▬DARREL'S POV
"PO?!?!" mukhang nagulat siya sa sinabi ko.
"Si Bj ba yang kausap mo?" tanong ko sa kanya habang nakaturo ako sa cellphone na hawak hawak niya. Narinig ko kasi kaninang tinawag niyang kuya ang kausap sa phone. So, I assumed na si Bj yun.
"Ay! Oo nga pala! Wait lang po Sir ah!" Kakaiba. Kalimutan daw bang may kausap siya sa phone? Trixie never fails to make me laugh.
Akmang ilalagay niya na sana yung cellphone niya sa tenga niya pero hinawakan ko ang wrist niya at kinuha yung phone sa kamay niya.
"Ako na ang kakausap." sabi ko. Ewan ko ba pero pakiramdam ko responsibilidad ko itong babaeng nasa harap ko ngayon. Ayaw ko siyang matulog kung saan-saan lang. Ayaw ko rin siyang magpalipas ng gabi sa hotel ng walang kasama. Hindi ako mapapakali. Dito sa unit ko, alam ko safe siya.
/ "Trix! Andyan ka pa ba?" / tanong ng nasa kabilang linya.
"Bj." bungad ko.
Mukhang nakilala naman kaagad niya ang boses ko.
/ "Darrel?! Oy Bro! Kasama mo si Trixie?!" / gulat na tanong niya.
"Oo. Kakauwi ko lang tapos nakita ko siyang nandito sa tapat ng unit mo. Di niya alam na wala ka. Doon ko na lang siya papatulugin sa unit ko ah." I said.
/ "Ayun! Oo nga pala! Haha! Nakalimutan kong kapitbahay nga pala kita! Sige sige Darrel. Mas panatag ako doon sa unit mo siya mag-stay kesa mag-hotel siya. Pero... hindi ba nakakaistorbo sayo? Wala ka bang take home?" Bj asked. Loko talaga to. Yung tinutukoy niyang 'take home' eh babae. Tinatanong niya kung wala daw ba akong kasamang babae pauwi sa bahay. Tss.
"Itulad mo naman ako sayo." sarcastic na may halong pang-aasar na sabi ko.
/ "Oy oy! Di naman ako araw-araw may kasamang babae pauwi sa unit ko ah!" / defensive na sabi naman niya.
"Hindi nga. Every other day lang. Haha!" pang-aasar ko. Madalas kasi siyang may kasamang babae pauwi sa unit niya. Babaero. Pero ako, hindi ako ganun.Good boy yata 'to ^_____^
/ "Tss... Eh sa sila ang ayaw humiwalay sakin eh. Uuwi na ko ayaw pang humiwalay. Magagawa ko? Haha!' / pangangatwiran niya.
"Osige na... Pinaalam ko lang sayo na doon ko papatulugin si Trix sa unit ko." I said.
/ "Sige. Salamat pare ah! Kaw na muna bahala kay Trix. Mabait naman yan eh...makulit nga lang madalas. Haha!...Pero pare ah! Kapatid ko yan!" sabi niya ng may pagbabanta.
Oh? Bakit kaya ako binabantaan nito?
"Alam ko. Ngayon?" tanong ko.
/ "Maganda yan... sexy... makinis..." / sagot niya.
Parang alam ko na kung anong sinasabi niya. Loko talaga to! May self-control ako no! Isa pa, estudyante ko si Trix!
"Hoy! Wag mo kong itulad sayo!" sigaw ko.
/ "HAHAHAHAHAHAHA!!! Joke lang pare! Osiya sige. Basta ah... Kung gagawin mo... wag sapilitan ah. Dapat yung ibibigay niya mismo sayo." / pang-aasar na naman niya.
"SIRA ULO!" sigaw ko ulit sa kanya.
Natawa na lang ako sa kalokohang sinasabi ni Bj. Lokong loko talaga.
Binalik ko na kay Trix yung cellphone niya. She's just inches away pala. Hindi naman siguro niya naintindihan yung usapan namin nung loko niyang kuya.
"He's still there." sabi ko habang binabalik yung cellphone niya sa kanya.
▬TRIXIE'S POV
YOU ARE READING
I Don't Wanna Fall In Love
Teen FictionA story of a lady who never wanted to fall in love. But what could she do if loves comes knocking at her door? Will she be ready to let it in? When LOVE is already right in front of her eyes, will she turn away?