HuHu

85 1 8
                                    

Huhu agad. Simula pa lang. Pati title, huhu din.

Dalawa ang dahilan kung bakit HUHU ang title ko kasi para sakin, ang mga nalaman ko sa araw na ito ay nakaka-HUHU talaga.

yung kakagising mo lang tas pagbukas mo ng FB, etong dalawang to ang pinaka... pinaka. afjswnjfrngfsfvndzsfnwaSDc -__________-

Unang nakaka-HUHU..

MAY POSSIBILITY NA KASAMA ANG FT ISLAND SA DREAM KPOP FANTASY CONCERT 2 OR DKFC2. Bakit ko nasabi? Kasi may nagsabi dun sa isang kpop page na sana daw andun yung FT Island or CN Blue sa DKFC2, kasi kung ganun daw, she'll push the SVIP thingy. AT ANG REPLY ng page? Dapat daw ipush niya yung SVIP thingy. And isa daw sa mga nabanggit sa bands ang kasama dun.

So it means na may possibility talaga na kasama sila. BIG POSSIBILITY. Actually, di yun ang nakaka-HUHU. Ang nakaka-HUHU dun eh DI AKO MAKAKAPUNTA dahil bukod sa  WALA PA KONG PERA, nasa CEBU ako, ayaw pa akong payagan ng nanay kong pumunta ng Manila! Sakit sa bangs! Next year pa ako gagraduate ng college kung kaaawaan ako ni Lord. Bente pesos palang ang ipon ko since kakastart ko lang sa pag-iipon. Di ako aabot ng airport nito. Pwede bang wag muna? Huhu possibility palang naman eh. Pwede namang CN BLue yun.

If ever ma push ito, NGA NGA.

Pangalawang nakaka-huhu. actually, di masyado. XD

Yung isang bias ko sa Infinite, he dated an ulzzang. We'll di ko alam kung sila pa ba ngayon o hindi na.

Medyo nakaka-HUHU yun, pero you know what's the funny part? Hindi ako masyadong nasaktan. Funny right? Sige, matawa kayo XD

Hindi man lang ako naiyak. HAHA ewan ko ba. Handa na ata ako sa possibility na yun. PERKS OF HAVING A LOT OF BIASES, EH? HAHAHA Siguro dahil marami akong bias sa group nila kaya di masyadong masakit. May reserba. XD

okay, hindi yun ang point ko. HAHA

Siguro mas mahal ko lang si Jonghoon kesa kay Myungsoo. KAsi nung may nalaman ako kay Jonghoon na heartbreaking din gaya nito, mas naiyak pa ko nun kaysa ngayon. Literal na naiyak ako. Daig ko pa hiniwalayan ng jowa. Tsk tsk.

Kung kay Jonghoon siguro mangyayari yun, ewan ko nalang. Nervous breakdown siguro ang kalalabasan ko. XD

Pero kung mangyayari yun, wala tayong choice kundi tanggapin yun. Okay lang kahit di tayo maging masaya sa kanila. Kasi kahit anong pilit mong maging masaya ka para sa kanila, hindi mo kaya. HAHA kasi masakit. But if that's what makes him happy, i'll let him be. Yeah, as if i have a choice. Just because i don't want him to have a girlfriend, doesn't mean he can't.

Kung magkaka girlfriend man ang mga heroes natin, sana hindi natin i-bash yung babae or yung company or kung sino man ang maisipan nating i-bash dahil lang in a relationship na si Bias. Behave sana tayo. Wag sana tayong mang-aaaway. Umiyak nalang tayo. HAHAHa mukha akong shunga.

De, pero di parin maaarok ng isip ko kung sakaling magkaka jowa ang FT. Di ko gustong isipin. Ayokong isipin. Dadating ang araw na yun pero sana di pa ngayon. Hindi ako handa, EMOTIONALLY.

Parang feeling ko ganito: "Sila na nga lang ang meron ako, kukunin pa."

Ang drama no? Well anong magagawa ko? Fangirl lang ako na nagmamahal at mahal na mahal si Bias. #madramangFangirl.

Yun lang. Ang dami kong sinabi. HAHA

~uninspireddork ♥

PERKS OF BEING A PRIMADONNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon