chapter 54

272 5 9
                                    

Nagising ako nung maramdaman kong may bumubuhat sa'kin. It's Ejay. Malamang di ba? Alangan namang si Chelle.

"Where're we?" tanong ko. Pero nung dinilat ko yung mga mata ko, alam ko na kung nasaan kami. Nasa bahay n'ya. Alam ko kasi yung kulay ng ceiling ng bahay n'ya eh.

"Sa bahay," sagot n'ya. "Hinatid ko na si Chelle kanina. And I can't send you home. Hindi ngayon na ang taas ng lagnat mo. I wanna take care of you." Buhat n'ya ako papunta sa kwarto n'ya.

"But I need to go home."

Tapos nilapag n'ya ako sa... kama n'ya. Uyy, na-miss ko toh ah. "Tumawag na ako kay Mela and I told her that you're sick and I wanna take care of you. Wag ka nang umangal."

Kinumutan n'ya ako. "But--" sabi ko.

"No more buts, please. I want to do something na hindi ko nagawa sayo before. I want to take care of you."

Binalot ko pa lalo yung sarili ko sa kumot. Nilalamig ako eh. Supeeeer. Tapos bumulong s'ya sa tenga ko, "Need human warmth?"

"Can you hug me?" tanong ko. He lay beside me. And nod.

"I'm leaving," bulong n'ya.

"I know. You told me that."

"No, I mean, I'm going to spend my holidays with my family and--"

"You're not gonna spend it with me. Kelan ka aalis?"

"A day before Christmas break. Umuwi si Chelle para sunduin ako. Pero babalik naman ulit kami before--"

"KAMI? Paki-identify mo nga kung sinu-sino yung kami na yun."

"Chelle and I."

Nag-sigh ako. Wala akong energy para magdemand ngayon. May sakit ako eh. "I guess it's gonna be the loneliest Christmas ever!"

------------------------

"Ano? May nahanap ka na ba?" tanong ni Mela. Nasa mall kami nun. Nagki-Christmas shopping ng mga panregalo.

"Wala pa nga eh. Wala akong maisip na ipanregalo sa kanya."

"Kahit wag mo nang ibalot yung sarili mo, ayos lang sa'kin," sabi nung lalaki sa likod ko. Lumingon ako, Sir???

"Ba't ko naman ibabalot yung sarili ko?" tapos tumalikod ako ulit.

"Nag-iisip ka ba ng panregalo sa'kin? Presence mo lang this Christmas, okay na ko," bulong n'ya sa'kin. Si Mela naman lumayo sa'ming dalawa.

"Ba't naman kita reregaluhan?" kelangan talaga puro tanong ako eh?

"You know, you can wrap a gift in a gift wrapper but you can wrap me with a hug."

Humarap ako sa kanya pero sa likod n'ya ako nakatingin, duon kasi nakatayo si Mela. "Mela, tara na. Umuwi na tayo."

"Hatid ko na kayo," sabi n'ya. Sinusundan n'ya kami habang naglalakad. Tapos pinag-aagawan namin yung mga shopping bags na dala-dala ko.

"Ano ba?" sabi ko. Hinatak ko sa kanya yung bags tapos binilisan ko yung lakad ko.

"Ang iiksi ng legs mo pero ang bilis-bilis mong maglakad," sabi n'ya. Hindi naman kami pinapansin ni Mela. "I wonder kung anong feeling ng naka-wrap yan sa bewang ko." ANO DAAAW?

"Bakit mo ba kami sinusundan?"

"I'll send you home," sabi n'ya nung huminto ako para tumingin sa kanya. Nakangisi s'ya tapos kinindatan n'ya pa ako. Nakapamulsa pa s'ya nun. Ano ba? Ba't ang pogi?

"May service kami, hindi ka namin kelangan." Tapos naglakad na ulit ako ng mabilis. Loko toh si Mela, iniwan ako. >:|

"Sige na, hindi na kita kukulitin. But can I spend my Christmas with you?"

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon