Hi ako nga pala si Jm. Labingwalong taong gulang na ako ngayon.
Magmula pagkabata likas na akong mahiyain pero nuong lumakilaki na ako nabawasan naman ang aking pagkamahiyain.
Siguro depende narin sa mga taong nakakasalamuha ko.
Hindi na ako nahihiya pag komportable na ako sa kausap ko.
Hindi ako nagsasalita pag hindi ako ang unang kinakausap. Ganon ako ka mahiyain.
Naiinis na nga yung iba saakin kasi pag may gusto akong tanungin o ano pang pakay sa ibang tao, yung kaibigan ko pa ang pinapakausap ko kasi hindi ko nga talaga kaya, para daw akong pipi o walang bibig.
At higit sa lahat sensitibo akong tao, yun bang akala mo lahat ng kilos ng nakapaligid sayo ikaw ang pinupuna.
Halimbawa dadaan ako tapos may nag uusap, sa isip ko ako ang pinag uusapan nila, yung may mga tao sa likod ko na nagtatawanan, sa isip ko ako ang tinatawanan nila.
Sa klase ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung haharap sa maraming tao.
Reporting! Yan ang bagay na ayaw na ayaw ko. Para rin kasi akong na trauma kasi nung minsan yung katabi ko puna ng puna sa nagsasalita sa harap kesyo daw ang taba nya ganon pinagtatawanan nya pa pag mali ang pagkakasabi ng englis.
Kaya ayaw na ayaw kong magsalita sa harap kasi baka ganunin rin ako.
Kaya minsan ang ginagawa ko pag may reporting umaabsent ako.
Pero minsan naman nag rereport ako, yun bang wala na talaga akong choice. Tinatanggap ko na lang ang kahihiyan. Puro bahala nalang ang nasaisip ko basta mairaos ko ang report na ito.
Sabi nila mahina raw yung boses ko lalo na pag nagsasalita sa harap.
Ewan ko ba sa kanila malakas naman para sa akin yung boses ko pagnagrereport.
Ginawa ko naman lahat para malakas yung pagkakabigkas ko ng salita.
Nakaprogram na yata sa akin na mahina ang boses ko sa skwelahan pero sa bahay naman yung boses ko ang pinakamalakas.
Sigawan dito, sigawan doon. Pag naguusap kami ng kapatid ko o tinatawag ko sila kailangan pa nakasigaw.
Ito yata yung tinatawag nilang dalawang pag uugali. Mabait, mahiyain at mahinhin ako sa eskwelahan pero pag nasa bahay ako para akong halimaw na sigaw ng sigaw. Parati ko pang inaaway ang mga kapatid ko.
Hindi ko ugaling mag I love you, thank you, sorry sa mga magulang ko. Sa kadahilanan narin na nahihiya akong sabihin sa kanila ang nararamdaman ko.
Pagnagtatalo kami ng mama ko, sumasagot ako tapos pupunta sa kwarto ko at magkukulong. Iiyak ng iiyak at syempre hihintayin ko ang mama kong papasok sa kwarto ko. Gayun na ang nakagawian ko.
Hihintayin ko ang mama ko na siya ang unang makipag ayos kasi hindi naman sa ma pride akong tao nahihiya rin ako na ako ang unang makipag ayos sa kanya. Ang samang anak diba?.
Walang gabing pinapalagpas na hindi kami nagkakaayos ng mama ko. Papasok at papasok parin siya para kausapin ako kaya nga confident akong maghintay nalang kasi alam ko rin naman na hindi ako matitiis ng mama ko.
Pero merong minsan na hindi ako kinatok ng mama ko para makipag ayos. Iyak lang ako nun ng iyak at sa isip ko natitiis na talaga ako ng mama ko.
Kaya nakatulog nalang ako sa kakaiyak. Alam kong magkakaayos rin kami ng mama ko pero syempre hindi ako ang mauuna kasi nga nahihiya ako lalo na sa mga pinaggagagawa kong pagsagot sagot sa kanya.
At yun nga nagulat nalang ako kinaumagahan pinansin ako ng mama ko na parang wala lang.
Pag 'ate' na ang itatawag niya sa akin alam kong ayos nayon. Kaya para saakin magkaayos narin kami non.
Sa papa ko naman pag kami ang nagtatalo, pagkatapos non merong mga sandali na hindi niya talaga ako papansinin. Pinakamatagal na ang isang araw. Yun bang pinapakonsensya ka niya. Pero syempre hindi ko nga ugali ang unang makipag ayos. Gaya rin ng papa ko hindi rin yun nakikipagayos.
Sa kanya yata nagmana ang ugali kong ito.
Pag yung tatawagin na nya ako o papansinin at lalong lalo na pag uutusan na niya ako, yun na yung hidwat na ayos na kami.
YOU ARE READING
Ang babaeng si JM
RandomKwento ito tungkol sa aking sarili at yung iba pang kaganapan sa aking buhay. Sa mga magbabasa nito salamat ng marami sa inyo :)