One Shot!

18 2 4
                                    

"Bes! Nagtext sakin si Ralph! Niyayaya nya ko magdinner tonight! Omyghad!!! What to do?!"

Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang kilig ngunit patuloy pa rin ang paghuhuramentado ng aking sistema. Matagal ko na itong hinihintay! Gosh!

" Ano sa tingin mo bes? Ito na ba yun? Ito na ba yung sinasabi nilang forever? Kyaaahhh!!!! "

Lumukso lukso pa ako sa malambot kong kama. Sorry! I can't just help it! Sobrang saya lang talaga! Geeezz! After how many years na pagpapapansin ko kay Ralph, heto at nagbunga na.

" Can't you just sit still? Di mo pa nga alam kung bakit ka pinapapunta eh. " sabi ni Aya, bestfriend ko since childhood.

" Eh diba dinner? Ibig sabihin date yun! Kakain kami sa labas! Gosh! Gosh! " tili ko habang maarteng pinapaypayan ng kamay ang aking sarili.

" Alam mo bes, malalaman natin yan mamaya. Sige. Uwi na ko ah. Goodluck. " sabay sarado ng kanyang laptop.

" Okay! Ingat ka bes! "

" Hinga ng malalim Cyrine. Tama na ang paghahyperventilate baka umatake ang asthma mo. Sige baka mategi ka dito at hindi ka makapunta sa date nyo ni Ralph. " sabi ng utak ko.

Tama. Maghahanap nalang ako ng aking susuotin mamaya. A dress to kill.

Bumaba na ako sa kama at naglakad papunta sa aking closet.

Dress? Pants? O Long gown?

----

" Hello? Manong Brando? Pakiready po ng sasakyan. Aalis ako. Salamat... "

At dahil wala akong napiling damit. Magmomall na lang ako.

Nakaparada na sa labas ng mansion ang aking dark red convertible. Naka open air mode ito ngayon dahil maganda naman ang sikat ng araw.

Agad akong sumakay at nagdrive palabas ng subdivision.

Sa pinakamalapit na mall lang ako pumunta dahil hassle ang traffic. This day should be full of positivity kaya ayokong makalanghap ng masamang hangin na makakasira ng mood ko.

Pumasok ako sa isang botique na pagmamay-ari ng bestfriend ng Mom ko, si Tita Silva.

" Oh hija, napadaan ka. Kamusta? Where's your mom? " sabay beso sa akin.

" Hi Tita, kailangan ko po kasi ng dress. Hmmm, may business trip po si Mom and Dad sa Cagayan de Oro. " I politely said.

" I see, halika, ipapakita ko sayo ang pinakamagagandang dress namin dito. "
Sumunod ako kay Tita Silva.

" WOAH! I love the dresses! Ang gaganda po! Can i have this Tita? " habang hawak ang isang black fitted dress. See through ang neckline at shoulders nito. Perfect for my white skin color.

" Sure thing hija. Bagay iyan sayo " ngumiti sya sakin nang itapat ko ang dress sa aking slim na katawan.

" Thank you po. Babayaran ko na po sa cashier. "

" Uh. No, bigay ko na saiyo yan Cyrine. To naman parang ibang tao. "

" Naku po Tita, lugi na po kayo sakin, lagi na lang po akong libre. Thank you po ah. "

" You're always welcome dear. "

Naglakad na kami papuntang cashier upang maibalot ang dress.

" Here, pakikamusta nalang ako sa Mom and Dad mo. " sabay tapik sa aking balikat.

Tinanggap ko ang paper bag. " Sure po tita. Salamat po ulit. " nagbeso beso pa kami bago ako tuluyang umalis.

----

Stone ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon