One Ok Rock - Chapter 52

113 4 25
                                    





Rock 52


"Did you find it?" I urgently asked them.

Nanghihina at magkasabay silang umiling. Malungkot na pinagmasdan ko sila habang muling lumalangoy sa malawak na pool.

Mabigat ang katawan na napaupo na lang ulit ako. Ganon na ba talaga siya nagpupumiglas palayo sa'kin na maging ang kaisa-isang bagay na pinanghahawakan ko sa kanya nawala pa?

Is this a sign that we're not really meant to be? Baka kelangan ko na talagang tanggapin na wala na.

Can I really let him go?

Kinapa ko yung leeg ko. Nasanay na akong andito yung necklace at ring eh. Para bang hindi buo yung araw ko kapag hindi ko siya nahahawakan. Yun na lang ang meron ako eh, bakit pati yun kelangan pang mawala? Psh! Kung bakit ba naman kasi hindi ko magawang hubarin yung engagement ring este ring na lang pala kasi wala ng engagement.

Bumuntong hininga ako ng napakalalim.

"Tama na. Umahon na kayo," utos ko sa kanila. "Don't look for it anymore."

"Huh? Eh diba mahalaga sa inyo yun miss Shin?" sambit ni Oscar.

Tumayo ako at tinalikuran na sila.

"Let it be. May mga bagay talaga na kelangan ng bitawan. Siguro kelangan ko na lang tanggapin na may mga bagay na panandalian lang. Mga bagay na kapag pinagpilitan sa huli ako lang din ang mas masusugatan."

Kasing bigat ng katawan ko yung mga hakbang ko papasok ng bahay. Wala akong pakialam sa basa kong katawan. Humiga ako sa carpeted floor at gaya ng nakagawian tumitig lang ako sa ceiling. Muling naglandas ang mainit na luha sa mata ko.

I clenched my teeth. Siguro kung makakapagsalita lang yung mga mata ko sasabihin nila sa'king tama na. Tama na kasi pagod na pagod na rin sila. Siguro kung pwede lang makalangoy yung mga luha ko palayo sa mata ko ginawa na nila. Marahil ginawa na nila, kasi kahit sila sawang-sawa ng umagos, mahulog, mabagsak at tuluyang masayang at mamatay.

I close my eyes and try to forget those hurtful memories but, I just can't. I hope it was just as simple as writing something in a board, so that I can easily erase it anytime that I want to. But it's not and I'm so depress. Ever since he left, I became emotionally and physically abused. I can't just take all these pain.

Sabi ko gusto ko silang makitang dalawa. Subalit isa akong hangal, para ko lang pinatay ang sarili kong damdamin. Hindi ko na halos maipaliwanag pa yung sakit na dumurog sa'kin ng makita ko sila.

Hindi ko naiwasang hindi maikumpara yung ako at siya. Noong ako o kami pa ni ayaw niyang mapadikit sa'kin sa harap ng ibang tao. Subalit sila, wala siyang pakialam kahit ang daming mga matang nakakakita sa kanila. Wala siyang pakialam kahit nakikita ko sila. Hindi manlang niya nakuhang isipin ang mararamdaman ko. Ganon na ba talaga ako kawalang halaga sa kanya? Hindi niya ba talaga alam kung gaano kalalim yung halaga niya sa pagkatao ko para saktan niya ako ng ganito? Sana kasi bumusina muna sila bago nila ako sinagasaan..

"A-ayoko na eh!" Umiiyak na sambit ko. "Ayoko na talaga nito!" mapait na bulong ko.

Akala ko kasi babalik pa siya. Sabi niya kasi kapag umalis siya babalik siya. Pero malabo na talagang bumalik pa siya kung nasa piling na siya ng taong mahal niya.

Ano ba namang laban ko sa kanila diba? Kahit 'ata ubusin ko yung yaman na meron kami hinding-hindi ko mabibili kung ano mang meron sila. Pag-ibig. Pagmamahalan. Sila lang yun eh, sa kanilang dalawa lang. Hindi siya katulad ng wi-fi connection na pwede kong konektahan. Lalong hindi sila sauce na pwede kong sawsawan.

ONE OK ROCK: Taka's Maker (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon