┗━━━━━━━ helen ━━━━━━━┓
𝚗𝚘𝚟𝚎𝚖𝚋𝚎𝚛 𝟷𝟼, 𝚏𝚛𝚒𝚍𝚊𝚢, 𝟷:𝟹𝟻 𝚙.𝚖.
Study hall. Nasa main library ako inside the main building kasi nasa lobby ng Roku sila Gwen at Dee. I did not want to avoid them kaso it would be awkward naman kapag nakitambay ako, especially kung hindi pa naman talaga kami nakakapag-usap ulit ni Gwen.
Nagkasalubong kami kanina and she gave me a small smile which I returned pero yun lang. We went our separate ways na rin.
"Uy, si Paris!"
"Hi, Paris!"
The librarian hissed. Si Paris naman na kakarating lang, ngumiti na lang sa elderly librarian sheepishly. Nakakailang din talaga siguro kapag sobrang famous ka kasi parang wala ka nang pwedeng puntahan in peace.
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. "Kanina pa kita hinahanap."
"Why?"
"Dala ko nga pala 'to ngayon," bulong niya bago iabot sa akin yung game disc ng Pokémon Black and White na hiniram niya last month during the school festival. "Sorry, kagabi ko lang kasi natapos."
"Okay lang," bulong ko rin at ibinulsa na lang yun. I did not bring my bag kasi. Ang dala ko lang ay yellow pad and a pen kasi gagawa lang ako ng essay.
"May iba ka pang disc na pwedeng mahiram?"
"Wala na."
"Bakit ka nakasimangot? Ang panget mo 'pag nakasimangot. Hindi pa rin ba kayo okay?"
I closed the book kasi mukhang walang planong umalis si Paris. "No. Dee's trying to set up a dinner for us three tomorrow night but I don't know."
"Oh." He nodded three times. Nakatingin siya sa librong binabasa ko kanina, The Bell Jar by Slyvia Plath, at nanlaki ang mga mata niya. "Kailan deadline n'yan?"
"Monday, why?"
"Hihiramin mo ba 'yan?"
"No. I'll buy my own copy tomorrow siguro. Maganda rin kasi, eh. So gusto kong magkaroon ng sariling copy."
"Hiramin mo naman. Ako gagamit. Hindi ko dala ID ko dito sa library, eh."
"You're hopeless," naiiling na sabi ko. "Fine."
"Salamat." Ngumiti siya. "May gig kami bukas. Ganito na lang. Suggest natin kay Dee na doon na lang kayo."
I gave his suggestion a thought for a while but I said, "Nando'n si Kyo."
"Okay lang ba sa'yo na magkaayos yung dalawa?"
Sinimangutan ko siya. "Fuck you, gano'n ba ka-selfish tingin mo sa'kin? Syempre, if talagang gusto siya ni Gwen, mas okay na magkaayos sila. Mas gusto ko yung okay siya kesa sa ipilit ko sarili ko. 'Di naman ako gano'n."
He put up his hands. "Sabi ko nga, eh. Sorry naman. Pero sige, gano'n na lang. Sabihan natin si Dee para dun na lang tayo. Game?"
"Fine."
"Gusto mong uminom din mamaya? May dinner akong pupuntahan, birthday ng lolo ko, erpats ni Daddy. Kailangan ko ng alak para maharap mga yun."
Tinitigan ko siya saglit kasi hindi ko alam kung seryoso ba siya. "Dinner ta's iinom ka?"
Nagkibit siya ng balikat. "Sorry, ayoko talagang pumunta kasi. Kaya gusto kong uminom. Happy hour ulit sa Toracco ngayon. Every Friday till Christmas. Tara?"
BINABASA MO ANG
Dominika (Pale As Dead I) | COMPLETED
Literatura FemininaA chaotic people-pleaser. A hot-headed bruiser. And a clusterfuck of a school year. ∘ ⸻ ∘ Dee Yurieva only wishes to forget the sudden disappearance of her boyfriend and the misery he has left behind by transferring to a new school to start afresh...