CHAPTER 14 – Class 6B
Amber’s POV:
“Hindi ko talaga lubos akalain na mahirap din pala kayong patayin. I guess, I was wrong to underestimate you. Anyways, mukhang ngayon gabi ang pinakamemorable sa inyo. I hope you enjoy! As I’ve told you, there’s no way out.”
Para akong sasabog na bulkan matapos kong marinig yung boses ni Venom. Kung kaya ko lang akyatin tong napakataas na gate ng Bloodwood University malamang ginawa ko na pero hindi ko magawa. Nilagyan nila ng mga barbed wire sa itaas.
Damn it! Mag-isa lang ako dito at nasaan na ba sila? Sana naman at buhay pa sila. May mangyari lang na masama sa kanila hindi talaga ako magdadalawang isip na pasabugin tong buong academy.
Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako sa classroom namin. Class 6B. Binuksan ko ang pinto at sinilip kung may tao o wala bago ako pumasok. Naglakad ako papalapit sa desk para professor at nakakita ako ng cutter. Perfect!
Hindi kami pumapatay ng tao pero kailangan ko to para maipagtanggol ko ang sarili ko. Naupo muna ako dahil ramdam na ramdam ko ang pagod at sakit ng buong katawan ko.
Nanatili lang ako dun hanggang sa makarinig ako ng mga yabag...
Cassadee’s POV:
“Cass, eto yung classroom natin.” Bulong sa akin ni Knight nang mapatigil kami sa tapat ng room namin.
Napatingin lang ako sa kanya at naglakad na kami papalapit doon. Papasok na sana kami sa loob nang makarinig kami ng ingay mula doon. Napakuyom ako ng kamao ko at nagpalitan kami ng tingin ni Knight. Dahan-dahan niyang binuksan yung pinto at pumasok kami sa loob pero wala namang katao tao.
“Oh my gosh! Thank God, you’re alive.”
Nagulat na lang kami nang biglang may nagsalita. Hinarap namin kung saan nanggaling ang boses at bumungad sa amin si Amber. Nakatago siya sa isang cabinet habang may hawak hawak na cutter.
Tumakbo siya papalapit sa akin at saka ako niyakap ng mahigpit.
"Nasaan na yung iba?" Tanong ni Knight.
“I-I don’t know. Nagising na lang ako kanina na mag-isa lang ako. H-hindi ko pa sila nakikita. Sana naman walang mangyaring masama sa kanila.”
"Walang mangyayaring masama sa kanila, okay?" Paninigurado ko kay Amber habang yakap yakap siya.
Zelo’s POV:
Naisipan naming apat na pumasok sa school building. Nakatago kaming dalawa ni Aldave sa tabi ng locker habang sina Chase at Zico naman ay nagtago sa tabi ng vending machine nang makita namin si Venom na naglalakad mag-isa sa hallway.
YOU ARE READING
Bloodwood Academy: Behave Or Die
Детектив / ТриллерBloodwood Academy #1: Behave Or Die Limang magkakaibigan. Isang misteryosong paaralan. Ano kayang mangyayari sa kanila? May pagbabago bang magaganap sa kanila sa pananatili nila sa Bloodwood Academy? "The remedy is worse than the disease..."