Prologue

36 4 1
                                    

"Di ba sabi mo magdesisyon ako? Eto na nga eh. Nagdesisyon na ako. Mas mabuti nga siguro na itigil na natin to. I think we should end this." siguro nga dapat lang na gawin ko ito.

"Wag. Wag naman. Yan, please.." ano daw? Wag daw?

"Di ba eto naman ang gusto mo? Pinagbibigyan na kita. Itigil na natin to." pagpupumilit ko.

"Hindi ko kaya. Hindi ko pala kaya. Ayoko Yan. Ayoko." patuloy pa din sya sa pagmamakaawa. Hindi ko na siya maintindihan ngayon.

"Den, mas mabuti kung ititigil na natin to. Gaya ng sabi mo, para hindi na tayo lalo pang masaktan. If its destiny, pagtatagpuin parin naman tayo ng tadhana na yan eh." nagdahilan nalang ako. Teka, destiny? Dahilan nga ba yun?

"Naniniwala ka dun? Hindi naman totoo yun Yan eh."

"Yun ang mas nakakabuti Den, tapusin na natin to. Ayoko na." buo na ang desisyon ko.

"Yan, mahal kita. Alam mo naman yun di ba? Seryoso ako Yan." ayan na naman siya.

"Seryoso din ako. Seryoso ako sa sinasabi kong itigil na natin to." ayoko na talaga.

"Yan, wag ka namang ganyan."

"Wag ka ding ganyan." hindi ko na to kaya.

"Anong ganyan? Hindi na kita maintindihan. Ayusin naman natin to." hindi ko rin siya maintindihan. Akala ko ba ito ang gusto niya?

"Hindi na kailangan Den. Tinatapos ko na kung ano mang namamagitan satin. Di ba sabi mo delete na? So eto na nga. We should delete each other in each others life. Tama na." nag-umpisa ng mabuo ang luha sa gilid ng aking mga mata.

"Kasi para sayo madali. Sakin hindi Yan!" medyo nagwawala na siya. At parang iiyak narin. Ayokong makita siya sa ganitong sitwasyon.

"Madali? Para sakin? Akala mo lang madali, pero Den! Pinag-isipan ko din to. Hindi lang ikaw ang nahihirapan dito." tumulo na ang luha kong kanina pa nagpipigil na bumagsak.

"Yun naman pala Yan eh. Wag na natin pahirapan ang mga sarili natin. Pareho lang tayong mahihirapan. Wag mo naman gawin to." lumuhod na siya sa harap ko.

"Ang gulo mo din kasi Den eh. Sabi mo magdesisyon ako di ba? at ako ang bahala? Eto na nga eh. Nakakainis ka naman!" patuloy sa pagtulo ang luha ko na hindi naman dapat.

"Yan, please!" niyakap na niya ko sa bewang ko at doon umiyak.

"I think this is goodbye, Den." sinubukan ko siyang alisin sa pagkakayakap sa bewang ko pero malakas siya.

"I love you Yan. Mahal na mahal kita." at nanatili pa kami sa ganoong posisyon na nakatakip na ang dalawa kong kamay sa mukha. Nanghihina ako sa twing sasabihin niya ang mga salitang iyon. Nagpatuloy sa pagbagsak ang mga luha ko. Hindi ko alam kung totoo ba talaga yun o hindi. Hindi ko na kaya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Paano na ito?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

11:30 [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon