HINDI mapigil ni Janina ang guilty sa puso nya, gusto na nyang sabihin kay Alex ang kondisyon nya, pero bakit may parang pumipigil sa kanya na itago nalang ito.
"Bestie, mukhang matamlay ka may problema? Pansin ng binata sa kanya.
" Ha, wala naman, napuyat lang ako siguro kaya medyo masama pakiramdam ko!" pagsisinungaling ni Nina sa binata.
"Kamusta naman na yong....si Drew!"Di alam pano babanggitin ni Alex ang pangalan ni Drew.
"He's going better,bukas may theraphy na sya. So I can go back to the hospital early. "paliwanag ng dalaga.
"Mabuti naman at ng di ka gaano nag-aalala. Baka naman mapabayaan mo sarili mo sa pag-aasikaso sa Drew na yan?" Paramdam ni Alex ang pag-aaalala sa dalaga.
Si Janina naman di nya napigilang kiligin dahil bumalik nanaman ang pagkamaalalahanin ng bestfriend nya.
"Magaling ka na nga, bumalik na tatay ko."Biro nya dito para di mahalata ang kilig nya.
"Bestie, naalala lang kita baka kapag umuwi ka na ikaw naman may sakit."Dagdag pa ng binata.
"Opo tatay, kaya nga po pwede na po ba ako matulog kasi its so late na. Saka na tayo ulit magkwentuhan kapag may time ulit."Birong paalam nya dito.
"Pwede bang ako nalang tatawag sayo kapag may freetime ka na?"Tanong ng binata sa kanya.
"Okey sige, kung tatawag ka message mo muna ako para alam ko."Sabi nalang nya.
"Salamat bestie."
"Para naman saan yan pasalamat mo?"Biro nalang nyang tanong.
"Kasi di mo kahit pano di kana umiiwas sakin!sagot naman nito.
"Alex,wala ng dahilan para umiwas ako besides para na rin mabalik yon pagkakaibigan natin! sabi ng dalaga. Pero may kirot sa damdamin ang sariling binigkas.
"Kahit yon lang tingin mo sakin Nina, okey lang basta nararamdaman ko malapit ka sakin kontento ako."Ngiting sabi pa ng binata.
Mas lalo naman yon sakit na nararamdaman ni Nina, gusto nyang sumigaw at sabihing babalik ako, pero alam nya malabo na yon lalo pa at dala nya ang magiging anak nila ni Drew.
"Sabi ko sayo Alex, lets just move on, mahirap maghintay sa wala."Lungkot na sabi nito.
"Gusto ko man gawin Nina ang kalimutan ka at ituring kang kaibigan nalang may pumipigil sakin, ito."sabay turo sa tapat ng dibdib ng bibata.
"Pano kung....Pano kung...Alex!"Walang salita mabuo sa bibig ni Nina.
"Wag ka mag-alala, wala ako hinihintay sayo hayaan mo lang ako dahil dito ako masaya."Tapat ng binata.
"Alex...."Naramdaman nalang ni Nina ang luha na dumaloy sa pisngi nya.
"O bakit ka umiiyak dyan, isa lang masasabi ko bestie, halimbaw sa paghihintay ko sayo may dumating I grab it sa ngayon dito ako masaya, ang dyos lang makakapagsabi kung ano darating bukas at sa mga darating pang araw."paliwanag ni Alex sa kanya tama naman ito.
"Oo Alex, wag mo sayangin ang panahon mo sa paghihintay sakin."Sabi nalang nya.
"Oo bestie, sa ngayon pwede ba hayaan mo muna lang ako sa ginagawa ko.!"Pakiusap nya sa dalaga.
BINABASA MO ANG
Sometime's Love Just Ain't Enough[completed/UNEDITED]
RomanceHigh school friend sila Nina at Alex...barkada! Magkasama sa mga kalokohan, saya, minsan pati sa mga secrets share lang sa isa't isa. At pito silang magkakaibigan, pero sila ang sobrang close sa isa't isa minsan daig pa nila ang aso't pusa. At ka...