isa't isa'y iba makatingin
May halong tamis ng pagmamahal
Na itinago ng napakatagal

Ang lalaki ay pipi
Damdami'y di masabi
Ang babae nama'y di makita
Ang pag-ibig na laan sa kanya

Ang hiling ko lang para sa dalawa
Aminin ang tunay na nadarama
Kaysa sa ang lahat ay huli na
Umamin na, umamin na sana

Poems of LilaurcasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon