Mr. Cassanova's Lie

11 3 0
                                    

Jared POV.

"Hoy Jared bakit anong nangyari sayo??" sigaw ni Siarah mula sa labas ng pintuan ng CR habang katok ito ng katok.

"Maliligo na ako! ano bang problema mo? siya nga pala umuwi ka muna sa condo mo at magbihis ka ng maayos!! Ang laswa ng short mo!!" sigaw ko sa kanya habang linalagyan ng toothpaste ang aking toothbrush

"Hoy Mr.!!! Hindi malaswa ang short ko!! fasion to noh!! tsaka hindi ako uuwi hanggat hindi tayo nag-uusap!" sigaw ulit niya. Ang kulit talaga ng babaeng to!

"Nag-uusap na nga tayo oh!!" pabiro kong sagot sakanya.

"Langya ka Jared!! gusto ko yung masinsinan na pag-uusap hindi ganito!!" mas nilakasan pa niya ang pag sigaw mula sa labas ng pintuan.

"Oo na!! maghintay ka na lang diyan!! dapat fresh ako bago maki pag-usap sayo, baka mamaya gagawan mo ako ng kalaswaan gamit yang napakaikling short mo!!" mas diniinan ko pa ang pagkasabi ng huli kong salita sakanya.

"Paglabas mo diyan talagang tatadjakan kita!!"saad nito. narinig ko rin ang kanyang pagyabag palayo sa pintuan, tila nainis na ito.

Natawa na lang ako sakanya.

Ilang minuto lang ay lumabas na ako sa Shower room. siguro kalahating oras ang nagugul ko sa paliligo. Ganun kase ako lalo na kung galing ako ng duty sa ospital, hindi lang kalahating oras kundi isang oras.

Nagulat ako dahil pagtingin ko sa kama, tulog na tulog na ang babaeng kanina lang ay nakikipag protesta.

Lumapit ako sakanya. I kneel down to see her face. Long eyelashes, matangos na ilong, at ang nagpapahumaling saakin ay ang kanyang mapupulang labi.

Hinawi ko ang ilang hibla ng kanyang buhok dahil nakaharang ito sa kanyang mukha.

Naiinis ako sa malanding adrenaline na tumatakbo sa aking katawan. Bigla kong naalala, nakatuwalya lang ako kaya half naked ang pangangatawan ko.

Tila may sariling buhay ang aking labi dahil unti-unti na itong dumampi sa kanya.

Napakalambot nito. sh*t bakit ganito?? ramdam na ramdam ko yung labi niya.

Nagulat ako ng iminulat ko ang aking mga mata, kita ko ang mga mata niyang titig na titig saakin.

Magsasalita sana siya pero hinalikan ko ulit siya dahilan para itulak niya ako.

Napahiga ako sa sahig kasabay ng unti-unting pagkalaglag ng tuwalya mula saaking katawan.

"What the h*ck Jared!! get that f*ckng towel of yours!!" sigaw niya habang tinatakpan niya ang kanyang mukha gamit ang kanyang dalawang palad.

"Bakit mo naman kase ako itunalak?" natatawa kong saad sakanya. habang isinuot ang nahulog na tuwalya mula sa sahig.

Tumayo ako at kinuha ang damit ko mula sa kama at agad na dumeretso sa CR upang magbihis.

Ilang minuto lang ay lumabas na ako.

Kunot noong nakatitig saakin si siarah habang naka upo sa kama. Tila nag hihintay ng sagot.

"Oh?? bakit ka ganyan makatitig??" tanong ko habang pinupunasan ang basa kong buhok gamit ang tuwalya.

"Bakit mo ako hinalikan??" tanong nito saakin.

"Bakit? hindi na ba pwede?" Balik kong tanong sakanya. Tila nainis naman ito sa sinabi ko.

"Jared ano ba talaga ang meron sa ating dalawa?" tanong nito na tila nagugulohan na.

Ano bang meron sa aming dalawa? Hindi ko rin alam pero masaya akong kasama siya.

Napatigil ako sa pagpunas ng aking buhok ng Bigla kong naalala, ilang buwan na lang at magiging ama na ako. Tila nagbago ang pakiramdam ko ng maalala ko iyon.

A thousand years for usWhere stories live. Discover now