APC

33 0 0
                                    

"Oh ano ito? Bakit may kape ako dito? 'to Silvia' hmm... Sino nagbigay nito?" pagtataka ni Silvia habang hawak niya iyon.

"Good Morning! Oh anong problema?" tanong ni Roger kay Silvia.

"Ah eh kasi may naglagay ng kape dito sa table ko, hindi ko naman alam kung sino." sagot ni Silvia.

"Ganon? Ang swerte mo naman baka manliligaw mo? sabi ni Roger  habang papunta sa puwesto niya.

"Secret admirer ganon?" Sana siya yun!  sabi ni Silvia sa isip niya at napangiti siya.

"May kape rin ako dito oh? gulat ni Roger.

"Ikaw rin?" Sayang  "Teka pareho ba ng sa akin ang sa iyo? Ganito rin ba yung cup niyan?" tanong ni Silvia kay Roger at pinakita ang kape niya.

"Oo ganyan din akin, hindi kaya nanlibre si Boss?" hinala ni Roger.

"Ganito kaaga? Eh mamaya pa yun papasok eh." sabi ni Silvia.

"Morning! Oh bakit ganyan mga itsura ninyo?" tanong ni Kyle sa kanila.

"Roger, baka si Kyle meron din." hinala naman ni Silvia at sabay sila pumunta sa table ni Kyle.

"Anong meron ako??" naguguluhang tanong ni Kyle sa dalawa.

"Oh sabi na eh meron ka din nito." tamang hinala ni Silvia sa table ni Kyle at hawak niya ang kape nito.

"Saan galing yan?" tanong ni Kyle kay Silvia.

"Ewan kami nga ni Silvia meron din eh." sabi ni Roger

Habang nagkakagulo kung kanino ba talaga galing ang mga kape nila ay pumasok sa eksena si Rythe.

"Oh ayan na si Rythe baka meron din siya." sabi ni Roger at agad pumunta sa table ni Rythe.

"Ha? Bakit?" tanong naman ni Rythe.

"Teka bakit si Rythe walang kape, tayo meron? Pati si Sean meron, si Rythe lang ang wala sa atin." pagtataka ni Roger.

"Ah yung mga kape kasi ang totoo ako ang nagbigay niyan sa inyo. Tinreat ko kayo." paglilinaw ni Rythe sa kanilang tatlo.

"Ikaw? Bakit??" tanong ni Roger sa kanya.

"Ah token of appreciation iyan dahil sa pag-welcome niyo sa akin dito." sagot agad ni Rythe.

Silvia, Roger at Kyle: ............................................................

"Ah... t-thank you dito............. ang weird niya talaga." pabulong ni Kyle kay Silvia.

"Thank... you dito Rythe!" pasasalamat ni Silvia.

"Wala yun, sige." sabi ni Rythe sa kanila at pumunta agad sa table niya. Pucha? Bakit kasi sinunod ko pa sinabi Iza -_- pahiya tuloy ako.

Pagkatapos nun ay pumunta silang tatlo sa kani-kanilang puwesto.

"Sa totoo lang, hindi ako sanay sa ganyang ugali... may sapak ba yan?" komento ni Roger.

"Grabe! Hindi, baka nahihiya siya sa atin... diba ba nga bago pa lang siya dito?" linaw ni Silvia.

"Ewan ko kung tayo ang kailangan makisama sa kanya or siya eh." komento naman ni Kyle.

"Siya dapat makisama, siya yung newbie eh. Siya dapat ang mag-adjust."

"Oy tumigil na kayo diyan! Tara na't magtrabaho marami tayong librong aasikasuhin oh." pagsaway ni Silvia sa kanila.

Ganon pa rin, kakaiba pa rin yung tingin nila sa akin... haay... buntong hininga ni Rythe habang nag-iisip siya.

More than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon