Find the value of eX

12 3 0
                                    

Crizhel POV.

"Wow crizhel ganda mo talaga" ani sakin ni coleen habang hinahawakan niya ang aking blond na buhok. Actually hindi ako ang pumili ng kulay na ilalagay ni oklavakla sa buhok ko. Pakealamera lang talaga ang kaibigan ko at pati buhok ko pinagprotestahan!

"Sus!! Naku tumigil ka nga!" Sagot ko sakanya.

"Bhe ibrade mo yung buhok ni crizhel para magmukha siyang si elsa ng frozen" sabi nito kay oklavakla tsaka siya tawa ng tawa.

"Bhe halika gawin natin yung magic ko sa hairlalo mo" hindi paman ako nakakasagot ay hinablot na ako ni coleen papunta kay oklavakla.

Ilang minuto lang ay natapos na ang pagbrade ni oklavakla sa buhok ko. Isinunod naman niya si coleen.

Nakaramdam ako ng tawag ng inang kalikasan kaya nagpaalam ako kay coleen at nagpasiya muna akong lumabas ng parlor at agad lumakad papunta sa pinakamalapit na comfort room.

Binuksan ko ang isa sa mga cubicle ng CR at ginawa ang dapat kung gawin. Naghugas lang ako ng kamay tsaka ako bumalik sa parlor.

Bago paman ako makarating sa parlor ay may nahagilap ang mga mata ko dahilan para mapahinto ako. Siya nga!! Ang lalaking ayokong pangalanan.

Sumikip bigla ang dibdibko. Agad akong yumuko. Maglalakad na ulit sana ako pero huli na dahil tinawag niya ang pangalan ko na siyang ikinatindig ng aking mga balahibo.

"Crizhel.." Tila nag aalanganin ang boses niya ng banggitin niya ang aking pangalan.

Humugot muna ako ng malalim na hininga tsaka ko siya tinignan. Blanko ang ekspresiyon na tumingin ako sa kanyang mga mata.

"Kumusta ka na??" Binigyan niya ako ng tipid na ngiti.

Ano bang dapat kong isagot sakanya?? Siya lang naman yung taong minahal ko ng lubusan tapos binasura ako dahil lang sa pagod na siya. Ano bang pwede kong iaasal sakanya?

"Crizhel." Saad niya ulit saakin dahil hindi ko siya kayang sagutin ngayon.

"Okey lang naman" tipid kong sagot. Siguro dapat mag react nalang ako na parang walang nangyari. Ayoko siyang kamuhian. Ayoko ng magalit. Mapapagod lang ako.

"Starbucks tayo?" Alok niya saakin. Namilog naman ang aking mga mata!! Haller!! Bakit ganyan siya umasal?? Bakit gusto niyang gawin namin yung dati naming ginagawa noong kami pa. Dati kase kapag nag mamall kami, hindi mawala sa taste namin ang starbucks!

"Ah..actually kasama ko si coleen" sagot ko sakanya. Gawd!! Ayoko ng palakihin pa ang convo between us!

"Ohh, i see..well, about your dye hair. Nasurpresa ako. It suits you" tsaka niya ako nginitian. Yung ngiting masaya.

"Thankyou" sagot ko. Mas okey na siguro ito.

"Your always welcome" saad niya saakin.

"Okey then, mauna na ako. See you arround" wika ko tsaka siya tinalikuran. Pero bago pa ako makalakad ay nahablot na niya ang kanang kamayko.

"Crizhel" tumingin agad ako sakanya. Ramdam ko ang mga mata niyang malungkot. Hindi gaya kanina na kita kong masaya siya.

"Pwede bang sumama ka muna saakin? Please. Kahit saglit lang"

Hindi na ako sumagot pa at hinayaan ko nalang siyang dalhin niya ako sa kung saan niya ako dadalhin. May tiwala naman kase ako sakanya.

Dinala niya ako sa parking lot ng mall at ipinasok niya ako sa kanyang cotse. Ilang segundong katahimikan ang bumalot saaming dalawa.

Naalala ko bigla si coleen. Naku!! Sigurado ako umuusok na ang ilong niya ngayon sa kakahanap saakin. Pano nato?? Sabi ko CR lang eh!! Tapos ngayon eto nako?? Bat pa kasi ako nagpatinag sa lalaking to!! Inilagay ko ang dalawang paladko sa aking mukha dahilhindi ko alam ko paano ako makakalabas ngayon sa cotseng ito.

A thousand years for usWhere stories live. Discover now