Jared POV.
Inikot ko ang paninginko sa paligid ng bahay na kinaroroonan ng magiging anak ko. Malapit lang ito sa bayan pero ramdam ko ang malinis at walang halong pulosyon na hangin sa paligid.
Nasa tapat na ako ng pintuan ng bahay tsaka ko humugot ng hangin mula sa loob ko. Alam kong mali ang ginagawa kong pagtago kina mica at sa magiging anak ko. Pero alam ko rin na ikabubuti nila ito.
Pinihit ko ang doorknob pero nakalock ito kaya pinindotko ang doorbell sa gilid ng pintuan. Ilang segundo lang ay may nagbukas na.
"Goodmorning po Sir." Bati saakin ng katulong na ipinadala ko upang tulungan si Mica sa pagbubuntis niya.
"Nasan si Mica?" Diretso kong tanong sakanya.
"Nasa kuwarto po niya Sir. Ayaw niyang lumabas gusto daw niyang mapag isa, yung mga pagkain na dinadala ko sa kuwarto niya ayaw niyang kainin. pati po yung mga gamot niya Sir" sagot nito saakin.
Naningkit ang dalawang mata ko sa narinig ko.Agad naman akong nagtungo sa kuwartong kinaroroonan niya. Sinubukan kong buksan ang pintuan pero nakalock ito.
"Mica! Open the door!!" Sigaw ko habang kinakatok ko ang pintuan.
"Just leave me alone!!" Sagot niya mula sa kabilang kuwarto.
Nag panic agad ako sa inasta niya. Baka kung ano pang gawin niya sa sarili niya at pati yung anak ko madamay niya.
Sinenyasan ko agad ang katulong na ibigay saakin ang duplicate ng susi mula sa drawer at agad naman niya itong kinuha at ibinigay saakin.
Pagbukas ng pintuan ay dire-diretso akong lumakad palapit kay Mica. Nakaupo siya sa kama habang umiiyak. Agad akong umupo sa tabi niya at hinawi ang ilang hivla ng buhok niya na nakaharang sa kanyang mga mata.
"What the f*ck you think youre doing??! Are you insane???" Tanong ko sakanya habang hawak hawak ko na ang kanyang mukha.
Hindi siya sumagot pero naging mas malakas ang pag-iyak niya. Sh*t naman oh!
"Shssss. Tahan na please Mica. Please stop crying.please i beg you." Saad ko sakanya. Kumikirot ang dibdibko sa nangyayari ngayon. Sa tingin ko isa akong napakagagong ama.
"Mica im sorry. Please. Stop doing this. Alam kong ayaw moding mawala ang baby kaya please huwag mong gawin to" titig na titig ako sa kanyang mga mata.
"Isa lang naman ang gusto ko jared." Wika niya sa pagitan ng kanyang paghikbi. Tinignan ko lang siya at hinintay na magsalita ulit.
"Gusto ko ng kompletong pamilya. Hindi ko kailangan ng pera o kung ano-ano pang mamahaling gamit. Gusto kong bigyan ng kompletong pamilya yung magiging anak ko. Yung magiging anak natin. Jared yun lang sapat na!" Sagot niya habang umiiyak parin siya.
"Bakit sa tingin mo hindi ko gusto yang sinabi mo?? Bakit sa tingin mo gusto ko itong nangyayari na itinatago ko kayo? Is that what you think?? Siguro nga gago ako kase tinatago ko kayo imbes na ipagmalaki dahil may pamilya na ako. Pero alam mong malaki ang gulo na papasukan natin ng magiging anak natin kong ngayon palang ihaharap ko na kayo sa buong mundo. Gusto ko ring mgkaroon ng kompletong pamilya Mica. Gustong gusto!! At ayokong maranasan ng magiging anak ko ang naranasan ko sa daddy ko!" Napahinto ako sa pagsasalita ng marealize ko marami na pala akong nasabi.
"Jared. Im so sorry." Wika niya tsaka niya ako niyakap.
"Sorry Mica. Please stop doing this. Imbes na magtalo pa tayo, protektahan nalang natin ang bata" saad ko at binalik ang yakap sakanya.
Now i can feel myself being a Dad. Mas naliwanagan ako sa nangyayari ngayon.
"Tama na yang pag-iyak mo. Mag-ayos kana at mag aalmusal na tayo. You need to be aggressive in terms of food, para paglabas ni baby malusog siya." Wika ko habang pinupunasan ang kanyang luha gamit ang aking palad.

YOU ARE READING
A thousand years for us
RomanceSa unang pagkakataon na gumawa ako ng istorya dito sa wattpad,sana po'y suportahan niyo ang bawat karakter na bibigyang buhay ko.para po ito sa mga taong naghahangad ng totoong pagmamahal :) sa ating panginoon salamat po sa binibigay niyong chance n...