Naiinis ako sa mga lalaki lalo na pag love ang pinag-uusapan. Nagtataksil eh! At puro LOL o DOTA ang ginagawa. Eh, ang tanong ko lang.. Bakit may nagpatibok sa puso ko???
.
.
.
.
.
By: Akosiella01
Melissa's P.O.V
*Sunday Morning*
Ako nga pala si Melissa, Melai for short. Nag ne-net ako nung may nag chat saken na hindi ko kilalala.
Siya- Hi miss! pwedeng ba kitang maging kaibigan?
Ako-No, and stop chatting!
Siya-Sobra ka naman miss. Gusto lang naman kitang maging kaibigan eh...
Ako-Eh, ayaw ko! may magagawa ka ba?!
Immediately pumunta ako sa profile niya and clicked Unfriend button. Hmmp! Yan napapala ng mga perverts! Na imbyerna ako dun ha! kaya I closed my laptop at bumaba na. At dun tumambad ang tatlo kong kuya na topless. Yung isa nanonood ng wrestling, yung isa nag tetext at yung isa naman nag wo-work out.
Sanay naman din ako sakanila. Everyday ko kaya yan nakikita na shirtless. Feeling ko nga baka kulang sa shirt yung tatlo na yun eh! Tinawag ako ni kuya na nag wo-work out. Si kuya John.
"Oy Melai! halika dito.. " tawag ni Kuya John
Eh, lumapit nadin ako kay kuya...
"Ano ba kuya?" iritang tanong ko
"Halika, hawakan mo nga tong abs ko." Kuya John
Hinawakan ko din...
"Tigas ano?" Sabi niya na abot tengang ngiti
"Walang binatbat to sakin kuya!" Sigaw ko, medyo boyish din kasi ako. Laking puro lalaki kasama ko pwera kay mommy.
Kaya hinawakan ni kuya yung tiyan ko sabay kiliti. Eh, hindi ko naman mapigilan si kuya eh. Laki ng katawan barakong-barako! Biglang tinawag ako ni Kuya Jairus ang nanonood ng wrestling.
"Mely! Tignan mo, sino kaya sakanila ang mananalo?" Tanong ni kuya
"Yung naka boxers na pula kuya!" Sagot ko kahit wala naman akong alam sa mga ganyan
Nood lang ako ng nood at nang manalo ang manok niya. Bigla niyang ginulo yung buhok ko at hinihingi yung benteng pusta ko.... Eh wala akong pambayad eh!! kinukulit ako ni kuya Jairus ng tinawag naman ako ni Kuya Julio..
"Lissa! halika nga dito... " Tawag ni Kuya habang nakatingin sa cellphone niya. Eh papunta nadin ako kay kuya.
"Mely! Yung utang mo!!" Pahabol na sigaw ni Kuya Jairus
"Kuya Julio, kinukulit ako ni Kuya Jairus!" sabi ko sabay pout
"Ako na mag babayad sa utang mo. Basta hingi ako ng tip." sabi ni kuya pero tumitingin padin sa cellphone
"Sige kuya! Anong tip kuya?" tanong ko
"Ano ang magandang ibigay sa babaeng nililigawan?" sabi ni kuya and this time tumingin na siya sakin.
Eh, ako naman walang may maisip? Pakelam ko naman sa ligaw ligaw na yan? Ayaw ko sanang sumagot. Pero biglang sumigaw si kuya Jairus tungkol sa benteng utang ko! kaya nag-isip na lang ako ng kahit ano.
"Kuya Julio, bigyan mo ng flowers at chocolate. Tapos sulatan mo ng poem." bilis na sabi ko kay kuya. eh wala eh. kailangan ko na ng bente para tumigil natong isang kuya ko.
BINABASA MO ANG
Man Hater (One-shot story)
Teen FictionNaiinis ako sa mga lalaki lalo na pag love ang pinag-uusapan. Nagtataksil eh! At puro LOL o DOTA ang ginagawa. Eh, ang tanong ko lang.. Pano niya napatibok ang puso ko??