Doctor's Friend to Enemy

12 3 0
                                    

Crizhel POV.

Pagdating ko sa aking condo ay agad akong dumiretso sa kusina upang i prepare ang lulutuin namin ni ranz.

"Ranz tulog ka na naman siguro!! Bumangon ka nga at tulungan mo ako dito!!" Sigaw ko kay ranz mula sa kusina dahil siguraso ako, nasa kuwarto ko na naman yun natutulog.

"Hoy ranz sigeh ka, Kapag ito naluto ko hindi kita papakainin!!" Sigaw ko ulit. pero ni isang sagot mula sakanya ay wala akong natanggap.

Kumuha ako ng tubig mula sa refregirator dahil nauuhaw ako. Pagtingin ko sa ref ay napahinto ako dahil may papel na nakadikit dito. kinuha ko ito at binasa ang nakasulat.

Zhel,
Mauna na muna ako, tumawag kase si daddy pinatatawag ako ng lolo. sorry zhel bawi nalang ako mamayang gabi :) tatawagan sana kita pero nakita ko yung cellphone mo sa kuwarto mo kaya i just leave a note for you. Sige love you
RanzBabe

Natawa ako sa inilagay niyang RanzBabe, para kaseng bakla.hahaha

Ilang sandali lang ay Napawi ang saya mula sa aking labi ng mapansin ko ang mga nakalapag na ingredients na lulutuin sana namin ni ranz.

Bakit kaya siya pinatawag ng lolo niya. Nacucurious ako. Kase kapag yung lolo na niya yung nagpatawag sakanya ay mayroon na naman ito ipapagawa kay ranz.

Well, nakakatakot kase yung lolo niya eh. Minsan noong nagmeet kami muka siyang gangster!! basta!!! Hmmm.. Sabi ni ranz 76 na yung edad ng lolo niya. Pero parang nasa 60 lang siya kapag titignan. Bukod sa isa itong business man, strikto din siya. Kaya nga lahat ng ipinapagawa niya kay ranz eh pinuporsigido niyang taposin.

Iniligpit ko ang mga gulay na binili ko kanina at nagpasiya nalang akong lumabas at kumain sa may restaurant.

Nawalan na din naman ako ng ganang magluto kaya nagbihis na ako at nagtungo sa mall.

Minabuti kong kumain nalang sa Jollibee. Miss ko na rin namang kumain dito. Noong bata kase ako,dito ako palaging dinadala ni nanay fely at tatay Don. But that was before. ngayon kase eh minsan na lang kaming magkita kita.

Nag order na ako sa counter. Pinili ko nalang na kumain ng 2pc chicken joy at sinamahan ko ng fries at sundae.

Pagkakuha ko ng aking order ay agad akong humanap ng mapuwe-puwestohan na upuan. Liningon ko na lahat lahat pero walang bakante. Kapag minamalas ka nga naman!!

"Excuse me," nilingon ko ang nagsalita mula sa likuran ko at laking gulat ko ng mapagtanto kung sino siya.

"Oh, Doctor Padington!" Saad ko sakanya.

"Hello Ms.Medina, nice meeting you again." bati niya saakin.

Nginitian ko na lang ito at tinalikuran kasabay ng paghanap ko ng mauupuan.

"Ms. Medina,wanna join me on my table?? Its look like there is no vacant sit" alok niya saakin.

"Wala ka bang kasama Dr?" tanong ko. baka kase mamaya may kasama itong babae eh pagkamalan pa akong mang aagaw ng date. este mang aagaw ng upuan.

"Dont worry wala akong kasama. so, come on. Nandoon yung table natin" tsaka niya itinuro ang bakanteng mesang katabi ng glass window.

Habang kumakain kami ay tingin siya ng tingin saakin. Bakit kaya? may muta kaya ako? o di kaya naman baka may catchup sa bibig ko? naku nakakahiya kapag ganun. tumingin muna ako saglit sa window glass upang tignan ang mukha ko sa reflection ng salamin. Wala naman akong nakikitang maki sa mukha ko kaya ipingpatuloy ko nalang ang pagkain.

Kain doon.kain dito. Kuha ng fries. kuha ng chicken.ohh heaven!!

"Ang lakas mo palang kumain."

Napahinto ako sa nilalamutak kong pagkain tsaka ko siya tinignan.

A thousand years for usWhere stories live. Discover now