C6: Beyond Knowing A Person
[Harrison Saige Herrera]
This is my third time to watch Alexis gig. Mas lalo lang akong nagiging interesadong maging parte ng buhay niya sa bawat araw na nakakasama at nakakausap ko ito. She really consider me as a friend already, but I realized that I want more than that.
Katatapos lang niyang kumanta. Bumaba na siya sa stage nang may mga humarang sa kanyang mga lalaki. I understand that they're a fan of hers dahil ganoon sila sa tuwing natatapos kumanta si Alexis. Nakatingin lamang ako sa kanya, sa kanila. Napatayo ako sa kinauupuan ko at napakunot ang aking noo nang makita ko ang isang lalaking humila sa kanya.
"Saige! Sa'n ka pupunta?" Biglang tanong ni Kiel nang sumunod ako kina Alexis. Hindi ko ito sinagot.
"Nasasaktan ako, Jonathan! Ano ba?! Bitawan mo nga ako! Ano bang ginagawa mo dito?!" Rinig kong reklamo ni Alexis kaya nang makalapit ako sa kanila, agad ko hinawakan ang kamay ni Alexis. Napatingin silang pareho sa akin.
"Let her go." Kalmadong sabi ko. Ilang segundo akong nakipagtitigan doon sa lalaki bago nito binalingan ng tingin si Alexis.
"Siya ba?! Siya ba ang bago mong biktima?! Ang landi mo talaga 'no?! Putangina mo!" Sigaw nito saka binitawan si Alexis at tumingin sa akin. "Gago! Kung akala mo makukuha mo si Alexis, nagkakamali ka! Malandi 'yang babaeng 'yan!" Sigaw nito sa akin saka tuluyan nang umalis dahil nasa likuran na nito ang mga bouncer.
Agad kong hinarap si Alexis. Namumula ang mga mata nito. Iba ang inaasahan ko. Akala ko iiyak siya. Pinipigilan niya bang umiyak? Bakit?
"Let it out, Alexis."
Hinila nito ang kamay niya mula sa akin saka lumabas sa bar. Sumunod ako. Hinabol ko ito. Pumasok ito sa kanyang kotse pero bago pa man nito masarhan ang pinto, napigilan ko na ito.
"Punyeta! Iwan mo nga ako!" Biglang sigaw nito.
"Why would I do that?" Inis na tanong ko.
"Kasi malandi ako. Wala kang makukuha sa akin. Umalis ka na!"
Ramdam kong pinipigilan lang nitong umiyak.
"Hindi kita iiwan kahit wala akong makuha sa'yo because in the first place wala naman akong balak na may makuha sa'yo." Seryosong sabi ko dito.
Hinawakan ko ang kamay nito at hinila palabas. Nagpatangay ito sa akin. Hindi ko alam kung paano at bakit pero namalayan ko na lamang na yakap ko na ito. She cried. Hindi ito nakayakap sa akin. Naramdaman ko ang pagkabasa ng aking damit sa parteng dib-dib dahil sa mga luha nito. Hinaplos ko ang buhok nito hanggang sa likod.
"It's okay, Alexis. Everything will be okay."
Lumipas ang ilang minuto saka itong tumingala sa akin. Nagkatitiggan kami. Namamaga ang mga mata nito.
"Bakit mo ito ginagawa?" Tanong nito.
"Dahil gusto ko."
"Bakit?"
Huminga ako ng malalim. Nakapagdesisyon na ako. Sasabihin ko na ang totoo kong nararamdaman sa kanya.
"Gusto kita." Mahinang sagot ko. Lumayo ito sa akin. Napayuko saka muling tumingin sa akin.
"You shouldn't like me, Saige."
"Why?"
Napatingin-tingin ito sa paligid na para bang naghahanap ng sagot.
"Saige, there's more deserving girl out there for you. Not me. Narinig mo na din naman ang reputasyon ko."
"Narinig ko pero hindi ako judgemental na tao para maniwala agad. Let me know you more while courting you, Alexis."
BINABASA MO ANG
When A Good Girl Gone Bad (COMPLETED-EDITING)
ChickLitWhen A Good Girl Gone Bad Written By: invisiblegirlinpink - Penelope Alexis Belmonte is a good girl that gone bad because of the trauma she is dealing with. What will happen if she meets the man who will try his best to help her go back to what she...