Chapter 1: Meeting the wild animal

2 0 0
                                    

"Wow,Girl! Congrats!"

Tiningnan lang ni Zoe ang kaibigan at ka office mate na si Patricia.

"Congrats for what?" She asked  sarcastically

"Asus! Para namang hindi mo pa alam. Kunsabagay,hindi ka nga pala mahilig sa mga usapan ng mga ordinaryong mamamayan sa building na ito ng Monochrome Productions."

Sanay na siya sa mga patutsadang iyon ng kaibigan. Totoo kasi na hindi siya nagbibigay ng kahit katiting na pansin sa mga tsismis na paboritong pastime ng mga employee ng isa sa pinakamalaking production companies ng bansa. Aksaya lang iyon ng oras.

"Anyway, I know this isn't a tsismis kaya dapat lang na makinig ka,Ineng," patuloy ni Patricia. "Isa ka raw sa mga napipisil na papalit sa posisyon ni Mr. Sandoval as marketing manager. Bongga ka Day! Apir tayo!" Itinaas ni Patricia ang kanyang kanang kamay, Zoe smiled. Pinagbigyan niya ito,saka muling ipinagpatuloy ang ginagawang report sa harap ng computer.

"Hoy babae! Talagang magiging marketing manager ka na? Ang landi mo!" Dinampot ni Zoe ang paperweight at initsa-itsa iyon sa ere.

"May reklamo ka ba?" She crossed arms.

"Syempre wala. Anyway, you deserve that promotion. Sasama ako sayo magprotesta kapag hindi ikaw ang naupo sa posisyon ng marketing manager." Aniya

"I deserve that promotion. Period."

"Isa pa iyan sa nagustuhan ko sayo Zoe. Walang kasing tapang ang apog mo."

"Thanks." Kinindatan niya pa ito.

"Uy,kapag naroon ka na sa itaas,huwag mo akong kakalimutan ah?"

"Sure. Paminsan-minsan eh,susulyapan pa rin kita." Biro nito.

Napasimangot ito. Siya naman,nakangiti lang niya itong tinapik-tapik sa balikat bilang pakonsuwelo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 Perfectionist Daw!?Where stories live. Discover now