Chapter 1: The String of Beginning

4 0 0
                                    



"Augghh." Ungol ko dahil sa sakit ng ulo ko. Pagkamulat ko nakita ko yung orasan ko. 7:45AM na.

"Oh. Malapit na pala mag-8AM... WTF!" Napatayo agad ako na naging dahilan kaya ako nahilo at nagpagewang gewang papunta sa pinto ng kwarto ko.

"MA! BA'T DI MO AKO GINISING?! LATE NA AKO!" Sigaw ko dahil alam kong nasa kusina pa si mama.

"BASTOS KANG BATA KA AH! KANINA PA KITA GINIGISING PERO SABI MO 5 MINUTES PA!" Sagot ni mama. Napakamot nalang ako at agad agad na kumuha ng damit at naligo. Badtrip naman oh. Unang klase late agad ako?! Wtf men. Sakit sa ulo.

Nang matapos maligo, bumaba agad ako at kumain ng mabilisan. Tinignan ko si mama at sabay lahad ng palad ko.

"Ma! Baon ko bilis. Late na ako..."

Agad niyang kinuha yung pitaka niya at kumuha ng pera. Habang kinukuha niya yung baon ko, napatitig nanaman ako sa daliri niya... Tsk. Di parin siya nakakamove-on... kaya hanggang ngayon blue parin yung string sakanya.

"Oh ayan na. Ikaw talaga oh. Next time mag-alarm ka nalang ah?!" sagot ni mama pagkabigay ng pera.

"Opo Ma. Sige na alis na ako." Sabi ko sabay halik sa pisngi niya at tumakbong paalis.

Ako nga pala si Caspian Ansem. Weird name diba? Ewan ko pero gustong gusto ko yan. Unique eh. Kaso wala akong makikitang ganyang pangalan sa mga bottles ng coke. Pero may mas weird pa sa pangalan ko... at ayon ay ang nakikita ko. Nakakakita ako ng mga "strings of fate" sa mga dalari ng tao. Sa tanang ng buhay ko, dalawang kulay pa lang ang nakikita ko. Isang blue at isang red. Ang red string of fate ay makikita kapag ang isang tao ay nakita na ang kanyang future partner. At ang blue naman ay... well... makikita mo lang to kapag ang future or ang "red string" partner mo ay wala na at di mo parin natatanggap ang pagkawala niya. Marami na akong nakitang ganyan... at isa na diyan si Mama.

Lagpas 8AM na ako nakapasok ng school. Hingal na hingal na ako nang makarating sa room ko. Kinakabahan na ako dahil unang klase palang ay late na ako. Nang makapagpahinga ng saglit, pumasok na ako. Nagulat ako kase kasunod ko pala yung teacher namin.

"Magsi-upo na kayo at magsisimula na tayo!" Sigaw ni mam sa klase.

Agad akong umupo sa likod. Napansin ko naman na bakante yung upuan sa kaliwa at kanan. Napangisi nalang ako kase alam kong late nanaman yung mokong na yon.

"MAM SORRY PO LATE AKO!" Sigaw ni mokong pagkapasok ng room. Nakakatawa dahil kahit 2nd year na kami, late parin sa sa unang klase. Bestfriend ko talaga tong si Lucas.

"Okay lang tutal wala pa akong nasisimulan. Dun ka na umupo sa likod." Utos ni mam sakanya.

"Okay mam!" Sagot niya nang naka-army pose pa. Nagtawanan tuloy mga classmates ko. Papansin talaga. Porket gwapo.

"Aga mo ah?" Sabi niya sakin pagkaupo niya sa tabi ko.

"Syempre. 1st day eh." Sagot ko.

"Ulul. Late ka rin eh. Halata sa pawis mo." Natatawa niyang sagot.

Napapunas naman ako ng noo non dahil tagaktak ang pawis ko. Nagtawanan lang kami ng saglit at umayos na. Napatingin naman ako sa kaliwa kong upuan dahil bakante parin yon. Ang alam ko kumpleto kami eh.

"Ako nga pala ang adviser niyo. Ako si Ms. Rowena Saeki." Pagsasalita ni Mam.

Di na ako nakinig sa mga sinasabi niya. Ang naintindihan ko nalang sa pagkukuwento niya eh may darating daw yung huling estudyante mamaya dahil inaayos pa yung mga papeles niya. At isa pa... nakita ko nanaman yung "string". At sa daliri ni Mam. Tsk. Ayoko talaga ng nakikita ko. Ayokong makakita ng mga strings and such. Ayokong matulad sa nanay ko na hanggang ngayon, di parin makamove on sa tatay ko... Paano kung makita ko yung akin? Paano kung makita ko yung blue string sa daliri ko? Ayokong maramdaman yung sakit na yon. Nung nakita ko yung nangyari sa nanay ko after mawala ng tatay ko... pinangako na hindi mangyayari sakin yon. Pero eto ngayon, nakakakita ng mga strings na wala naman kinalaman sakin...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

From Me to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon