Birthday Message
By: Aliping Guyam
Wattpad 2016 (2018)Birthday, isang araw kung kailan kailangan mong maging masaya dahil binigyan ka ng isang taon ng Diyos para mabuhay pa sa mundong ito. Kung kailan tumatanda ka na. Kung kailan nadadagdagan ng numero ang iyong edad. Kung kailan haharapin mo na ang panibagong taon kung ito ba ay magiging masaya o magulo.
Ako si Ella Panganiban, and speaking of birthday, birthday ko na bukas at hindi katulad ng iba diyan na sa tuwing sumasapit ang kanilang birthday, malungkot ako tuwing nagdiriwang nito.
Kasi naman birthday ko man o hindi, mag-isa lang ako. Walang pagbabago. Oo meron akong mga kaibigan na sobrang swerte ko sa kanila Pero may kani-kanila rin naman silang mundo at nakakahiya kung makikisali pa ako. Kaya nasanay na rin ako mag-isa araw-araw sa buong taon.
Birthday ko na bukas pero expected ko na walang special dun. Sa tuwing birthday ko na lang kasi, normal day lang. Ang nag-iiba lang naman ay ang edad ko yun lang. Pinadadaan ko na lang ang birthday ko pero nagpapasalamat naman ako na umaabot pa ako sa araw na ito pero para i-celebrate siya, I don't think so.
*message notification*
SAMAHAN NG MGA ADIK AT BALIW (group chat)
11:30 pm
Eyebags: Sino gising pa???
Ella P: Me!!
Eyebags: Tulog na aba
Koreana: I'm alive! Annyeong
Ella P: Tulog na rin kayo
Eyebags: Sige Tulog na ako
Ella P: good night :)
Siguro ito na talaga ang buhay ko. Napaka simple. Neutral. Lilipas na naman ang isang birthday ko na katulad din noon at wala naman akong problema doon. Okay lang naman. Makatulog na nga.
Advance Happy Birthday to me....
~~~~~*~~~~~
SAMAHAN NG MGA ADIK AT BALIW (group chat)
5:36 am
Marikit: Good morning!
Koreana: Morning
Jake: gising na!!!
Eyebags: eto na gising na oh
Koreana: Wala pa si Ella?
Marikit: Nagpuyat na naman yun
Ella P: ehem hindi po
Jake: ano nga oras ng labas?
Marikit: Naku hindi kasi nakikinig sa teacher
Jake: ako pa ha
Koreana: He's just asking kayo naman
Eyebags: ano daw? Nose blood
Ella P: HAHAHA tissue please
Koreana: huehuehue. 4:00 utoy
Jake: salamat. Bye na muna ligo na me
Eyebags: me too