Buti na lang at nakita ni Macoy si Hyacinth sa Plaza Miranda kaya nakapagtanong siya kung saan niya makikita si Lia. Tamang-tama naman at nabanggit nito na pupuntahan talaga niya ang kaibigan, kaya sumabay na rin siya dito.
Nang makarating sa PGH ay kinabahan si Macoy. Anong ginagawa ni Lia sa ospital? May nangyari bang masama dito? Kaya ba hindi niya sinasagot ang tawag at text niya kagabi? He felt guilty.
“Lia!” Malayo pa lang ay nakita na ni Hyacinth ang kaibigan. Nakadungaw ito sa bintana ng corridor ng ospital.
Hindi sigurado si Macoy kung napansin din ba ni Hyacinth ang pagpahid ni Lia ng pisngi nito bago humarap sa kanila. Pero halata ang pagkagulat ng dalaga nang makita si Macoy.
“Sorry friendship. Nagpumilit sumama eh. May sasabihin daw sayo.” Pagpapaliwanag ni Hyacinth. “Kamusta na si lola?”
Tumango lang si Lia. Wala siyang lakas para makipagdiskusyon pa. Sinamahan na lang niya ang mga bisita para masilip ang natutulog na si Lola Minda.
Hindi naman nagtagal ay nagpaalam na si Hyacinth. May pupuntahan pa raw itong trabaho.
Nang makaalis na ang kaibigan ay kinausap ni Macoy si Lia. “We need to talk.”
“Macoy, pass muna ko sa prediction ngayong araw. Hindi gumagana ang powers ko.”
Nakita ni Macoy na wala ang karaniwang sigla ni Lia. Namumugto ang mga mata nito at para siyang hapong-hapo.
Napigilan ang sana ay pag-uusisa pa ni Macoy nang dumating ang doktor ng matanda. “Kamag-anak ng pasyente?”
Tumango si Lia.
“Lumabas na ang lab tests ni Lola. Masyadong mataas ang creatinine level niya. Hindi na nagagawa ng kidney nya na linisin ang toxins sa dugo ng pasyente.”
Nang mapansin ni Macoy na nagsimula nang umiyak si Lia ay hinila niya ito para yakapin. Alam ng binata na sa mga pagkakataong iyon ay hindi makakapag-isip ng maayos ang dalaga, kaya ito na ang kumausap sa doktor.
“Ano po ang options natin para kay Lola?”
“She has to undergo dialysis as soon as possible.”
“Sige po. Then let’s do it.” Pagsang-ayon ni Macoy, habang hinahagod ang likuran ni Lia.
“Asikasuhin niyo na lang ang mga kailangang requirements for dialysis.” Bilin ng manggagamot.
“Sige po, doc. Thank you.” Si Macoy pa rin ang nagsalita habang hindi tumitigil ang pagluha ni Lia.
Nang makaalis na ang doktor ay hinarap naman ni Macoy ang dalagang nasa bisig. “Lia, she will be fine. Kailangan lang niyang ma-dialysis.”
Tumingala si Lia sa binata. Puno ng pag-aalala ang mga mata nito.
“Wag mong isipin ang gastos. I’ll help you.”
Muling yumakap si Lia sa kaniya habang patuloy sa paghikbi.
Gumanti ng yakap si Macoy para ipadama sa babae ang suporta niya saka pasimpleng bumuntong hininga. Hindi makapaniwala ang lalaki sa sarili. Sa pagkakaalala niya, hinanap niya si Lia para kumprontahin tungkol sa narinig niyang usapan nila ni Ram. But there he is, comforting his traitor.********
“MARAMING salamat saiyo, hijo.” Kahit nanghihina pa ay nagawa pa ring magsalita ni Lola Minda. Pangatlong araw na ng dialysis sa matanda kaya kahit paano ay bumuti na rin ang pakiramdam nito.
“Macoy, salamat ha. Sa susunod na araw pag bumuti na ang lagay ni Lola Minda makakalabas na raw siya ng ospital.” Wika naman ni Mader.
“Wala naman po kayong dapat ipagpasalamat sa akin. Ayaw nga pong tumanggap ni Lia ng financial help eh.” Sagot ni Macoy.
BINABASA MO ANG
Mga Bulaklak ng Quiapo: Magnolia
Любовные романыMalakas ang paniniwala ni Lia na kapos man siya sa buhay ay biniyayaan naman siya ng Quiapo Church ng umuusbong na career. Tarot cards. Crystal ball. Numerology. Astrology. Palm reading. Face reading. Lahat ng klaseng panghuhula ay kaya niyang gawin...