All rights reserved ©2016 by LoveMishap
"Ang nakaraan ay tapos na, ibig sabihin, ito'y isang bahagi nalang ng iyong buhay, pwedeng gawing salamin o ito'y tuluyang ibaon at kalimutan."
⚜⚜⚜
Third Person POV
"Tarantado ka talaga, Aldrin!" tawa-tawang sabi ni Luciano Montevarra sa kaibigan nitong si Aldrin Buenaventura. Matagal narin silang magkaibigan. Magkaklase sila nung gradeschool hanggang highschool, ngunit lumipat siya sa Tuao nung nasa third year na ito. Ngayong kolehiyo na, saka na naman ulit sila nagkita.
His parents were living in Tuao since mayor ang daddy nito at lawyer din ang mommy niya, na kaibigan ng mommy ni Luciano. Nagsimula ang pagkakaibigan nila nung ipinagtanggol siya ni Aldrin sa mga nambubully kay Luciano. Luciano used to be timid, shy guy, hanggang sa napasama ito sa grupo nila Aldrin na puro bulakbol at kalokohan, he changed a lot.
Nilingon ni Aldrin ang paparating na dalaga saka ngumiti. Nakangising nilingon naman ni Luciano ang direksyon ng tingin ng kaibigan at napataas ang kilay nito ng makita ang magandang dalaga na hindi nalalayo sa edad nila. Nakamini skirt ito at tight fitting tee na humubog sa maganda nitong katawan. May maputi itong balat at ang mga mata hindi typical brown na kulay ng mga pinoy. Sa isip ni Luciano, may halo itong ibang lahi dahil sa abuhing mga mata.
"Hi, babe!" sinalubong ni Aldrin ng halik ang dalaga at para naman itong chimpanzee na kumalambitin sa kaibigan niya. Natatawa at umiiling nalang na nilagok ni Luciano ang beer nito, habang pinapanood ang dalawang walang hiyang naghahalikan sa loob ng beer house, na pag-aari din ng isa nilang kaibigan. Kahit na ng may mga nagsipulan, hindi parin naghiwalay ang dalawa.
Naghiwalay lang ang labi nila ng kinapusan ang mga ito ng hininga. Nakapulupot parin ang mga kamay ni Aldrin sa beywang ng dalawa ng humarap ang mga ito sa kanya.
"Babe, I want you to meet my best friend, Luciano Montevarra!" nakangiting pagpapakilala ni Aldrin. Tumayo naman si Luciano para abutin ang kamay ng dalaga na ngiting-ngiti.
"Daniella Bovarin," pagpapakilala nito. Napatingin bigla si Luciano kay Aldrin. The famous billionaire Bovarin's daughter in front of him, and he didn't like the idea his best friends screwing her. He knew the Bovarin are heartless.
"Nice meeting you," maarteng sabi ng dalaga na tinanguan lang ni Luciano. Sunud-sunod na ang pag-inom ni Luciano at pilit niyang iniiwasang tumingin sa dalawa lalo na sa dalaga na paminsan-minsan niyang nahuhuling nakatitig sa kanya ng malagkit.
Nang mag-excuse ang dalaga para magCR, biglang hinarap ni Luciano si Aldrin.
"Are you fvcking serious?" galit nitong sita sa kaibigan na medyo tinamaan narin ng alak.
"What are you talking about?" nagtatakang tanong ng kaibigan nito.
"I mean, her!" Luciano pointed at the direction where Daniella disappeared. "If you are just playing around, screwing her then dump her, you better think, Aldrin!" inis na sita ni Luciano rito.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Game (Black Omega Psi Series 1)
RomanceCOMPLETED WARNING: CONTAINS MATURE SCENES, EXPLICIT LANGUAGES, INTENSE SEXUAL OR GRAPHIC VIOLENCE, NOT SUITABLE FOR MINOR READERS. Except: Sinisiguro ko sayo, zaya. Pag ikaw sumuko sa kamanyakan ko, hanap-hanapin mo ako. Parang gusto ko tuloy...