Larawan (A Short Story)

406 20 9
  • Dedicated kay Mga stalker, mga takaw-tingin, at mga palihim magmahal. Parehas tayo. :)
                                    

 Nilapag ko na notebook at ballpen ko. Creative Writing ang course ko kaya yan ang mga lagi kong kasama.

Hay. Bakit ba ang gwapo niya sa personal?

Kumakain kami ng mga kaibagan ko dito sa may Rodick's sa UP. Paborito ko ang tapsilog nila dito. Sobrang sarap. Tapos yung table namin, laging dun sa may taas. Laging dun sa may tapat ng electric fan. 

Laging dun sa harap niya.

Hindi naman talaga ako taga-UP. Atenista ako. Pero simple lang ako. Mahilig ako mag-blend in sa mga taga-UP. Dati naman UP ako. Pero lumipat ako nung High school sa PhiSci. Ang boring ng high school ko dun.

Napadpad ako dito sa Rodick's nang nagutom ako bigla habang hinihintay ko yung kaibigan ko. Napansin ko nalang siya noong nahulog yung mga libro niya. 

Aba, College of Law. Ang talino naman nito.

Tinulungan ko siya at nagkatapat ang mukha namin. 

Shet. Ang gwapo pala!

Nakaramdam siguro ng pagkaka-ilang. Ayun biglang umalis.

Simula nung araw na iyon, pinilit ko na yung mga kaibigan ko na dun tumambay. As in. Pagkatapos ng klase ko sa Ateneo, dito ako kaagad dumederetso. As in. Naglalakad ng nga lang ako minsan kasi maiipit ako sa traffic kung gagamtin ko yung kotse ko. 

Ngayon. Wala na naman ako sa katinuan habang binabasa niya yung libro niya sa Civil Law. Tuloy lang sa pagkain yung kaibigan ko. Ako? Busog na ako sa pagtingin sa kanya. 

"Trina. Mas tatagal yan kung kunan mo nalang ng larawan."  Sabi ni Hanz.

"Trina. Eto oh." Sabi ni Madj habang abot sa kanya ng SLR niya. Media kasi yan eh.

Buti nalang nagbabasa lang siya. Pinwesto ko yung SLR na hindi masyadong obvious. Tapos nag-click na ako. Sure ako na okay na yun! 

Inayos na niya yung gamit niya at umalis. Ganun rin naman kami ni Hanz at ni Madj. Ako? Wala na akong klase. Hihintayin ko nalang siya dito hanggang mamaya. 

Hawak ko parin yung SLR ni Madj. Ngayon ko lang tinignan yung picture na nakuha ko kanina. Laking gulat ko nung may dumaan pala.

Ay sayang. Hindi niya single shot.

Pero yung lalaking extra. Siya yung nakatingin sa camera. Hindi naman masyadong makita yung mukha pero alam mong nakatingin siya kasi dun yung direksyon ng titig niya. 

Tumingin ako sa inuupuan nilang dalawa kanina. Oo nga. Mukhang imposibleng makunan siya ng nag-iisa kung ito yung angle na ginamit ko kanina. 

May napansin ako sa may table ni Crush. Pumunta naman ako dun. May naiwan nga siya. Maliit na picture frame kaso parang pang-wallet size lng yung pwede mong iligay. Kinuha ko naman.

Louise's Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon