Mika's POV
Tag ulan ang panahon, kaya nandito nanaman ako ngayon sa waiting shed ng school dahil sa nag aantay akong tumila ang ulan. Nakaka letche nga at dahil gabi ang schedule ng pasok ko hindi pa ako nakaka-kain. Ang hirap talaga pag late enrollee ka.
Napapikit nalang ako sa sobrang inis dahil sa tagal ng pagtila ng ulan. Sa kadahilanan na rin na kelangan ko pang makipagsiksikan para makauna sa sakayan ng jeep at medyo malayo layo rin ang destinasyon ng bahay namin. Idagdag mo na rin ang gutom kong tiyan.
Napamulat naman ako ng may humawak sa balikat ko.
"Kanina ka pa nakasimangot, eto oh, Alam kong gutom kana." Nakangiting binigay sakin ni Angel ang cupcake na hawak niya at ngayo'y nilalamon ko na.
"Thank you talaga Angel, kilalang kilala mo talaga ako kahit ilang buwan palang tayo nagkaka kilala." Pagsasalita ko habang nginunguya ko yung pagkain. Ngiti lang ang sinukli niya sa akin.
Sobrang magkaiba kami ni Angel. Di ko nga alam kung paano kami nagkalapit sa isa't-isa. Isali mo pang mas matanda siya ng isang taon sa akin. 2nd year college na ako ngayon habang siya eh 3rd year college. Ayaw niya pang tawagin ko siyang Ate Angel. Mag mumukha daw siyang matanda.
Basta ang alam ko lang eh nagkakilala kami sa choir at kaklase ko siya sa ibang mga subjects, At boom! Parati na kaming magkasama kahit siya yung tipong nerd, walang hilig sa social media's at pag-aaral at pagkanta lang ang alam. Siya rin yung babaeng modernong maria clara. Yung demure at di makabasag pingan na klaseng babae. pano naman kasi nakakahiya yung sobrang pagiging mahinhin niya. Samantalang ako, pwede na akong bigyan ng award dahil sa pagiging friendly ko at sobrang ingay.
Nang biglang napatingin ako sa taong tumatakbo papunta dito sa waiting shed. Lumaki naman ang mata ko sa nakita.
"Shet" napamura ako dahil sa di ko alam anong gagawin ko kung susulong naba ako sa ulan o uupo lang ako dito para antayin yung ka gwapuhan niya.
"Shet, Shet, Shet". Di na ako mapakali dito sa inu-upuan ko dahil papunta sila sa direksyon namin. Oo sila, dahil kasama niya yung bestfriend niya.
kumunot naman ang noo ni Angel. "May problema ba?" Malumanay niyang sambit.
"Ha? Ano! masakit ang tiyan ko, kelangan na nating umalis."
"Teka lang, baka--". Di ko na pinatapos ang sasabihan niya dahil hinablot ko na ang kamay niya para tumakbo para sumulong sa ulan.
"Teka lang miss." Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
"Masyado pang malakas ang ulan. Baka magkasakit kayo niyan, wala pa kayong dalang payong." Nakayuko lang ako at baka makita niya ang pamumula ng mukha ko dahil hinawakan niya lang naman yung braso ko. Yung braso ko lang naman po. Pero Ano ba, letse nalalaglag yung panty ko este nalalaglag yung puso ko.
"Excuse me". Ngumiti naman si Angel sa kanya. Naku, thank you talaga Angel hulog ka ng langit. Sige, kausapin mo muna yung gwapong nilalang na yan.
"Masakit kasi yung tiyan niya kaya kelangan na naming umalis." Binabawi ko nang hulog ng langit si Angel. Hulog pala siya ng Inodoro. Napalunok nalang ako sa sobrang kahihiyan.
"Ah ganun ba, Sige. Ihahatid nalang namin kayo ni Blue sa sakayan." Sabi naman ni Aldrin. Bwesit talaga nakita ko pang tumawa yung gunggong niyang bestfriend sa likod. Sarap sapakin eh. Buti nalang andito si Aldrin kung hindi tinadyakan ko na siya.
"Naku kuya, wag na. Okay lang kami. Malapit lang naman yung sakayan tska ahmm, kaya ko panaman? Hehe". Dinaan ko nalang ng ngiti para matanggal ang panginginig ng bibig at kamay ko. Nginitian niya rin ako pabalik. Peter piper. Bat ang pogi niya talaga. Bakit?
BINABASA MO ANG
It's Either
Short StoryPag-ibig? It's Either you'll grab it or leave it. Sa sitwasyon ko ngayon? Hulaan niyo ;)