Carrot to Siarah: meet them

17 3 0
                                    

Crizhel POV.

Nagpaalam ako kay ranz na siya na muna ang magbantay sa condo ko dahil bibili lang ako ng mga lulutuin ko mamayang gabi dahil magpapalipas ng gabi si ranz sa unitko.

Gusto niyang sumama sa pagbili pero nagprotesta ako na bantayan nalang niya at linisin ang condo ko. Wala naman siyang nagawa dahil ako ang amo niya pagdating sa mga bagay na ito.

Naglakad lang ako papunta sa super market dahil malapit lang ang mall dito sa aking condo.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa supermarket. kumuha ako ng isang cart at dumeretso na ako sa mga bilihan ng vegetables.

Chapseuy kasi ang pinili ni ranz na lutuin namin dahil bukod sa masarap ito ay paborito kase ni ranz ang gulay kaya nasasarapan siya lalo sa pagkain niya.

Nasan na ba yung carrots bakit parang wala akong makita ni isa. Lumingon ako sa ibat-ibang direksiyon upang makita ko kung nasaan ang carrots.

Nagulat ako nang mapalingon ako sa gilid ko. Yung private nurse ko to ah. Oo siya nga! di ako nagkamali. Ano kayang ginagawa niya dito.

(A/n: Haller!! Nasa supermarket ka. Baka siguro gagamutin niya ang isa sa mga saleslady. hayy! Ewan ko sayo!)

"Ohh, Hi Ms. Medina. How are you?" wika niya habang inilalagay sa cart ang isang Box ng gatas.

"Okey naman Doc." sagot ko. Napansin ko ang gatas na inilagay niya sa kanyang cart. Gatas para sa buntis?? huh?? may asawa na pala eh.. Haha. eh ano naman ngayon. pffftttt!!

"Doc?? Nurse lang ako ano ka ba Ms. Medina." sagot niya na natatawa

"Huh? Doc ba yung sinabi ko?" kunot noo kong tanong sakanya. Doc ba talaga yung sinabi ko? naku!! yan kase kung ano-anong nasa isip ko..

"Oo. Pero never mind. Mas gusto ko yung Doc mas bagay. Doctor Jared Kyrie" natawa naman ako sa sinabi niya.

"Okey Doc Jared" tsaka ko siya nginitian. siguro nasa edad 23+ lang siguro talaga siya.

" Sige Ms. Medina, mauna na ako." wika niya

"Sige Doc." sagot ko tsaka na ako tumalikod at hinanap ang carrots na kanina ko pa hinahanap.

"Ms. Medina!"

Napalingon ulit ako sa sumigaw mula sa likuran ko. Si Doc pa pala.

"Siya nga pala, about doon sa dinner sana natin. You know,,amm..the lasagna thing." tila nag aalangan siya sa pagsabi nito.

Naalala ko bigla ang nangyari sa ospital noon saamin ni ranz. Oo nga pala!! siya yung dahilan kung bakit gutom na gutom ako at nadamay ko pa si ranz. Naku!! nakalimutan ng brain ko yun a!

"Ahh yun ba? naku okey lang, alam ko naman na busy ka at baka may duty ka noon sa ospital." pagsisinungaling ko sakanya. hindi ko naman pwedeng sabihin na naghintay ako noh.

"Sorry ha. But dont worry, ill cook food for you next time pagpunta ko sa bahay niyo" ngiti nito saakin.

Ano daw?? pupunta siya sa bahay namin?? for what??!

"Ha? Sa bahay?" tanong ko sakanya.

Lumapit naman ito saakin habang hatak hatak niya ang kanyang cart.

"Hindi ba na inform sayo ni Sir Leonardo? may check up ka this coming monday." wika nito

Napakunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi.

"Monday?? seryoso?? eh orrientation namin sa university. Opening sa second semester." sagot ko sakanya. anong ibig niyang sabihin? mag aabsent ako? excuse me!! No way!! I am the president of college in Accountancy business management.!

A thousand years for usWhere stories live. Discover now