Deeper Jairus

4.6K 82 3
                                    

Author's note: This is Jai's POV. Originally si Shar lang sana ang may POV pero mas maganda siguro kung si Jai din :) Enjoy!

 ====================================================

Hi guys! I'm Jairus Reuel Aquino. Gwapo at masayahing tao! Humble ko ba? Joke lang.

Nandito ako ngayon sa isang youth camp na sponsor ng aming church. This camp aims to draw young men and women closer to GOD.

I grew up in family of believers in Christ.

Ngayon nga, ang guest speaker sa harap ay ang gwapong kapatid ko na si Kuya Marco.

"Catching a grenade for someone you love is impressive. However, carrying a cross for those who hate you, now that's incredible!!! For God so loved the world that He gave His only Son, that whoever believes in Him shall not perish but have an everlasting life. (John 3:16)"

I accepted Jesus as my Lord and Personal Savior when I was 13 years old. Mula noon, sinabi ko kay Lord na susunod ako sa kanya.

Nung 13 years old din ako, nakilala ko ang babaeng nagpatibok ng puso ko. Nung una nilalabanan ko pa yung nararamdaman ko para sa kanya. Pero habang tumatagal, lalo ko syang minamahal. Minsan, nakita ko syang nanunuod ng practice, at mula noon hindi na ko tumigil sa pananalangin para sa kanya. Sabi ko kay Lord, kung siya ang kalooban mo para sakin, sana bigyan mo ko ng lakas para malapitan sya.

Pero sa loob ng 3 years, hindi ko yun nagawa. Kasi masyado syang maganda, magaling at matalino, parang ang hirap niyang abutin.

Nakita ko na may mahal syang iba... Kaya mula sa malayo, nakuntento akong tanawin ang taong mahal na mahal ko na may mahal nang iba.

Natapos ang service, at pauwi na kami ni kuya sa bahay. 3 days din kaming nasa camp site, ang dami naming natutunan, super pagod sa mga games and activities, higit sa lahat lalong lumalim yung faith namin kay God.

Umaasa ako na sana maging ok na ang babaeng nagpapatibok ng puso ko.

Walang iba kundi si Sharlene San Pedro. Yes! I am in love with her.

I lay down on my bed and check my phone. Kanina ko pa sya tinetext ah! Bakit kaya hindi nagrereply to!

Gusto nyo bang malaman kung anong name niya ang naka-save sa contacts ko?

To: Prinsesa Ko <3

Message: Hi Shar, nakauwi na kami ni Kuya dito sa bahay. I hope you feel better. Nga pala! Sabi ni Mika may hot air balloon fiesta sa kanila bukas sa Pampanga! Join ka samin! Pupunta kami ng barkada :) sama ka na please! Para rin malibang ka.

From: Prinsesa Ko <3

Message: Ok. Sige po join ako!

Napabangon ako sa reply niya. Totoo ba tong nababasa ko?

To: Prinsesa Ko <3

Message: Seryoso po?

From: Prinsesa Ko <3

Message: Yes. Seryosong seryoso. Di naman ako joker like you eh! Hehehehe. Kita tayo bukas!

Grabe! NAPAKASAYA KO. Nag GM agad ako sa barkada. Sigurado ko magiging masaya rin si Shar bukas. Hindi yata ako makakatulog nito..

=============================================================================

Author's Note: Wala ako sa ulirat ko ngayon! Si NASH din may POV sa mga next chapie... Natuwa ako sa POV ni Jai eh!

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon