The Girl In My Imagination

20 3 1
                                    

Ang dilim..

Madilim..

Bakit ang dilim??

Pinilit kong buksan ang aking mata kahit nahihirapan pa ito. Oo nga pala kagagaling ko lang sa pag-iyak sa parehong dahilan.

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi at umaga. Wala pa rin ako makita dahil sa patay na ilaw. Tulog na silang lahat.

*hikbi*

Umiiyak na naman ako. Pilit kong pinipigilan ang pag-agos ng luha sa aking mata upang di sila magising ngunit na sobrang sakit di ko magawa. Hikbi ko lang ang maririnig sa apat na sulok ng aming bahay ngunit tila di sila nagigising.

Umupo ako sa aking higaan upang mahimasmasan ako ng kaunti. Pagkatingin ko aking harap. May nakita akong babae. Parehas kami ng damit na suot.

Sino siya??

Bakit parang nakita ko na sya?

Pero saan??

Di pa rin malinaw ang aking paningin dulot ng aking pag-iyak. Lumapit ako upang makita ko siya ng mabuti. Ngunit bigla siyang tumakbo. Hinabol ko sya. Hanggang sa napadpad kami sa aming sala. Nasa likod nya pa rin ako. Napatingin ako bigla sa aming mesa. Biglang bumalik ang masasayang araw ko nung nakaraan. Nakita ko ang aking mga kapatid at aking magulang na masayang kumakain sa kaharap kong mesa. Ang saya pagmasdan sana di ito maalis sa aking harapan.

Nagulat ako ng biglang gumalaw ang lupa. Sa takot ko, napaupo na lamang ako. Nang bigla tumigil ang paggalaw ng lupa ngunit andito pa rin ako sa harap ng aming mesa. Pero iba na ang aking nasasaksihan. Nakita ko ang babae habang naiyak na habang kumakain sa mesang iyon habang pinapagalitan sya ng kanyang magulang at kapatid. Mukhang pinagtutulungan sya.

Ngunit sino ba ang babae?? Sa t'wing titingnan ko ang kanyang mukha. Wala akong makita. Tila malabo ang imahe ng kanyang mukha. Nagulat ako ng biglang gumalaw muli ang lupa at dinala ako sa aming kuwarto. Minamasdan ko ngayon ang babae sa aking higaan at umiiyak sa kalagitnaan ng gabi.

Anong ginagawa nya sa higaan at kuwarto namin??

Sinubukan ko syang lapitan ngunit inunahan na ko ng paggalaw ng lupa. Umiba ang araw. Biglang nag-umaga ngunit bakit??

Sa aking katanungan tila sinagot na. Nakita ko ang babae na masaya, may kasama sya, lalaki?? Sino ang lalaking kasama nya?? Bakit malabo din ang mukha ng lalaki? Pero bakit parang kilala ko silang dalawa?? Bumalik ba ako sa kanyang nakaraan??

Ang ganda pagmasdan ang kanyang mukha na kita ang kasiyahan kahit na malabo ito. Sana palagi na lang syang masaya at di umiiyak sa gabi gaya ko. Ang dami naming pagkakapareha, sino nga ba sya?? Bakit nangyayari ang lahat ng ito sa akin?? Anong dahilan??

Nakita ko silang pumasok sa isang bahay. Sinundan ko sila. Pumasok sila sa bahay ng lalaki. Anong ginagawa nila dun?? Nakita kong masayang sinalubong ng ina ng lalaki ang babae. Ang lawak ng ngiti nito ngunit parang may mali. Nagpaalam uli ang lalaki sa kanyang ina at sila'y umalis na. Aalis na din sana ako ng nakita ko ang pag-ikot ng mata ng ina ng lalaki at ang kanyang masamang titig sa babae. Ano ang ibig sabihin nun??

Di ko na lang pinansin at sinundan ang dal'wa. Nakita ko silang namasyal. Ang saya nila pareho tila walang iniisip na problema. Hinatid ng lalaki ang kanyang nobya sa kanilang bahay. Ngunit nahuli sila ng mga kapatid na lalaki ng babae. Halata ko sa magkasintahan na takot sila.

Anong mali?? Wala naman silang ginagawang mali. Kailangan ba na ang bawat kaligayahan ay may kapalit na luha tuwing gabi. Napaiyak ako sa nabuong ideya sa aking isipan.

Nagulat ako na biglang gumalaw ang lupa. Nagtaka ako na ang tagal tumigil nito.

Nang tumigil na ito, nakita ko ang babae. Tumangkad sya. Pumuti ng bahagya at humaba ng kaunti ang kanyang mga buhok at tila nag iba din ang kanyang mukha. Bakit ko ito nasasabi eh di pa rin malinaw ang kanyang mukha. Ito ba ang kanyang hinaharap??

Isang napakagandang ngiti.. na sana di na maalis sa kanyang mukha.

Isang ngiti bago magsimula ang..

