Pahiwatig ng Panaginip

161 9 2
                                    

Nangangatog si Lia habang inaakyat ang ikatlong palapag ng isang bakanteng gusali sa Escolta. Kung dahil ba iyon sa takot o sa galit ay hindi na niya alam. Basta kailangan niyang harapin ang mga hinayupak na gangster na tumira sa barong-barong nila. Lalong humigpit ang pagkakakuyom ng kamao ng dalaga habang naaalala ang itsura ng takot na takot na si Lola Minda at ang hysterical na si Mader.

Habang nagliligpit kanina ng mga gamit ay nakita niya ang isang malaking bato na binalutan ng papel. Nag-iwan ng sulat ang mga salarin na nagpakilalang Zeta Mu Epsilon fraternity. Noon naalala ni Lia ang pag-uussap ng mga ka-brad ni Ram. Mainit daw sila sa frat na iyon na tumatambay sa abandonadong gusaling inaakyat niya ngayon.
Madilim ang building, dahil na rin papalubog na ang araw. Pero alam niyang may tao sa itaas na palapag dahil sa mga tawanan na naririnig niya. Naaninag din niya ang dilaw na ilaw sa bahaging iyon. Hindi maselan ang pang-amoy ni Lia, pero alam niyang mga squatter lang na gaya niya ang makakatagal sa panghi ng paligid.

Nang marating ang ikatlong palapag ay inabutan ni Lia ang grupo ng mga kalalakihan na hindi lalagpas sa tatlumpong katao. Kaniya-kaniya sila ng ginagawa. May nag-iinuman, nagsusugal, nagyoyosi at ang iba ay nakahilata lang.

“Sino sainyo ang tumira sa bahay namin?!” Kung kinakabahan man si Lia nang mga oras na iyon ay hindi halata sa laki ng boses nito. Nagulat ang mga lalaki sa pagdating niya. Hindi sigurado ang dalaga kung magandang senyales ba iyon.

Walang kumikilos sa mga lalaki, hanggang sa isang palakpak ang gumuhit sa katahimikan.

“Matapang pala ang jowa ng headmaster ng Beta Alpha Rho ng San Beda.” Sabi ng lalaking maitim at malaki ang katawan. “Hindi naman kita pinapunta dito. Ang sabi ko lang, sabihin mo sa jowa mo na wag syang makikialam sa kaso ng frat namin”

“Kung hindi ka pala gunggong, kung sino ka mang herodes ka, bakit hindi mo na lang yan tinext sa kaniya?! Kelangan mo pang itumba ang bahay namin!”

Nakarinig ng mga pigil na tawa si Lia. Pinagpalagay niyang lider ang kausap niya. Bumilis ang tibok ng puso ng dalaga. Maaring dahil sa nerbyos, o baka dahil sa pagkulo ng dugo niya sa kaharap.

“Matalas ang dila mo ah! Sabagay, ganyan tayong mga laking iskwater”

“Hoy! Kung laking iskwater ka, wag mo kong itulad sayo! May utak ako, hindi gaya mo!”

“Isang beses pang magsalita ka ng hindi maganda, makakatikim ka sakin!”

“Hindi ako natatakot sayo, bakla!” Hindi pa nakuntento ay tinaas ni Lia ang kanang kamay. Nakakuyom iyon, maliban sa gitnang daliri na nakaangat.

Sinugod ng lalaki si Lia ng may nanlilisik na mata. Sinunggaban nito ang mukha ng babae, na halos lamutakin iyon.

“Talagang matapang ka ha!” Akmang hahalikan niya si Lia, kaya agad na umalma ang dalaga.

Sinipa niya ang pagitan ng mga hita ng lalaki saka siniko ang batok nito. Susundan pa sana ni Lia ng isa pang tadyak sa mukha, pero apat na lalaki ang agad na pumigil sa kaniya.

“Wala kang kawala ngayon pakshet ka!” Sigaw ng nabugbog na gangster.

“Wag kayong pumatol sa babae!” Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa gusali.

“Sino naman tong mokong na to?”

“Anong ginagawa mo dito?”
Sabay na tanong ng lider ng frat at ni Lia sa binatang matapang na humahakbang palapit.

“Ako ang harapin mo!”
Naalala ng dalaga kung paanong iika-ika pa si Macoy dahil sa palo ng paddle. Siguradong hindi pa man nakakarecover ay mabubugbog na naman siya. Bakit pa kasi siya sumunod?

Mga Bulaklak ng Quiapo: MagnoliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon