Flying Back?

8 3 0
                                    

Crizhel POV.

Alas Dos na ng madaling araw pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Gising na gising parin ang diwa ko. Marahil ay dulot na ng mga kung ano-anong iniisip ng utak ko.

"Im flying back to California" tila kutsilyo na tumutusok sa aking puso ang katagang kanyang sinabi saakin. I feel pain inside me na unti-unting pumapatay saakin.

Eto na naman siya. Iiwan na naman niya ako. Matapos niya akong pangakohan na hindi na niya ako ulit iiwan pa. Ramdam na ramdam ko ang sakit mula sa aking systema. Maging ang katawan ko ay gusto nang bumagsak.

Iniisip ko kung paano ko kakausapin si Ranz. Wala akong alam na gawin kundi ang isipin ang mga sinabi niya kanina. Naputol lang kase ang tawag dahil bigla na lamang itong nag out of coverage nang tawagan ko ulit siya.

Naupo ako mula sa pagkakahiga ko kanina. Titig na titig ako sa kisame ng aking condo. Out of nowhere, bigla kong naalala yung sulat ni ranz saakin kahapon kaya dali-dali akong lumabas ng kuwarto upang magtungo sa kusina.

Kinuha ko agad sa mesa yung sulat kamay ni ranz na idinikit niya sa ref. tsaka ko ulit ito binasa,

Zhel,
Mauna na muna ako, tumawag kase si daddy pinatatawag ako ng lolo. sorry zhel bawi nalang ako mamayang gabi :) tatawagan sana kita pero nakita ko yung cellphone mo sa kuwarto mo kaya i just leave a note for you. Sige love you
RanzBabe

Alam ko na!! Alam ko na kung bakit babalik siya ng california!! Dahil na naman ito sa Lolo niya!! Palibhasa kase sunod-sunoran siya sa lolo niya!!!Pakana na naman niya to sigurado ako! Last time noong iniwan ako ni ranz, ganitong ganito rin yung eksena noon!! Hindi na ako magtataka pa!

Napaupo nalang ako sa isa sa mga stool ng bar counter sa aking kusina. Minasahe ko ang aking sentido para kumalma ako pero mas naging hypher ang kuryusidad ko na kausapin si ranz at malaman ang dahilan niya sa pagbalik sa california.

Inilapag ko ang sulat sa mesa ng bar counter at nagtungo ako sa aking kuwarto upang magbihis. Kinuha ko din agad yung jacket na nakasabit sa pintuan ng aking kuwarto tsaka ko binuksana ng cellphoneko na ngayon ay hawak-hawak ko na.

Tatay Don-0950*******

Tatawagan ko na sana siya dahil papahatid sana ako kina ranz pero ginising ako ng katangahan ko.

"Hoy Crizhel!!Alas dos ng madaling araw, malamang tulog si tatay Don" sa isip ko na tila kausapko.

Hindi pwede to. Kailangan kong makausap si ranz ngayon!! Hindi ako papayag na iiwan na naman niya ako ng walang paalam!! Naiinis na ako!! Kung pwede lang kase na ako nalang yung magdrive ginawa ko na!! Yung magaling ko kaseng Tatay, ayaw akong bigyan ng cotse at pagamitin dahil bata pa daw ako!! Pwede ba yun?? eh yung iba nga diyan 18 palang may sarili ng cotse.!!

Si coleen kaya tawagan ko.? Naku huwag na!! Baka ikamatay ko pa kung siya lang din naman ang magdridrive. Last time kase ninakaw namin yung cotse ng tatay niya tapos naglakwtsa kami at bumangga yung cotse sa puno kaya yun nga halos patayin kami ng sermon!!Hayy basta kailangan ko ng masasakyan ngayon!! May taxi ba sa oras na to?? Naiinis na talaga ako!! Ilang sandali nalang Sasabog na talaga ako!!

"Anytime. Free naman yung cotse ko. just call me Ms. Medina" Napasok naman sa isipan ko yung sinabi ni Jared saakin kanina nang maihatid niya ako dito sa aking condo.

Nag-ilawan bigla ang bumbilya sa aking ulo. Oo tama!! Si jared nga!! Kailangan ko siya para ihatid niya ako kina ranz.!! Oo tama!! Ang galing ko talaga!!

Oo nga pala!! ERASE!!ERASE!!ERASE!! Si Jared ay isang manyakis!! Ayoko sakanya baka kung ano pang gawin niya saakin. Tsaka wala pala akong number niya.

A thousand years for usWhere stories live. Discover now