“Marry the girl you wanna kiss even when you want to kill her."
Dedicated to AubreyLasam
--
/KAI/“Oppa,” ani ni Dada.
Patuloy parin ako sa pagtulong sa kanya sa pagluluto. Alam ko naman kasing paninindigan ni Dasuri ang desisyon nyang hindi tulungan ‘yung bata. Masyadong matigas ang ulo ‘non. Kung ano ‘yung sinabi nya, ayun na ‘yon. Wala ko sa mood para amuhin na naman sya.
“Hmm, bakit?” tanong ko without looking at her.
Nakakatuwa ang batang ito. Kahit sa murang edad alam mo nang maasahan sya. Sya ang naghihiwa ng mga sangkap na kakailanganin namin habang ako naman ang nakatoka sa mismong pagluluto.
“May tanong ako, okay lang po ba?” pansin ko ang paghinto nito sa paghihiwa sabay tingin sa’kin. Mukhang may gusto nga talaga syang malaman mula sa’kin.
“Sure, basta ba hindi mo itatanong kung pwede pa ba kitang pakasalan. May asawa na ko e.” nilingon ko sya at ginulo ang kanyang buhok. Sabay kaming napangiti sa isa’t-isa.
“Mapagbiro ka naman oppa, Haha. Alam ko naman ‘yon. Crush lang kita. H’wag kang masyadong assuming. Hehe.” Eto ang gusto ko sa batang ito. Magaling sumakay sa mga biro ko. Sana ganito rin kadali makuha ang loob ng magiging anak namin ni Dasuri. I’m so excited to spend my whole day with my child.
“Good, I’m happy to hear that. Anyway, ano ba ‘yung tanong mo?”
“Hmm. Tungkol po sa asawa nyo.” Medyo nagaalangan pa sya habang sinasabi ‘yon. Napahinto naman ako sa aking ginagawa.
“Sa asawa ko? Si Dasuri?” ulit kong tanong. Hindi kasi ako makapaniwala. Anong gusto nyang malaman about my wife? Tumango-tango naman sya bilang sagot. “What’s with her?”
“Talaga po bang mahal mo sya? Hindi ka ba napilitan lang na pakasalan sya? Masyado po kasi syang isip-bata para sa’yo. Mukha kasing puro sakit lang ng ulo ang hatid nya sayo.” Bahagya akong natawa sa tinuran nya. Nakakatawa kasing isipin na isang bata ang nagsasabi sa’kin ng mga bagay na tulad nito. Akalain mong napapansin rin pala nya. Haha.
Nagtaka naman si Dada sa naging reaksyon ko. Kumunot pa kasi ang noo nito. “Seryoso po ko sa tanong ko. Bakit ka po tumatawa?”
I tried to calm myself, “Alam ko, pfft, Hindi ko lang kasi mapigilan ang tumawa. Haha. Mukha kasing mas matured ka pang mag-isip kaysa kay Dasuri.” I can’t stop myself from laughing.
“Halata nga po. Kaya nga naisip ko talaga, pinikot ka lang nya. Imposible naman kasing pakasalan mo sya kung nasa matino kang pag-iisip.” Paninigurado pa nito. Huminto naman ako sa pagtawa at nilingon si Dada na may seryosong mukha.
“Siguro nga baliw na ko. Kasi, ginusto kong pakasalan ulit sya sa pangalawang pagkakataon.” Kung kanina pagtawa ang ibinigay ko sa kanya. Ngayon naman isang sincere na ngiti ang namutawi sa aking labi. Napauwang naman ang kanyang mga labi dahil doon. Halatang nagulat sya sa kanyang nalaman.
“Seryoso? D-Dalawang beses po kayong kinasal?! Woah. Kakagulat.” Nginitian ko lang sya sabay balik ng atensyon ko sa aking niluluto.
“Tama ka, sakit talaga sya sa ulo. Madalas kaming mag-away dahil sa pagiging immature nya. Napakaliit na bagay, ginagawan pa talaga ng issue. Pati ‘yung pagseselos nya? Madalas wala sa lugar. Naalala ko pa nga noon pati ‘yung tatlong aso ko pinagselosan nya. Haha.” natawa na naman ako nang maalala ang mga panahong iyon.
“Minsan tuloy natatawa na lang ako imbes na mainis. Pero alam mo kung ano ‘yung mas nakakamangha? Mas gugustuhin kong makunsumi dahil sa mga kalokohang pinaggagawa nya kaysa naman gumising sa umaga na wala sya sa tabi ko. Ganon yata talaga kapag mahal na mahal mo ang isang tao. Magagawa mong tanggapin at yakapin ang lahat-lahat sa kanya. Pati na ‘yung mga pangit na paguugali nya.”
BINABASA MO ANG
BOOK II: Officially Married To My Bias
Fanfiction"A successful MARRIAGE requires falling in love at many times, always with the same person." Book I : Secretly Married To My Bias