The Great Pretender

12 3 0
                                    

Crizhel POV.

"So ganon lang kadali lahat ng nangyari sainyo?? Ang bilis naman niyang nakapuntos sayo??" Sermon ni ranz saakin.

Nandito siya sa condo ko dahil tinawagan niya ako at nag-aalala daw kase sina mommy kaya pinapunta ko nalang siya.

Hindi ko ito sinagot sa tanong niya dahil ayoko ng pag-usapan pa ang nangyari saamin ni Dan kahapon.

"oh come on crizhel!! sabihin mo ano bang nangyari sainyo kahapon ni Dan??" tanong ulit niya.

I just roll my eyes on him habang kinakain ko ang dala niyang almusal.

"Bakit ba ayaw mong magsalita?? Crizhel naman. Sumama kaba sakanya??" Itinigil ko ang pagkain tsaka ko siya tinitigan ng matalim. Kung makapagtanong eh feel niya daddy ko siya.

"Okey fine!! Oo sumama ako kay Dan!! Ano okey na ranz??" Sarkastiko kong sagot sakanya.

"Ano??!! Sa tingin mo okey?? Eh bat ka sumama?? Saan ka niya dinala?? Dalawa lang ba kayo?? Anong ginawa niyo??" Sunod sunod na tanong niya saakin habang paulit ulit siyang nagmamarcha sa harap ng hapag kainan.

"Alam ko hindi okey na sumama ako sakanya!! Pangalawa, may buhay tong mga paa ko at hindi nagpapigil. Pangatlo, dinala lang naman niya ako sa parking lot sa loob ng cotse niya. Pang-apat, Oo dalawa lang kami..at eto yung panglima. Wala kaming ginawa kundi ang magsumbatan sa loob ng cotse!! Full details na yan. Baka naman may follow up question ka pa?!" Naiinis na wika ko sakanya!!

"Yun lang ba talaga ang ginawa niyo?" Kunot noo niyang saad saakin tsaka na siya umupo sa harap ko.

"Oo." tipid kong sagot sakanya. Nag aalin langan ang mga mata kong tumingin sakanya. Ayokong banggitin na hinalikan ako ni Dan dahil for sure sisitahin na naman ako nito.

"Okey. I hope so. sana nga wala na siyang ibang ginawa sayo. alam mo naman noon pa i hate him!!" Tsaka siya sumubo ng bacon.

Winalang bahala ko nalang ang kanyang sinabi.

Ilang minutong katahimikan sa pagitan ng aming pagkain tsaka niya ito binasag ng salita.

"Nag aalala lang ako sayo crizhel." wika niya pero sa pagkain parin naka atensiyon ang kanyang mga mata.

"Sorry hindi ako nakarespond agad sa mga tawag at text mo" paghihingi ko ng pasensiya.

"Its okey. basta huwag ka na ulit sumama sakanya. hindi mo alam kong anong tinatakbo ng isip ng lalaking iyon. One more thing crizhel, please be honest to me." saad niya tsaka niya itinuloy ang pagsubo ng kanyang pagkain.

Napaisip naman ako sakanyang sinabi. siguro nga dapat sinabi ko nalang ang totoong nangyari.

"Ranz." saad ko pero hindi ko parin siya tinitignan.

"Oh?" Sagot niya habang kumakain.

"Hinalikan niya ako." diretso kong saad at ipinagpatuloy ang pagkainko. ayoko siyang tignan dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya.

"Pardon??"wika niya tsaka niya ibinaba ang kutsarang hawak niya.

"Hinalikan niya ako." Sagotko pero hininaan ko lang ang pagkasabi sakanya.

"ANO??!!" Napatayo pa ito na parang nahigop na ng kanyang sistema papunta sa kanyang utak ang aking sinabi.

"I said he kiss me!!" this time tinignan ko na siya at inihinto ko na ang pagkain.

"Hinalikan ka niya?? Sa paanong paraan? paanong nahalikan ka niya? diba sabi mo nag-usap lang kayo? bakit napunta sa halikan?.." Bigla siyang huminto sa pagsasalita at lumakad palapit saakin. umupo siya sa tabi ko at tinignan ako.

A thousand years for usWhere stories live. Discover now