Nakita ko na naman ang babae at ang kanyang mga kapatid sa harap ng mesa. Habang sinisigawan sya, sya naman ay walang magawa kundi ang umiyak. Nang tiningnan ko ang kainilang ina, nakatitig lamang ito. Anong ginagawa nya??

Bakit wala akong marinig??

Alam ko na nag-aaway na naman sila sa iisang dahilan na marahil ay tungkol sa kanyang nobyo. Gusto kong marinig ang usapan nila ngunit ako'y bigo.

Gumalaw muli ang lupa at binalik ako sa aking higaan. Pinagmamasdan ko uli sya habang umiiyak. Ayoko na. Bakit tila parehas kami ng sinasapit??

Lumapit ako sa kanya. Napatingin sya sakin. Ngunit tumakbo muli sya. Hinabol ko sya dahil nasa kalagitnaan na kami ng gabi pero di ko sya mahabol-habol. Patuloy pa rin sya sa pagtakbo hanggang sa tumigil sa rin sya. Nakita ko sya sa tapat ng bahay ng kanyang nobyo. Umiiyak na naman sya ngunit bakit?? Tumingin ako sa kanyang tinitingnan at nakita ko na tila nagsasagutan ang lalaki at kanyang ina. May masama akong kutob at ayoko ko itong nararamdaman ko. Narinig ata nila ang paghikbi ng babae sa labas kaya pareho silang napalingon sa babae.

Nakita kong nagulat ang lalaki at tumakbo ito sa kinaroroonan ng babae. Nakita ko na tila pinagbabawalan ng ina ng lalaki na lumapit sya dito ngunit pinagtatanggol ng lalaki ang kanyang mahal.

Nagulat ang lalaki ng biglang niyakap sya ng babae. Alam ko ang ipinapahiwatig nya dito. Wala pang sinasabi ang babae pero pareho na silang umiiyak. Hinalikan ng babae ang lalaki sa pisngi at syaka tumakbo palayo sa kanya. Sinubukang habulin ng lalaki ang kanyang mahal ngunit pinigilan na sya ng kanyang ina.

Napakasaklap naman ng hinaharap ng babae..

Hinabol ko sya kung saan man sya mapadpad ng bigla syang napatigil. Napatigil na rin ako. Ilang metro lang ang layo ko sa kanya. Pansin ko sa aking paligid na tumitigil din ang mga tao. Pinagmasdan ko sya. Napatingin sya sa kanang gawi nya, napatingin din ako. Nakita ako ang mabilis na paggalaw ng tren palapit sa aming lugar kaya pala tumigil ang mga tao. Tiningnan ko muli ang babae. Nakita ko sya na humahakbang papalapit sa riles na alam nyang mahahagip sya nito.

Dali dali akong tumakbo palapit sa kanya upang pigilan sya. Alam ko na marami na syang problema ngunit di tama na takasan nya ito sa pamamagitan ng pagpapakamatay.

Papalapit na ang tren at sya ay nasa gilid na. Mahahagip na sya ng tren.

Nahawakan ko sya sa kanyang balikat ngunit tinitigan nya lamang ako sabay ngumiti. Isang ngiti na nagpatigil sa akin at sa mundo ko.

Huli na..

Huli na ang lahat..

Nakita ko ang mga nagkakagulong mga tao at ang nagkahiwa-hiwalay na katawan ng babae.

Bakit ganto?? Nakatitig lang ako. Gusto ko sumigaw, magwala ngunit walang lumalabas na salita sa bibig ko. Nang bigla naramdaman ko ang unti-unting pag agos ng luha ko. Di ko na kinayanan, napahagulgol na ako.

Bakit nangyari ito??

Tinitigan ko uli ang mukha ng babae ng biglang luminaw ito.

Nakita ko ang aking sarili habang duguan sa gilid ng riles ng tren.

Totoo ba ito??

Ito ang mangyayari sa akin sa hinaharap??

Nang biglang bumalik lahat ng nangyari sa akin kanina.

Kaya pala..

Kaya pala pareho kami ng damit na suot. Kaya pala parehas kaming umiiyak sa gabi. Kaya pala parehas kami di tanggap ang aming nobyo. Kaya pala..

Kaya pala.. pahiwatig ba ito??

Ang sakit.. Sobrang sakit..

Walang akong magawa kundi umiyak ng umiyak. Di ko napansin na gumalaw na pala ang lupa at ibinalik ako sa mesa. Nasa harap ko uli ito. Naglakad ako na lutang na lutang habang lumuluha pabalik sa aking higaan.

Di ko pa rin maalis sa aking isip ang kanyang ngiti.. ang aking ngiti..

Sana hindi..

"Sana hindi ito mangyari sakin sa hinaharap.."


🎉 Tapos mo nang basahin ang The Girl In My Imagination **One-Shot Story** 🎉
The Girl In My Imagination **One-Shot Story**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon