.Chapter 8.

37 3 1
                                    

PAMELA'S POV

Buti na lang Sabado ngayon, nakahiga lang ako sa Kwarto! tapos si Faith may date sila ni Brent... puro na lang Brent, Brent!!

Naka surf ako ngayon sa internet at nagbabasa ng mga Tweets.

"@BellaSwannID: I once had a best friend that's now a stranger."

True. Naka relate ako, siya ang nang iwan eh, tapos pagdating niya dito iba na ang takbo ng isip niya... Bakit kaya ganun? Anong nangyare kay Andrea?

Pakitang Tao lang ba yung dati o hindi? Naguguluhan din ako kahapon dahil sa mga kilos ni Louisse at Amanda.

*Tok Tok Tok*

Lumingon ako sa Pinto at Sumigaw. "Who you!?" Walang nagsasalita... nakakatamad kayang tumayo!!

*Tok Tok Tok!*

Tumayo ako at Sumigaw "Sino ka ba?? May Dila Ka ba?!" Binuksan ko agad ang pinto. Wtf! ano ginagawa niya dito? and my bag siyang dala?

Ngumiti siya, ang gwapo! "Hi! ganyan kaba kapag may bisita?" Nag smirk na lang ako at pinapasok siya sa room ko. Sinarado ko ang pinto at bumulong na pasigaw.

"How did you get in?" Hindi niya ako pinansin. Nakatingin pa rin siya sa mga Posters ko.

"Shinee? Sino yun? Hindi naman gwapo..." Tumingin siya sa akin at dumila! Nanloloko pa to ah...

Binato ko siya ng unan. "Pake mo ba!!? at paano ka ba nakapasok dito!!?" madiin na tanong ko sa kanya.

"HOY SHORTCAKE, WAG MONG SIGAWAN SI OLIVER!!!" mag kakilala sila!? How?

I glared. "Paano ka nakilala ni Kuya!?"

"Ah, si Kuya Dylan? ppsssh... syempre, kumatok ako sa pinto niyo tapos siya ang nagbukas tapos nagkausap kami."

"Nag-usap kayo?"

"Ay, Hindi. nag sapakan!"

"Pilosopo!! so, kanina ka pa dito?"

"Oo... mga around 2..."

Nanlaki ang mga mata ko at napanganga, so kanina pa sila nagkakilala, ano ba yan...

Habang binubuksan niya ang bag niya, nakatingin lang ako. Ano ba talaga gagawin namin? Nakita ko may nilabas siyang scrabook designs... now, i remember.

"Let's Start."

"Okay po!"

*-*-*-*-*-*-*-*

Okay, we finished na ang aming Scrapbook, kulang na lang ang mga pictures namin. Kailangan daw kasi close na close. Eh isa lang picture namin eh. Yung sa Ice Cream Parlor...

Flashback

Nasa Ice Cream Parlor sila at naisip ni Pamela yung project nila, yung picture buti hindi pa ubos ang ice cream nila.
"Oliver, picture tayo!"
"huh? ayoko nga!"
"tongek!! para sa project natin to!"

Nag nod siya, may picture sila.... mga 4 ata, 2 wakki :D

End Of Flashback

Nilabas ni Oliver yung 4 pictures nila sa Ice Cream Parlor. "Oh."

"Pano yan, ilan palang yan..."  habang tinuturo ang mga pictures namin...

Ngumiti siya, pero parang killer smile eh. "Don't worry, lalabas tayo ngayon and tomorrow..." Tumayo siya and he lend his hand infront of me...

Inabot ko yun para tulungan akong tumayo... "K, where are we going?" Confused parin ako, baka sa Mall? pwede din!

Hinila niya ako papalabas ng kwarto, hawak hawak niya ang wrist ko. Hindi man lang magsalita! Nasa sala kami, may nakita akong Red Gown naka hanger and Black Heels!

Let Go Or not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon