Prologue
"Psst...." pansinin mo naman ako Girl Numero!
"Uyyy.." Teng eners talaga! Ayaw mamansin. Busy siya sa pag-sagot ng Math problem. Buti pa 'yung Math problem sinagot niya, eh ako kaya? Kaylan niya sasagutin? Di pa nga pumapayag na manligaw ako e.
"Uyy. Chelle!" Ilang beses ko ba 'to kakalabitin para pansinin niya ako? Hangin ba ako? Nararamdaman niya pero di niya ako nakikita?
"Bestfriend!"
"ANO?!" 'yun oh? Lumingon din sa wakas.
"Ah.. eh.. anong formula gagamitin sa number one? Hehehe." Napakamot na lang ako sa ulo ko. Habang nakangiti.
"An=A1+(n-1)d" plain niyang sagot. Habang patuloy pa rin siya sa pag-sagot sa Activity paper niya.
"Anong sagot mo?"
"An=48" 'yun! May sagot na ako sa number one! Galing ko no? Ganun lang ang pagkuha ng sagot sa iba.
"Eh sa number two?"
"An=96"
"I love you." Shemay! Nadulas ako.
"I LOVE YOU MO MUKHA MO! UMAYOS KA VICENTE HA! DALAWANG NUMBER NA ANG NAKUKUHA MONG SAGOT! MAG-SAGOT KA NAMAN. 50 ITEMS 'YAN."
"Ay? Haha sorna po miss.." numero, sabay kamot ko sa ulo. Hays. Kailan kaya ako neto papansinin ng matino? Yung tipong di na sagot sa math yung makukuha ko.. kundi ang matamis nyang OO.
Korni na nga kung pakikinggan sa panahon ngayon, habang tinititigan ko syang magsagot mas lalo kasi akong nahuhulog. May kung ano sa kanya na kahit anong pilit kong layo at tanggi sa sarili, mas lalo lang tumindi.
Kabadingan hahaha pero wala eh, sya na nga yata.
INLOVE AKO KAY CALCULATOR GIRL.~•~
BINABASA MO ANG
I'm In Love With The Calculator Girl
Teen FictionIn love ako sa isang babaeng sobrang galing sa Math. 'Yung tipong natalo pa ang Calculator sa bilis niyang mag-compute sa utak. Grabe 'no? 'Yung totoo? Tao ba siya? Mai-in love rin kaya siya sa'kin? Kahit hindi ako magaling sa subject na 'yun? Tss...