Stop. Let go... Move on.

83 1 0
                                    

Stop. Masakit isiping may mga taong hindi kayang magpahalaga sa mga taong nagmamahal sa kanila. Hindi na kailangan pang pag-isipan pa kung susuko ka na ba o lalaban ka pa, kung sobrang sakit na ng nararamdaman mo dulot ng sobrang pagmamahal mo sa isang tao. Habang patuloy mong minamahal yung taong yun, mas lalo kang nasasaktan, dahil yung taong akala mong mahal ka, ay bulag pala sa pagmamahal mo, at alam mo pa kung anong mas masakit? Habang minamahal mo siya, may minamahal siyang iba.

Hindi porket mahal mo yung taong yun siya na talaga ang para sayo. Natatakot kang mawala ang taong pinakamamahal mo, pero siya ba takot ding mawala ka?

Sana matuto kang huminto kung alam mong wala ng patutunguhan ang relasyon niyo, na kahit pa ginawa mo na ang lahat pero wala na talagang pag-asa. Sabi nga.. “It’s better to accept the fact that you are not appreciated, than to insist yourself to someone who never really see your worth.” Lagi nating tandaan na hindi laging may happy ending kapag nagmamahal ka, because TRUE LOVE NEVER ENDS. 

Let go. Letting go doesn’t mean giving up, but rather accepting that there are things that cannot be. May mga bagay sa mundo na hindi nakatakda para satin. Hindi naman ibig sabihin na kapag ni-let go mo ang isang tao, mawawala na siya sa buhay mo, ibig sabihin lang nito ay nagparaya ka dahil nagmamahal ka.

“Loving someone is setting them free, letting them go.”

Kung talagang mahal mo ang isang tao, kung alam mong hindi na siya masaya sa piling mo, bitawan mo dahil ito ang tanging paraan para maipakita mo sakanya kung gaano mo siya kamahal. Oo masakit, mahirap para sa tulad mong nagmamahal, pero kung pag-paparaya nalang ang tanging daan upang lumigaya siya, then give it.

“The hardest thing to do is letting go not because you want to but because you have to.”

Let go sa mga bagay na nagbibigay ng mabibigat na pasanin, let go sa mga taong walang ibang ginawa kundi bigyan ka ng sakit sa damdamin.

Move on. Hindi masamang maging maligaya ka rin paminsan-minsan. Move on kasi hindi dahilan yang pagiging broken  mo para sabihin mong katapusan na ng mundo. Hindi dahilan yang sugat sa puso mo dulot ng sobrang pag-mamahal para itigil mo ang pag-pintig nito. Sana maisip mong gamitin yang sakit na nararamdaman mo upang maging mas malakas ka.

“While someone breaks your heart, another someone is waiting to fix it.”

Sana maisip mo ring bitawan at kalimutan ang sakit upang makapasok naman ang ibang tao sa buhay mo. Hindi mo kasi napapansin meron pang ibang taong pwede kang mahalin, yung taong hihilom sa sugat na dulot ng pait ng kahapon. Huwag nating isarado ang puso natin dahil sa tayo’y nagparaya, nagmahal at nasaktan.

Move on! Sabi ng kaibigan mo, pero kahit pa paulit-ulit nilang ipagsigawang kalimutan mo na, kung ikaw mismo sa sarili mo hindi mo kayang bitawan ang sakit na nararamdaman mo, wala ring kwenta. Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan at nahihirapan, meron pang mas mahirap ang kalagayan sayo. Ikaw pag-ibig lang ang problema mo, yung iba nga hirap na hirap ng lumaban para lang may makain, para patuloy na mabuhay. Sana maging praktikal ka, hindi lang yung lovelife ang iniisip mo.

Sana dumating yung panahon na maisip mo ring kalimutan na ang lahat dahil hindi lang naman ikaw ang apektado, kundi lahat ng taong nakapaligid sayo ay damay din dahil sa sakit na nararamdaman mo. 

Stop, kung alam mong hindi na tama. Let go sa mga bagay na dapat ng bitawan para di na mahirapan pa, then Move on cause it’s not the end of everything. Think that it happened because God has a purpose, because everything has a purpose. Kailangan nating matutong magparaya, upang maka move on at makalimot na sa sakit ng nakaraan.

Hindi habang buhay nasasaktan tayo. It’s just another lesson for us to learn that hindi lahat ng gusto natin ay makapag-papasaya satin dahil minsan ito’y nagdudulot lang ng sobrang sakit upang ipa-alala na hindi lahat ng naisin natin ay dapat mapasaatin.

-------------------------------------------

P.S.

Na-inspired po kasi ako sa napanood kong video sa youtube. Kung pamilyar po kayo sa ibang linya diyan, nakuha ko po siya sa "Traffic Light" sa youtube. Thanks for reading! :') God Bless!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stop. Let go... Move on.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon