Ang Pagpapakilala

3.2K 47 1
                                    

All Rights Reserved ® 2013

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

GISELLE'S POV

May mga bulung-bulungan sa barangay namin na may haunted daw na diary. Which means di naman ako naniniwala. Kasi what on earth pati ba naman diary haunted pa? Sobrang daming gamit sa mundo ay diary pa ang napili. Kaya naman ang mga kaibigan ko ay tinitingnan pa nila ako as weirdo. As always, yan ang pinag-aawayan naming magkakaibigan. Lagi na lang kami nagkakaroon ng kontrobersiya na "away-bati" kami ng mga kaibigan namin dahil lang sa Diary nito.

Ako nga pala si Giselle. Isang senior batch ngayong S.Y. 2013-2014. Ang pangalan ng school namin ay Basiao National High School. Pasensya kana kung lagi kaming magkaaway ng mga kaibigan ko dahil sa isang diary. Dahil hindi namin ito matukoy kung totoo ba o hindi. Yung iba kong kaibigan ay naniniwala. Yung iba naman hindi. Kaya, halika! Sumama ka sa amin para malakbay natin yung totoo.

Nasa classroom kami noong nag-argue kami dahil nanaman sa haunted diary. "Ano ba? Hindi ba kayo titigil diyan sa haunted diary na yan? Lagi na lang kayo napapa-principal's office dahil lang sa pagdudumugan niyo!" Galit na sabi sa amin ni Brixtina, ang Class President namin at gayundin ay isa sa mga kaibigan namin.

Tumigil na kami sa paga-argue sa diary. Nagbati-bati na rin kami. Pero nag-desisyon kami na magtanung-tanong sa mga kaklase namin tungkol sa diary na sinasabi nila. Yung iba ang sabi ay may madilim na nagbabalot sa diary na ito, yung iba naman ay ninakaw daw ang diary niya at tinapon at finlush sa cr, yung iba naman ang sabi ay kasama niya ang diary niya noong nagpakamatay siya. Sa iba't ibang sagot ay naguluhan kami. Hanggang sa tinanong namin ang pinakamatagal na guro sa school namin.

Ang pangalan nito ay si Ma'am Aguihap. Tinanong namin siya tungkol sa diary. "Ma'am ilang years na po kayo dito?" Tanong namin sa kanya. "15 years na ako anak. Bakit?" Tanong nito sa amin. "Ma'am gusto lang po sana kayo tanumgin tungkol sa haunted diary na laging bulung-bulungan dito." ang sabi namin dito. "Naku, anak! Hindi ko alam iyang sinasabi ninyo. Tanungin niyo si Mang Palito tungkol diyan sa diary na sinasabi niyo. Mas matagal siya dito kesa sa akin. Siguro mga 44 years na siya nandito." sabi nyang ganun na may halong pagkagulat.

"Ha? 44 years? Ilang taon na po siya?" ang tanong namin na may pagtataka. "Anak, 64 years old na siya. Pagkatapos niyang mag-graduate ng high school ay nag-apply siya kaagad dito sa eskwelahan na ito na itinayo pa noong 1969." trivia pa sa amin ni Ma'am. "Aaahhhh..... sige po thank you po." sabi namin na tila hinihikab na sa kaka-trivia sa amin ni Ma'am. Sa totoo lang ay ayaw naming tanungin si Mang Palito dahil sabi ng karamihan ay "unapproachable" daw siya. Isa siyang janitor sa school namin. Kaya naman parang hindi mo rin ito makausap dahil sa itsura nito.

Naalala ko dati noong sinabihan niya kami na umalis sa cr dahil daw naglilinis siya. Nainis ako sa pagsagot niya sa amin. Kaya nasagot ko din siya ng pabalang. Noong hindi niya ito nagustuhan, pina-principal's office niya kami at uma-acting siya na kunwari umiyak siya. Kaya simula noon kapag parating na siya sa cr, lumalabas na ang lahat ng tao. At may duda din akong may itinatago siya sa isa sa mga cr.

Sinubukan namin siyang tanungin nung bigla niya kaming sinigawan na, "Umalis kayo dito! Wala akong panahon para sa mga tanong! Iwanan niyo ako ditong mag-isa." Ang pagwawala niya sa mga estudyante. Nagsitakbuhan kaming lahat sa sobrang takot na idinulot sa amin ng sigaw ni Mang Palito.

Kaya naman nag-isip kami ng plano na sa Sabado ay pupuntahan nila si Mang Palito sa bahay niya. Kaya naman nagkasundo ang magkakaibigan. At syempre may halong takot silang nararamdaman sa kanilang gagawing plano. Gumamit din kami ng radar para ma-detect namin ang bahay niya.

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

To be continued...

Haunted DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon