Chapter II- Flashback
(Unedited)
Some flashbacks ruin your day
"Eto po suotin ninyo, Princess Sofia." Inabot ni Maria ang isang skirt sa akin. Si Rosa naman ang nagabot ng sandals ko. Katatapos ko lang maligo.
"Princess Sofia, Princess Sofia!" papalapit si Anna sa amin. Halatang hinggal na hinggal ito.
"Saan ka ba galing, Anna! Ang ingay ingay mo pa!" pangaral ni Rosa kay Anna. Sinisigaw niya kasi pangalan ko habang nakatakbo.
"Eyy, wag ka na ngang umepal!" Napatawa na lang tuloy ako kela Rosa at Anna bago lumingon si Anna sa akin. "Princess Sofia, nakita niyo po ba ang news?"
"News? Bakit? anong meron?" Sunod sunod na tanong ko. Nakakataka lang kasi at parang importante ito. Hindi na siya nagsalita pa at in on yung TV sa room ko.
"Dead on arival ang 5 year old na bagong prinsesa ng karatog bansa. Nalason daw ito sa kinain niyang chocolate coated strawberry. Pina i-imbestigahan na ang nangyari. Ang palace chef daw ang suspect nila na ngayo'y nakatakas. At ito po ang balita sa umagang ito." Nakikinig lang ako habang bino blow dry ni Maria ang buhok ko. Nakaupo kami sa kama ko. Sina Rosa at Anna nasa chairs sa gilid ng kama ko.
"Ba't ba nagkalat ang mga mamamatay tao ngayon? Kahapon na balita lang na may napatay sa kalye tapos ngayon prinsesa naman? anu ba yan!" pagrereklamo ko. Si Anna naman, kanina pa siya comment ng comment sa balita.
"Oo nga, Princess Sofia eh! nako magiingat kayo pag lalabas kayo." Nalungkot naman ako sa sinabi niya. Kahit kailan, hindi na ako pinabalik ni Dad-este King Edward sa labas ng palasyo. Na aalala ko pa nga yung 1st ang last time kong nakalabas ng palace nung 11 ako.
FLASHBACK
"Wow! ang ganda ng shop nila. Ang colorful. Teka ano po ba yun? Yun oh!" puri ko sa lahat ng nakikita ko sa labas ng kotse.
"Isa yung mall."
"Mommy, what's a mall?" Mommy pa tawag ko kay Queen Eli,ang tunay kong ina, noon. Si Head Educator Kim pa kasi noon at hindi yung malditang Head Educator ngayon.
"Awww, kawawa naman princess ko. Hindi niyo ba siya tinuturuan, Louise?Ay tulog na pala." Ang himbing ng tulog ni Ate. Siguro pagod dahil sa paglalakad namin sa bundok. "Ang mall ay parang shop siya na pinalaki." Sagot ni mommy sa akin.
"Kelan po kaya ako makakapasok diyan?" May buntong hiniga pa yang kasunod.
"Gusto mo pumasok tayo?"
"Talaga po? yehey!"
"Ehem. Queen Eli, alam niyo naman po na hindi pwede. Pagkakaguluhan lang kayo ng mga press pag nagkataon." pagangal ni Head Educator Kim.
"Para saan naman to kung hindi namin gagamitin, diba?" Nakataas ang dalawang kamay ni Mommy. Hawak hawak niya ang dalawang sombrero tsaka dalawang sunglasses. Si Kim Noona naman ay napanganga kay mommy.
"Umaasta na naman po kayo na parang bata." tanging nasabi ni Kim Noona nang nakabalik siya sa calm self niya.
"Bata pa naman talaga ako, Kim. 26 pa kaya ako."
"Opps! wag ka ng magsalita Kim. Manong paki ikot nga ang sasakyan. Ipapakita ko lang sa Princess ko ang mundong kinagisnan ko nuon." Sinout na niya ang hats at sunglasses sa aming dalawa. Naka modern clothes na din kami.
***
Sobrang ingay ko sa luob ng mall. Tanong dito, tanong diyan. Sinasagot naman lahat ni mommy. Si Kim Noona (Head Educator Kim), hindi naman makaangal kasi sabi ni mommy pabayaan l lang daw muna ako kasi first time ko makapasok ng mall.
BINABASA MO ANG
A Princess Getaway
RomanceEvery girl dreamt to be a princess. Yan naman talaga sabi nila. They deamt of becoming one pero hindi nila alam ang lonliness na mararanasan. Siguro magbaback out ang lahat. Kaya sa storyang ito, ipapakita ko sa inyo ang buhay prinsesa.