Hello sa nagbabasa nito. Gusto lang kitang pasalamatan na naglaan ka nang oras para mabasa ito. Every reads is like a token of success to me because its like a ticket to success for me.
Ayon lang, maraming salamat ulit. Enjoy!
-
September 06, 2016 - Tuesday
Sunset
Nilamutak ko ang papel na ibinigay saakin ni Stefen nang mabasa ko ito sa sobrang inis. Kahapon pa ako binibwisit nang lintik na lalaking iyon! Kung pwede kolang siyang patayin at sakal-sakalin baka matagal konang ginawa.
Dear Cassandra,
Hello baluga! Alam mo bang sobrang saya ko kahapon dahil ikaw ang nakatabi ko sa unang araw ko dito sa school niyo? Nag-eenjoy talaga ako kapag nakikita kitang napipikon at napapagalitan nang dahil saakin. Biruin mo sa dami nang section na pwede kong pasukan sainyo pa ako napasok? Sobrang saya ko talaga dahil doon. Kamusta nga pala ang pagpunta mo sa office ni Ma'am? Nabalitaan ko pinaglinis ka raw niya nang CR ah? Nakakadiri! Pero ayos lang yan, alam mo namang dun rin naman ang bagsak mo kapag nakapagtapos ka nang highschool e. Janitress! Osige na, alam ko namang pagkatapos mo itong basahin tatakbo ka saakin para ipagtapat ang nararamdaman mo eh! See you,Mah Darlin' Muah!
Grabe ang kapal nang mukha nang lalaking iyon kung tutuusin! At anong janitress? Baka gusto niyang palamunin ko siya nang mop! Walanghiyang lalaking iyon parang pinakain nang maraming pwet nang manok. Angkapal nang mukha kahit na ang panget-panget! Mukhang kukong patay na may ingron at nana! Nakakabwisit!
"Tol bat ganyan mukha mo? Para kang natatae na nauutot na gutom." Bigla nalang nagpakita sa harapan ko si Dave.
Tinaasan ko siya nang kilay. "Buti naman hindi kana mukhang bilasa ngayon." Kumento ko.
Inakbayan niya ako at ginulo ang buhok ko. "Syempre goodboy nako ngayon tol!" Sigaw niya saakin.
Itinulak ko siya at inayos ang nagulo kong buhok. "Tangina tol, alam mo bang ilang oras ang ginugugol ko sa pag-aayos nang buhok ko tapos guguluhin molang? Uluhan kaya kita." Irita kong sabi sa kaniya.
"Mah Darlin." Napatingin kaming dalawa sa sumigaw at biglang kumulo ang dugo ko.
Hindi ko siya pinansin at bumaling nalang kay Dave. Letcheng lalaki ito, sisigaw-sigaw pa. Akala mo naman ang ganda ng boses walanghiya! Sarap sapak-sapakin e. Nakakabad trip naaalibadbaran ako sa tuwing makikita ko ang pagmumukha niyang iyan!
"Nasan si Estella tol?" Tanong ko kay Dave at hindi pinansin ang paglapit ng shokoy na lalaking iyon.
"Nasa bahay ni Anika,tol. Punta tayo?" Yaya niya saakin.
Umiling ako. "Ayoko tol, nag-aaral nakong mabuti." Proud kong sagot.
Tumawa siya at tumingin saakin na parang hindi naniniwala. "Ikaw tol? Si Cassandra Fernandez nag-aaral nang mabuti? Walanghiya! Pak na pak!" Sagot niya.
Hinampas ko ang braso niya at tumawa. "Jusko day. Maniwala ka sa akes." Sagot ko na parang baklush.
Hinampas niya ang kamay niya sa hangin at inipit kunyari ang buhok niya at pumameywang pa na parang nagmomodel. "Ay day! Gogora na akech. Seeya leytah!" Sagot niya at nagcatwalk pa habang naglalakad paalis.
Umiiling ako habang tinitignan siyang paaalis. At ang loko nagwave pa na mala-beauty pageant bago lumabas nang gate! Minsan talaga naiisip ko na bagay sa kaniya ang maging bakla. Bumigay na ata ang utol ko!
BINABASA MO ANG
Isang Linggong Pag-ibig (Short-Story)
RomanceNagmahal ka ng isang linggo at pagkatapos noon ay iniwan ka na niya. Kahit na isang linggo lang iyon, hindi ka makamove-on. Magkakaroon pa kaya ng second chance ang inyong storya? O magiging isa nalang itong ala-ala?